Part 14

47 3 0
                                        

     Mabilis na lumipas ang panahon at ngayon ay nandito kami ni Nicole sa airport at hinintay namin si Mark..pauwi na sya at tapos narin ang  kontrata nya.Ewan ko kung ano ang susunod na plano nya basta ang alam ko lang hindi sya ang lalaking gusto ko makasama ko habang buhay mas  nanaig ang pagmamahal ko kay Chad.

     "Hoy..anong iniisip mo jan"sita ni Nicole ng mapansing tahimik lang ako.

     "Ah..eh excited lang ako sa pagdating ni Mark",sagot ko naman buti nalang di na ngtanong pa.

     "Wow,kilig much naman ako"

    After 30 minutes of waiting finally natatanaw ko na si Mark na papunta sa kinaroroonan namin.

     "Yan ba si Mark?"tanong ni Nicole ng makita ang lalaking  papalapit sa amin.

    "Oo"maikli kong sagot.Ang gwapo talaga ni Mark..never fade.

     "Hi"nakangiting bati sakin ni Mark at humalik sa pisngi ko.Ngumiti ako sa kanya at pinakilala si Nicole.

     "Syanga pala Mark may kasama ako..si Nicole friend ko".

     "Nice meeting you Nicole"nakangiting inilahad ni Mark palad kay Nicole.Tinggap naman ni Nicole ang palad ni Mark at nagpakawala ng isang matamis na ngiti.

     "Ang gwapo pala ng bf ng bestfriend ko"kinikilig na sabi ni Nicole.Ngumiti lang si Mark.

     "So,shall we go?"yaya ko sa kanila.Actually wala naman kaming kotse eh magtataxi lang kami..

     "Let's go"sang ayon naman nilang dalawa.

     Sumakay na kami ng taxi nasa harapan si Nicole at magkatabi naman kami ni Mark.Tahimik lang kami boung byahe.Alam kong pagod si Mark kaya hinayaan ko siyang matulog.After 1 hour nakarating na kami sa bahay nila Mark.First time kong makarating sa bahay nila...di ko nga alam to puntahan eh sinabi lang ni Mark ang address sa driver ang finally were here.First time ko rin mamet mga magulang nya.Bumaba na kami ng taxi at nagdoorbell sa  malaking gate ng malaking bahay.Maya-maya lang may lumabas  na babaeng

nasa 50 na ang edad at nagbukas ng gate.Nakita kong nagmano si Mark habang kami naman ni Nicole ay nilabas sa taxi ang mga bagahe ni Mark.

     "Mark..hindi mo sinabi na ngaun ang uwi mo sana nakapaghanda manlang kami"narinig kong sabi ng nanay ni Mark.

     "Ma,gusto kong isurprise kayo"sagot naman ni Mark at bumaling sa amin ni Nicole.

    "Syanga pala Ma si Marie;gf ko at si Nicole friend nya"pakilala nya.

    "Hello po"halos sabay naming bati ni Nicole sa matanda.

     "Tuloy kayo sa loob"yaya ng nanay ni Mark at sabay-sabay nga kaming pumasok sa loob.

   Naghanda si Aling Linda,ang nanay ni Mark ng makain.Tumulong narin kami ng kaibigan ko.Nag iisang anak lang si Mark.Ang tatay at nanay lang nya ang nakatira sa malaking bahay.Mabait naman ang dalawang matanda at madali lang sila pakisamahan.

Umaasa Lang SayoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon