Chapter One

123 2 3
                                    

"Hindi ako papayag.. Ayoko !!" Pasigaw na turan ni strawberry sa ama.
"paki usap naman anak .. Wala ka ng magagawa naayos na lahat " paki usap ng ama niyang si Vicente Cruz
"No." Madiing sambit niya."twenty-Seven na ko. Malaki na ko para sa ganyan at isa pa. Ako ang pipili ng lalaking pakakasalan ko. Ako lang pa' at hindi ikaw " sagot niyang halos umiyak na.
"Kasal na kayo at wala ka ng magagawa dun" Halatang may inis na wika ng kanyang Ama.
Tumayo siya" Ayoko Pa' " sambit niya sabay talikod at iniwan ng Ama.
"Strawberry..." Tugon nito matapos tumayo para habulin ang anak pero mabilis na nakalabas ng bahay si strawberry. Dala nito ang Envelope na binigay ng Ama niya.Ang marriage contract nila ng lalaki.

Nanghihinang bumalik siya sa kinauupuan. Alam niyang masakit para sa kanyang anak pero wala siyang magagawa kailangan niyang maisalba ang negosyo nila.

"Kailangan ba talagang mangyari to" tanung ni Linda ang asawa niya.
Tumingin sya dto. "At ano ang gusto mo ? Hayaang malugi ang pinaghirapan ko ? Alam kong mahirap. Hindi ko din gusto to kaya lang wala na kung ibang maisip " paliwanag nito.
"Pero ang anak mo ang nahihirapan. Ni hindi pa nga sila nagkikita ng lalaking yun "
"Hndi yun mahalaga .. Magkikita rin sila."
"Sana lang tama ang naging desisyon mo at sana rin hindi masaktan ang anak mo " May pag aalalang wika nito.

Hindi na siya sumagot alam niyang hahaba lamang ang usapan nila. Sana talaga tama ang naging desisyon niya.

Si Strawberry ang nagiisa nilang anak kaya lahat gagawin niya wag lang itong dumanas ng hirap kahit pa masakit sa loob ang ginawa niya.

Lakad takbo ang ginawa ni Strawberry. Pupuntahan niya sa kumpanya nito ang sinasabi ng mga magulang niya. Ang asawa niya. Kakausapin niya ito na ipadivorce ang kasal nila dahil isa itong katangahan.
Tatawid na siya ng biglang may lumikong kotse sa harap niya. Inis na inis siyang nilapitan ang kotse.

"Hoy !! Bulag kaba ?! Hindi mo ba nakitang patawid ako ?! Tapos bigla ka na lang liliko ?? Muntik mu na ko mabangga " gigil niyang sambit. "Bumaba ka diyan!!" Ulit pa niya.

Bumaba ang lalaki sa kotse. Natulala siya ng matitigan ang lalaki. Ang gwapo nitong mukha. Ang matangos nitong ilong at ang mata nitong kahit galit ay parang nakangiti parin.

"Anong probleama mo ?" Galit nitong tanung."Hindi mo rin ba nakita na paliko ako? ''
Ang yabang pala nito porkit gwapo sambit niya sa isip niya.
"Ako pa ang sinisisi mo ? E ikaw tong may kasalanan" inis na rin niyang wika.
"Grabi naman.kakauwi ko lang tapos ganito pa ang sasalubong sakin ? Alam mo Miss i have to go wala akong panahon sayo"
"Hoy !! Ikaw pa talaga ang walang panahon ah ? Ang yabang mo akala mo kung sino ka !!" Nanggigil na sambit niya.
"Dont talk to me like that. Para sabihin ko sayo. I'm the well-known businessman in makati baka gusto mo- "

"Anong gagawin mo ? Huh ? Akala mo takot ako ? At isa pa wag mo ko ma english english diyan baka makatikim ka sakin "
"What ?! What the- " Hindi na niya natuloy ang sasabihin niya ng biglang may kamao siyang naramdaman sa tiyan niya. napaduko siya.nakaramdam siya ng sakit.

"Sabi ko na sayo"ngiting wika nito. Umalis siya sa lugar na yun.

Naiwang nangigil si Lance habang nakatanaw sa babaeng naglalakad paalis sa lugar na yun.

"Shit ! Damn that woman !!"sambit niya.

"Miss pwede ko bang makausap si Lance Del Prado? "Tanung ni Strawberry ng makarating siya sa Building ng lalaki.
"Ma'am do you have an appointment " tanung ng babae na nakangiti.
"Wala e. P-pero sandali lang naman"
"Sorry Ma'am kakauwi lang kasi ni Sir Lance. Kaya hindi pa siya pwede istorbohin"
"Ganun ba ?"
Tumango lang babae.

POV: LANCE

"Ano bang nangyari sayo?"tanung ni Joseph. Ang isa sa mga barkada niya. Kasama nila si Daniel, Mike at si Raymond. Sila ang THE PLAYBOYS GROUP COMPANY INC.
"Ou nga what happen ?" Tanung din ni Daniel.
huminga siya ng malalim"Mahabang kwento. Sabihin na lang natin na mayroon akong isang babaeng naka away and I hate her. Sinuntok niya ko for no reason" gigil niyang kwento.
"Posible namang suntukin ka niya ng walang dahilan"kunot noong tanung ni Mike.
"Oo nga. Baka naman hindi natinag sa kagwapuhan mo ?"ngiting asar ni Raymond. Ngumiti rin ang tatlo.
"Mga sira.. Wala pang babaeng hindi natinag sa itsura ko " pagmamayabang niya.
"Ang yabang talaga nito" ani Daniel sabay tayo."Anyway, Pupuntahan ko lang yung secretary ko, mayroon siyang ipapapirma"
"That's better "ani rin ni Lance.

