''Your here. Bat ang bilis mo ? 15minutes ? So fast..'' wika ng ama ni Lance.
''Walang traffic..'' Sagot nya pero ang totoo nagmadali talaga sya para hindi maghintay ng matagal ang parents ng asawa nya. Hinanap ng mga mata nya si Strawberry.
''Nasa garden sila. Let's go..'' Wika nito. Nagsimula na itong lumakad. sumunod naman sya dito. Nadatnan nya sila na nakaupo at masayang naguusap. Nakita nilang papalapit sya kaya tumayo silang nakangiti.
''At last.. Your here Lance..'' Wika ng ama ni Strawberry.
''Good day Sir/Ma'am..'' Bati nya at nakipagkamay sya sa dalawa.
''Dont call us Sir and Ma'am Lance..
Just call us Dad and Mom after all asawa ka ng anak naming si Strawberry '' Sagot ni Vicente.
Ngumiti sya. ''Ok Dad/Mom.'' Masaya sya dahil tanggap na tanggap sya ng parents ni Strawberry. Hindi nya alam pero ganun talaga ung nararamdaman nya. Napatingin sya sa dalaga. Nakangiti ito sakanya. Nakaramdam sya ng kilig ng magtama ang mata nya. Ngayon na lamang nya naramdaman ang ganitong saya.
''Napakagwapo mo talaga hijo. Talagang bagay kayo ni Strawberry.'' Sagot ng Ina ni Strawberry.
''Hindi naman po..'' Nahihiyang wika nya.
''Salamat nga pala sa lahat ng tulong mo Lance.. '' Ani Vicente.
''Ok lang po. '' sagot nya.
''Umupo na tayo. Lets have eat. Pinahanda ko na ang pagkain '' sabat ng Ama ni Lance. Umupo na sila at nagsimula ng kumain.POV: LANCE & STRAWBERRY
''Masaya kaba Lance ? '' Tanung ni Strawberry. Tapos na sila kumain. Humiwalay sila ng pwesto sa mga magulang nila. Naguusap ang mga ito about sa bussiness kaya lumipat sila ng ibang pwesto.
''Saan naman ako magiging masaya ? '' Tanung din nya.
''Sa nangyari sa buhay mo ? Sa pagkakaroon mo ng asawa ? ''
Napatingin si Lance sa dalaga.
''Pag nakuha ko na ang kapalit sa tinulong ko sayo. Babalik na din sa dati ang buhay ko saka isa pa wala namang nagbago sa buhay ko. Ganun pa din. Nagagawa ko parin ang gusto ko. I-ikaw ba naging masaya ? ''
''Nung una hindi pero nung naging maayos na ang lahat. Naging masaya na ko lalo na nung nakasama kita akala ko kasi talagang masungit ka pero hindi naman talaga lalo mo lang ako napahanga nung hindi mo ko pinilit sa gusto mo. ''
Ngumiti lamang si Lance bilang sagot. Nablanko ang utak nya. Hindi nya talaga alam ang isasagot.
''Handa na kong ibigay ang gusto mo. Hindi ako napipilitan kung iniisip mo Lance. '' Wika pa ulit ni Strawberry.
''S-sigurado ka ? Ibig kong sabihin bat biglang nagbago ang isip mo ? '' tanung nyang hindi makapaniwala.
Ngumiti si Strawberry bilang sagot. Hindi rin kasi nya alam kung bakit bigla na lamang syang naging handa. Hindi na lamang nya pinilit ang dalaga saka na lamang nya tatanungin ito pag gusto na talaga nya kunin ang pagkabirhen nito.Kinabukasan.
Maaga syang bumangon para makabawi sya sa mga kaibigan nya. Sa pag iwan nya kahapon. Hindi na lamang nya ginising si Strawberry dahil puyat ito kagabi. 1am na kasi sila nakauwi.Pagpasok nya sa kumpanya nila nadatnan nya ang apat na nsa tapat ng opisina nya.
''Kahit kailan ka talaga brad. Bigla kana lang nang iiwan.. '' wika ni Joseph.
Ngumiti sya. Alam nyang madadatnan nya ang apat sa harap ng kwarto nya. Ugali na nilang lima yun pag may kasalanan ang isa talagang magaabang sila sa mga kwarto ng bawat isa.
''I'm really sorry guy's.. Nag aya kasi ng family dinner ang parents ni Strawberry gusto lang daw nila ako mameet..'' Sagot nya.
''Wow ! Totoo naba yan ? '' tanung ni Mike.
''Hindi naman. ''
''Anung hindi ? E meet the parents na diba.? '' wika naman ni Raymond.
''Palabas lang yun. Pagkatapos kung makuha ang gusto ko kay Strawberry mag hihiwalay din kami.'' Matamlay nyang sagot.
''E bakit parang malungkot ka ? '' tanung ni Joseph.
''Ofcourse not ! '' tanggi nya.
''Kilala ka na namin Lance. Alam naming malungkot ka. Remember Athena ? Diba halos masiraan ka na ng bait ng makipagbreak sya sayo ? '' sagot naman ni Daniel.
Nawala ang ngiti nya.
''It was 4yrs ago.. '' sagot nyang may diin ang salita.
''Daniel's right. Kaya alam naming malungkot ka.'' Wika naman ni Raymond.
''Kumusta na kaya si Athena ? '' Ani Mike.
''Pwede ba.. Nakakalimot na ko. Kaya please stop calling her name.. '' naiinis nyang sagot.It was 4yrs ago pero hanggang ngayon may galit parin ang puso nya. Si Athena ang unang babaeng minahal nya. Kulang na lamang ay sambahin nya ang dalaga. Naging overprotective sya at halos lahat ay pinagbabawal nya. Naging sobrang seloso din sya halos lahat ng nalalapit kay Athena. Pinagseselosan nya. Kaya 1ng araw bigla na lamang nakipagbreak si Athena sakanya. Nasasakal na daw sya. Hindi na daw nya kaya ang pagiging seloso ko at pagiging overprotective. Sinundan nya ang dalaga sa US. Gusto nyang makipag ayos dito pero talagang ayaw na ni Athena. Halos madurog ang puso nya ng iwanan sya ng dalaga. Muntik pa syang mag pakamatay kung hindi lang sya pinigilan ng mga kaibigan nya. Pag iinom ang inatupag nya halos kalahating taon syang walang ginawa kung di uminom ng alak. Wala syang paki alam gusto nyang makalimot. Mabuti na lamang andyan ang mga kaibigan nya handang tulungan sya. Naisip nyang kailangan nyang bumangon. Nagpunta sya ng Singapore para makalimot. 1yr lang sya dun bago sya umuwi. Dun nagsimula ang pagiging mapaglaro nya sa mga babae. Hindi na rin sya nakaroon pa ng commitment sa kahit sinong babae. Oras na magtapat ng pagibig ang babae sakanya. Iiwan na nya ito. Wala syang paki alam kahit masaktan pa ito.
''Sorry Lance. Kaya ko lang naman sya nabanggit kasi she's in the Philippines now.'' Wika ni Daniel.
''Anong ginagawa nya dito ?'' Tanung nya.
''She's on vacation. Actually nag Email sya saming apat. Nagyaya syang mag dinner. Did you already open your Email ? '' sagot ni Daniel.
''I dont care, mag dinner kayo kung gusto nyo. Anyway let's go to work. Its already time.'' Wika nya. Binuksan na nya ang pinto at iniwan ang apat. Agad nyang binuksan ang Email nya. Nakita nya ang Pangalang Athena. Binuksan nya ang message.HI LANCE. IM HERE IN THE PHILIPPINES. CAN WE TALK ? LETS HAVE DINNER. PLEASE CONTACT ME.
Nakuyom nya ang kamao nya. Sobra ang galit nya sa dalaga. Walang kapatawaran ang ginawa nito sakanya. Pagkatapos ng lahat. Babalik ito ng parang walang nangyari.
Maaga syang umuwi. Wala syang ganang magtrabaho. Wala din sa concentrate ang utak nya. Nasa isip nya si Athena kaya minabuti na lamang nyang umuwi. Hindi na sya nagpaalam sa mga barkada nya. Nagsabi na lang sya sakanyang sekretarya.
Nakarating na sya sa bahay nila.Nadatnan nya si Strawberry na nasa kusina. Nagluluto.
''Lance pasensya kana hindi ako nakapagluto ng agahan mo kanina'' Wika ni Strawberry.
Hindi nya pinansin ang dalaga. Nagtuloy tuloy lamang sya sa paglakad.
''L-lance...'' Sambit nya.
''I need to rest..'' Sagot nyang walang gana.
''gusto mo bang kumain ? Paghahain kita. '' tanung nya.
''Narinig mo ba ang sinabi ko? Ang sabi ko gusto kung magpahinga.'' May halong galit na sagot nya.
Napaamang sya sa naging sagot ni Lance. Nakaramdam sya ng takot dahil galit ang boses ni Lance.
''Ahmm... S-sige.. Magpahinga kana '' sagot nya.
Hindi na sumagot si Lance. Naglakad na sya at iniwan ang dalaga. Sinara nya ang pinto ng makarating sya sa kwarto nya.Nagtataka man pinilit na lamang nyang intindihan ang binata. Baka masama lang ang pakiramdam nya o kaya may problema sa trabaho. Tatalikod na sana sya ng marinig nyang bumukas ang pinto.
''I'm sorry... I'm really sorry '' mahinang sambit nya. Sinara na nya ang pinto Hindi na nya hinintay ang isasagot pa ng dalaga.
Kahit papanu naging masaya sya ng manghingi ito ng tawad. Sabi na nga ba nabigla lang ito sa ginawa nya. Malamang nagkaroon ito ng problema.
''Strawberry..??? '' tawag ni Lance. 10pm na ng lumabas sya sa kwarto nya. Nakaidlip na lamang sya sa kakaisip kay Athena.
''L-lance...'' Sagot ni Strawberry ng binuksan nya ang pinto.
''Ahmm.. Magpapaalam lang sana ako. May pupuntahan lang ako. '' nahihiyang wika nya.
''S-saan ka pupunta ? Ibig kung sabihin .. Para mapagbuksan kita ng pinto..''
''Dont bother.. I have may own key... Nagsabi lang ako para alam mo..''
Tumango si Strawberry.
''Ok Lance...'' Maikling sagot nya.
Tumango lang din si Lance. Hindi na sya sumagot pa. Tumalikod na sya at iniwan ang dalaga.Sinundan na lamang nya ng tingin ang binata. Nakaramdam sya ng saya ng magpaalam sakanya si Lance. Para na silang tunay na mag asawa. Pero alam nyang may hangganan ang lahat. Aalis din sya sa bahay na to. Oras na kuhain na ni Lance ang pagkabirhen nya. May kurot sa puso nya ng maisip nya ang mangyayari sakanila ng binata.
BINABASA MO ANG
ThE pLaYboYs GrOuP [ LancE the Mr.pLaYboy ]
عاطفيةNalulugi ang Negosyo nila Nagkataon pa na kinailangan ng Ama niya ng Heart Transplant. Lahat ng Kaibigan at Kakilala nila nagawa na niyang hingian ng tulong ngunit hnd pa rin sapat. Isang tao na lang ang hindi niya pa nalalapitan. Si Lance ang tinag...