Yhoana's pov . . . .
Nagsi alisan naman ang iba, at si Cess naman ay kukuha ulit desert kasama si Axel, ako si Claide, ate Hershey, kuya, Carlos, tito James at ate Josephine na lang ang naiwan dito.
"Tara Hershey sayaw tayo" yaya ni kuya kay ate Hershey at pumayag na din ito.
"sama din kami tara Josephine, James" yaya ni Carlos sa dalawa.
"ayoko kayo na lang" tanggi ni tito James.
"ang kj nito, halika na" hila ni ate Josephine kay tito. Wala naman ito nagawa dahil pinagtulungan na ito ni carlos at Josephine.
Naalis ang tingin ko sa mga tands ng marinig kong tumayo ang katabi ko tiningnan ko naman ito ngunit wala na to sa tabi ko, ano bang problema ng loko na yon tss.
"*whisper* pupunta lamang ako sa hardin upang magpahangin mahal kong reyna, kung gusto mo sumunod nandon lamang ako"
Bwisit na Claide to hindi na nagbago! Kainis! Hindi naman ako nagpahalata na nagulat ako sa kanya. Lokong to. Ginulat na naman ako sa pag ihip sa leeg ko at saka ako binulungan tss
Mukang umalis na ito dahil hindi ko na naramdaman ang presensya nya. Kailangan ba ganon gawin nya pag mag papaalam tss kahit kelan talaga.
Hindi naman nagtagal dumating na si axel at princess, grabe tong batang to pag may ganyan di na nagsawa.
"Nakakainis talaga yun kuya axel, kainan pa yon tapos ngayon ubusan pako ng chocolate" sabi ni cess pagkakadating tinawanan lang naman ito ni axe.
"tama na yan desert cess ah, masobrahan ka tamo! Huling kuha mo na yan" sabi ko dito, tumango naman ito at nilantakan na ang desert.
"aalis lang ako saglit" sabi ko at saka umalis na .
Balak ko sanang pumunta sa kwarto ko ngunit hindi umaayon ang mga paa ko papunta sa kwarto, dahil papunta ito sa garden. Ano to may sariling pag iisip ang paa ko?!
"sabi ko na nga ba susunod ka" sabi ni Claide, inangat ko naman ang tingin ko sa kanya.
"gusto ko lang din magpahangin kaya ako nagpunta dito" pagpapalusot ko.
"anong sadya mo?" tanong nito.
"wa-wala magpapahangin nga diba?" sabi ko.
"may itatanong ako Yhoana" sabi nito at tiningnan ko naman ito sa mata.
"bakit hindi mo sinabi sa iba na boyfriend mo yung Axel na yon?" tanong nito.
"sinabi ko ah, hindi kaba nakikinig?" ayaw pa kasi aminin na may gusto din sakin eh haha, torpe pa tss
"ang sabi mo ay kaibigan mo lang sila sa states wala kang sinabing boyfriend mo si Axel" sabi nito.
"my god Claide! Iniisip mo bang may relasyon kami ni Axel? Yun ba nag pagiintindi mo sa sinabi kong boyfriend?" pag maang maangan ko na sabi sa kanya haha.
"bakit hindi ba iyon ang ibig sabihin non?" sabi nito na puno ng pagtataka sa muka.
"boyfriend, means lalaking kaibigan, alam mo naman na ikaw lang ang minahal ko sa loob ng dalawang taon kahit magkalayo tayo Claide, kaya ba ganyan ang kinikilos mo dahil duon? Don't tell me nagseselos ka?" mahabang sabi ko dito haha
"Hindi ko pa ito nasasabi sayo Yhoana, dahil wala akong pagkakataon, umalis ka agad pagkatapos ng iyong birthday tapos hindi tayo maayos na nagkakausap kaya ngayon ko na ito gusto sabihin sayo"
Gaaaaaaaaaaad! Aamin naba sya sakin? Haha grabi hindi na sya torpe haha.
"Yhoana alam mo yung binigay ko sayo nung birthday mo? Yung palawit na may picture na bata?" tanong nito sakin.
"oo bakit? Anong meron don?" takang tanong ko,
"na-aalala mo to?" tanong nya saka sya may pinakita na katulad ng palawit ko,
"yan yung nakita ko sa kotse mo nung bumukas yung bintana, bakit meron ka nyan? Ang alam ko dalawa lang ang may meron nito ako at yung lalaking nasa palawit ko, wait don't tell me ikaw yon?" gulat na tanong ko,
"oo yhoana ako nga yon ako nga yung batang nalaglag sa puno nung araw na yon ako yung batang nagbigay sayo nun at ako din yung batang nasa picture" sabi nito halata sa kanya ang pagkamiss.
"bakit ngayon mo lang sakin sinabi?!" sigaw ko dito.
"sabi ko nga walang pagkakataon diba? Kasi nung time na nalaman kong sayo yan, yun din yung araw na nadukot ka" sabi nito na halatang malungkot.
"ikaw talaga si xy?" maluha luha kong tanong dito.
"oo ako nga Yhoana, at saka may sasabihin pa pala ako sayo, diba sabi mo mahal moko? Gusto ko lang sabihin na ma-"
"baaaaabe! I miss you" putol ng isang babae at saka yumakap sa likod ni claide babe? Ano to? May gf sya? Bakit hindi nya sakin sinabi? Pinag muka nya akong tanga.
Tinanggal namn ni claide yung pagkakakapit nung babae sa likod nya saka ito hinarap,
"Janine? What are you doing here?! Kelan ka pa dumating?" sabi ni claide na may galak sa muka.
" I miss you babe andito ka lang pala" sabi ng babae hindi ko Makita yung muka dahil natatakpan ito ni claide.
" I have to go, mukang namiss ka ng babe mo claide" sabi ko saka na tumalikod.
"WAIT YHOANA!" pigil nito sakin saka ako hinarap .
"YHOANA?! wait! Is that you Yhoana Yvone Villasquez?" tanong ng babae nito sakin bakit nya ako kialal.
"do I know you?" tanong ko naman dito.
"I'm Janine, Claide's babe nice to meet you" sabi nito sakin saka ako niyakap.
"okay then nice to meet you, im going" sabi ko at saka umalis
Babe ni claide? What the fuck is that?! Bakit wala manlang sakin sinabi sila kuya na may gf si claide my gaaaaad! Muka akong tanga sa loob ng dalawang taon.
Pumasok nako sa loob at hinanap si kuya, nakita ko naman sila lahat sa table namin,
"kuya uwe nako, enjoy kayo dito bye" sabi ko at nagmadali ng umalis, narinig ko naman na tinawag ako ni axel,
"ano problema nun?" tanong ni Nathan sa kanila. Tumuloy na lang ako palabas at saka pumunta sa kotse ko, buti na lang may kotse ako dito, ako na lang mag isa ang mag dadrive pauwe, gusto ko mapag isa.
____________💜
BINABASA MO ANG
Just One Snap (Season 2)
AksiyonNOTE! please read the season 1 first bago ito, dahil may hindi ka maiintindihan kung 2 agad ang babasahin bago ang 1, bagong kakampi? bagong kaaway? bagong pag ibig? malalaman kung babasahin. haha enjoy chaaar! wala ako masabi sa description.