"Miss sige na naman please ? Kahit sandali lang "pilit ni strawberry sa babae.
"Sorry talaga Ma'am hnd po kasi talaga pwede "sagot niya.

Hindi pwedeng hindi niya makausap si Lance. Kailangan nilang gawan ng paraan ang ginawa ng mga parents nila. Napalingon si Strawberry sa lalaking lumabas sa kwarto. Siguro yun na si Lance ? Tanung niya sa isip niya. Mabilis niyang nilapitan ang lalaki.

"Miss sandali " habol sakanya ng babe. Pero mabilis itong nakalapit kay Daniel.

"Ikaw ba si Mister Del Prado ?"tanung ni Strawberry.
"Miss.. Bawal nga "giit pa ng babae ng makalapit sakanya.
"What's wrong ?" Nagtatakang tanung ni Daniel.
"Ahmm.. Hinahanap ko si Lance ?" Sagot agad ni Strawberry.
"Sige. Pwede ka ng umalis" baling ni Daniel sa secretary.
"Ikaw ba si Lance ? Mayroon akong importanteng sasabihin sayo"ulit ni strawberry.
"What ?"
"Ako si Strawberry. Asawa mo"direktang sabi niya.
"Hah ? Ahmm.. Alam mo kasi hindi -"
"Alam kong nagulat ka. Ang parents mo at ang parents ko ang may gawa nito. Andito ako para humingi sayo ng tulong. Kailangan mapawalang bisa natin ang kasal na to " paliwanag niya''
''Anong meron dito ?''
Napalingon si Daniel sa nagsalita''Your here'' nakangiting wika nito kay Lance.

Hindi niya pinansin ang lalaking dumating. Busy siya kakamasid sa lalaking kaharap. Sobrang gwapo nito. Ang tangos ng ilong. Ang ngiti nitong mala anghel.

''Yeah .. Anong nangyayari dito ?'' Ulit niya. Nakatingin lang siya sa kausap hindi niya napansin ang babaeng kausap ni Daniel.
Ngumiti siya ng ubod tamis.'' Lance meet your wife Strawberry.'' Pagpapakilala ni Daniel sa Dalawa.

Nagtama ng tingin ang dalawa.
''I-ikaw ?!!''gulat na wika ni Strawberry.
''You again ?!!''sagot din ni Lance.'' Anong pinagsasabi mo Daniel ?'' Dugtong pa nito.
''Daniel ?''nagtatakang sambit ni Strawberry.
''Yes, ako nga si Daniel. Kanina ko pa gustong sabihin sayo kaya lang hindi moko binigyan ng pagkakataon e.''paliwanag niya.
''Ano ba talagang nangyayari dito ? Anong asawang pinagsasabi mo ?!''galit niyang sabi sa dalaga.
''Sabihin mo sakanya Strawberry''ani
Daniel.
Bumaling siya kay Lance.'' Katulad ng sinabi ko kay Daniel.. Asawa mo ko Lance.''
''What ?!! Asawa ?!! Wow Miss sobra kana kanina sinuntok mo ko ? pinalagpas ko yun pero ngayon ? Asawa naman ang sasabihin mo ? Gusto mo lang atang yumaman ''Galit niyang sabi.
''Ang kapal mo din ano ?!! Wala akong paki alam sa kayamanan mo.. Sinasabi ko lang to dahil kagagawan to ng mga magulang natin. At ang gusto ko maayos natin to..'' Nagpipigil na sagot niya.
''At sa tingin mo maniniwala ako sayo ?''
''Kung ayaw mo e di wag !! Wala naman akong paki alam kahit hindi ka maniwala e. Kausapin mo ang Daddy mo at eto .. '' inis na inis na sambit ni Strawberry sabay hagis sa envelope na dala niya. Tumalikod na siya at umalis sa building na yun.

''Buset na babae na yun '' tiim bagang na wika ni Lance.
Pinulot ni Daniel ang Envelope.'' Why dont you talk to your Dad ? Para malaman mo ang totoo ? ''
''Did you believe her ?''
''Why not ? Maganda siya diba ? Mukha bang nangluluko yun ? ''
''Kahit babae ang hilig ko. Hindi ko siya papatulan ''
Nagkibit balikat si Daniel sabay ngiti''Well .... Let see Lance ''

''Good evening 'pa '' Ani Lance ng maka uwi na siya kinagabihan sa bahay ng Ama. Nadatnan niya ang Ama na naka upo. Tumabi siya dito matapos kumuha ng dalawang basong alak.

''Kumusta ang byahe ??'' ngiting tanung nito sa anak.
''Good. Anyway may sadya ako sayo ''
''What ?'' Tanung nito.
''Here 'pa .. '' inabot niya dito ang Envelope na dala kanina ng dalaga.'' Totoo ba lahat niyan ? Totoo ba lahat ang sinasabi ng babaeng yun ? '' tanung ni Lance.
''So, you already met her ?''ngiting wika nito.
''Yes. Sa Company. What is all about ? Asawa ko nga yung babaeng yun ? At saka babae ba talaga yun ? Alam mo bang sinuntok ako nun ? '' paliwanag niya.
''Babae siya. At siya ang gusto ko para sayo ''
''Nahihibang ka na ba ? Wala pa sa plano ko ang pag aasawa at mas lalong hindi sa ganung babae. She's different. Hindi ko siya gusto.I'm too old for this stupid joke. '' paliwanag ni Lance.
''Here.. ''Inabot niya sa anak ang isang papel.
''What is this ? ''
''Background ni Strawberry .. Hindi naman ako papayag kung hindi siya matinong babae para sayo '' sagot ng kanyang ama na si Marcelo Del Prado.

ThE pLaYboYs GrOuP [ LancE the Mr.pLaYboy ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon