Nathan's pov . . . . .
Kanina ko pa napapansin na iba ang mood ni Yhoana ngayon, at pansin ko din na hindi sya pinapansin ni Claide, dahil ba kay Claide kaya iba mood ni Yhoana ngayon? At seryoso sya masyado.
Pansin ko din kay Cess na may pasa ito sa kanang wrist nya, at mukang bago lang iyon, napano naman kaya yon? hindi kasi nila kanina kasabay ni Cess dahil ang sarap daw ng tulog kaya hindi na ginising.
"oh nandito na si Cess, shall we start?" tanong ni Yhoana samin, tumango naman sila. Ako nakatingin lang kay yhoana, iba talaga mood nya.
"ang gusto ko lang naman ay yung walang magsasalita hanggat hindi ko tinatanong ah? Ayoko yung may sumasabat, kung may gusto kang sabihin patunugin nyo lang ang mga baso nyo, nagkakaintindihan ba tayo?"
"ehem! Labas lang ako" pag singit ni Claide. At sa amin ito nakatingin hindi kay yhoana.
"walang aalis hanggat hindi ko sinasabi, utos ko yan bilang Queen nyo" seryosong sabi ni Yhoana at tinitigan si Claide, umupo naman ulit si Claide sa kanyang upuan.
"okay ipapakilala ko lang sa inyo itong dalawang to, tumayo kayo. This small girl her name is Princess Gwyneth Vega, and her beside is Axel Vaith, friend/classmates namin ni kariza sa states" sabi ni yhoana at saka nag bow ang dalawa,
"and this boy beside me is Claide next is Tap Beck Brian James Biew Eunice Maria Hershey and kuya Nathan, and sa tabi ni kuya Nathan is Denver Colleen Vince Josephine Carlos say hi to them guys"
"HI!" sabi ng lahat maliban sakin kay James at kay Carlos. Dahil kilala na namin sila diba.
"Cess bakit ka may pasa? At saka bakit ang tagal mo dumating ah?" tanong ni Yhoana kay Cess.
"nabunggo ate Yhoana, saka kaya ako late diba nga iniwan nyo ako" pag iiba ng tono ni Cess na parang bugnot dahil iniwan nila haha .
"kuya, ano sa tingin mo ang pasa na nasa wrist ni Cess sa tingin ko mahahalata mo kung anong klaseng pasa ang nasa wrist at braso nya kahit malayo ka"
Pasa sa braso? Meron din pala don? Ang nakita ko lang sa wrist nito, siguro dahil natatakpan ni Axel.
"ehem! Yung pasa sa wrist nya kanina ko pa napansin pag upo ko pa lang dito, yung pasa nya naman sa braso hindi ko nakita, pakita mo nga princess" sabi ko at pinakita nya naman ito.
"ano masasabi mo kuya?" inip na tanong ni Yhoana.
"yung sa wrist nya bagong pasa pa lang at hindi ito nabunggo, dahil pasa ito galing sa mahigpit na pag hawak sa wrist nya. Ganon din sa braso nya, pero yung sa braso nya, ube na ito at yung nasa wrist nya paube pa lang"
"ate Hershey ano sa tingin mo?" tanong ni yhoana kay Hershey.
"sang ayon ako sa sinabi ni Nathan Yhoana" Hershey.
"Ano Cess saan galing ang pasa na yan?" yhoana.
"ah ganito kasi yan ate Yvone ano kanina nung papunta ako dito muntik ako madapa kaya may pasa akong ganyan sa higpit ng hawak nung driver na iniwan mo sakin para mapigilan ako tumumba" sabi ni princess.
BINABASA MO ANG
Just One Snap (Season 2)
AksiyonNOTE! please read the season 1 first bago ito, dahil may hindi ka maiintindihan kung 2 agad ang babasahin bago ang 1, bagong kakampi? bagong kaaway? bagong pag ibig? malalaman kung babasahin. haha enjoy chaaar! wala ako masabi sa description.