JOS: 50

14 1 0
                                    

Kariza's pov . . . .

Ang tagal naman ni Cess asan naba yung batang yon, kanina pa daw umalis dun sa bahay eh, di ko naman Makita si Jester yung pinaiwan ni Yhoana kay Cess para ihatid dito, habang naglakad lakad ako baka sakaling nandito na si Cess naliligaw lang.

Napansin ng mata ko ang mga taong naguumpukan duon sa isang side, nilapitan ko naman ito ano namang gulo yon. tss .

"Excuse me" sabi ko sa mga tao alam kong kilala nila ako kaya binigyang daan nila ako,

"anong nangyayare jan Brian?" tanong ko kay Brian andito pala at mukang kadarating lang

"si Tap may kaaway na babae haha" sabi nito. Tiningnan ko naman kung asan si tap at nakatalikod ito sakin at natatakpan ang babae, mukang maliit kaya di nakita.

Lumapit ako kay Tap at pansin kong itataas nito ang kamay nya ano to mananakit sya ng babae?!

"STOP!" sigaw ko at tuluyan ng lumapit kay Tap.

Tumigil naman si Tap at lumingon sakin. Naging maamo naman ang muka nito,

"Ateee karizaaaaaaaaaa!" sabi nito at lumapit sakn at niyakap ako.

"A-te kariza *sob*" sabi ng nasa likod ni tap dahil nakaup na ito,

Tinulak ko naman si Tap at tiningnan yung tumawag sakin parang si Cess eh,

"ate kariza huhuhu T_T"

"Shit cess! Ano nangyare sayo? Bakit ganyan itsura mo?"

"ate kilala mo yang babae na yan?" tanong sakin ni tap.

"magpapaliwanag ka samin ni Yhoana mamaya" sabi ko ng seryoso at saka tinulungan tumayo si Cess at dinala ito sa kwarto ni Yhoana.

"A-ate Kariza masakit po" sabi ni Cess , tiningnan ko naman ito,

"Alin ang masakit?" tanong ko dito.

"ate sa nahahawakan nyo po masakit" nagulat naman ako sa sinabi nito at dali dali syang binitawan.

Hindi ko na muna sya pinagsalita at iginaya ko na muna sa taas, good thing may elevator hindi ako mahihirapan sa kanya.

*tok* *tok*

"si Kariza to" sabi ko,

"pasok ka" sabi naman ni Yhoana, buti na lang wala pa sya sa baba kanina.

Pumasok naman na kami ni Cess,

"WHAT THE FUCK! Ano nangyare sayo?! " bungad samin ni Yhoana.

"mamaya mo na sya tanungin Yhoana" sabi ko at saka pumunta sa closet ni Yhoana, kinuha ko yung first aid at kumuha na din ako ng damit pampalit ni Cess.

Natapos naman ang paggamot ko kay Cess may pasa ito sa braso at sa wrist. Bakat ito ng mahigpit na pagkakahawak sa kanya. Yung nasa wrist mukang bago lang at papunta pa lang ito sa pagiging ube.

"kaya mo maglakad?" tanong ni Yhoana kay cess,

"opo ate kamay ko lang naman ang may pasa eh" cess,

"tara na naghihintay na sila duon, at dumating na daw lahat ng guest" sabi ni Yhoana.

Lumabas na kami at pumunta na ulit sa hall si Yhoana dumaretso sa stage at sinundo naman ito ni Nathan, kami ni Cess dumaretso kung saan nakapwesto sila kuya, tumabi naman si Cess kay Axel at tinabihan ko naman si Cess.

"ate Kariza" tawag sakin ni Tap.

"bakit?" tanong ko.

"yung kanina-"

"mamaya kana magpaliwanag pag anjan na si Yhoana" sabi ko at napayuko naman ito.

"bakit ngayon ka lang?" rinig kong tanong ni Axel

"eh kasi kuya Axel a-ano" naputol ang sasabihin ni Cess ng mag salita si tita Dette.

"LET'S ALL WELCOME QUEEN YVONE VILLASQUEZ! GIVE HER A WARM OF APPLAUSE"

Umakyat na sa stage si Yhoana kasama nito si Nathan.

"Ouch!" naagaw ng atensyon namin ni Cess dahil dumaing ito.

"ano naman nangyare jan? bakit ka may pasa sa braso?" tanong ni Axel.

Nakita ko naman na napatingin sila kuya kay cess, tiningnan ko naman si Tap na hindi tumitingin kay Cess at nakatuon lang ang atensyon nito kay Yhoana.

"mamaya mo na tanungin si cess Axel ng hindi paulit ulit si Cess, wala pa si Yhoana malamang magtatanong din yun mamaya" tumango lang naman si Axel at saka nanahimik na nakinig na lang naman kami kay Yhoana.

"So that's all, please enjoy the food, and enjoy the party" sabi nito at saka na ibinigay kay tita dette ang mic.

Mukang nagmamadali sa speech ah, bumaba na ito kasama si Nathan at pumunta na sa pwesto namin. Tumabi ito kay Claide na hindi naman sya pinapansin, napapansin ko lang si Claide simula nung nangyare sa race di na pinansin si Yhoana.

Ang pwesto naming ganito,

Ako Cess Axel Carlos Josephine Vince Colleen Denver

Yhoana L A M E S A Nathan

Claide Tap Beck Brian James Biew Eunice Maria Hershey

Yan ang pwesto naming ngayon , may nagserve naman ng pagkain dito samin, kakain muna kami, gutom na din naman ako kakahanap dito kay Cess, kumain na muna kami lahat at ni isa walang nagbalak mag salita dahil mukang ramdam nila yung black aura ni yhoana, magka pasa ba naman ang lil sis nya ng hindi nya alam eh.

"May gusto ka pa kainin Cess?" tanong ni Yhoana kay Cess,

"ahm opo hehe, kukuha lang po ako nung desert ang sarap eh haha gusto ko po yung madaming chocolate" parang batang sabi ni Cess. Patayo na sana to ng pigilan to ni yhoana at saka tinuon ang tingin kay Tap.

"tap narinig mo yon? ikuha mo si Cess ng desert" tila nabulunan naman si Tap ng sabihin iyon ni Yhoana, narinig ko naman na napatawa si Brian dahil duon.

"bakit Tap? May problema ba?" tanong ni Yhoana,

"wala po ate Yhoana, eto na lang akin ang ibibigay ko" sabi ni tap ng nakayuko at saka inabot ang desert nya kay cess , hindi naman ito inabot ni cess.

"ako na lang kukuha ate Yhoana, gusto ko marami chocolate eh, saka baka mamaya bigla na lang ako mawalan ng buhay dito" sabi ni Cess at saka tumayo.

Nag tss naman si Tap at saka ibinalik sa harap nya yung desert nya, favorite din kaya ni Tap yung ganyang desert kaya bakit nya ibibigay? Tinatamad tumayo? Tss.

"Tapusin nyo na ang pagkain nyo, dahil pagbalik ni Cess mag paguusapan tayo" sabi ni Yhoana,tumango namn ang lahat. Ako patapos nako at etong desert na din ang nilalantakan ko,

Just One Snap (Season 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon