''Dumating ka din sa wakas. Kanina kapa namin tinatawagan. '' wika ni Joseph ng makarating si Lance sa bar.
''Sorry.. Nakaidlip ako ...'' Sagot nya. Napatingin sya ng makitang hindi lang sila lima sa kwarto. Nawala ang ngiti nya ng makita si Athena na nakatingin sakanya.
''Sorry brad.. Alam naming pagsinabi naming kasama namin si Athena. Hindi ka pupunta. '' Wika ni Daniel.
Huminga sya ng malalim at pilit na ngumiti.
''Its ok.. Wala na din akong magagawa.''
''Hi.. Lance ...'' Bati ni Athena.
Tumingin sya sa dalaga. Ngiti lamang ang ginanti nya dito.Ilang oras ang lumipas. Marami na syang nainom. Naramdaman nyang may tumabi sakanya sa upuan. Tumingin sya. Nakita nya si Athena nakangiti sakanya.
''Bat lumipat ka ? '' tila naiinis nyang tanung.
''I just want to talk to you..'' Malambing nitong sagot.
''For what ? ''
''About us.. Lance I want you back.. '' tila maiiyak na sagot nito habang hinihimas ang dibdib ng binata.
''After what you did ? You want me back ? Nagmukha akong tanga sayo and-''
''Yeah I know ..pero nagsisisi na ko. After all this years I still love you.''
''You know what ? Mabuti na lang nagkita tayo. Kasi ngayon naisip kong tama palang iniwan mo ko. Tamang naging girlfriend lang kita dahil hindi ka ideal para maging asawa. You know why ? Dahil maarte ka. Pasosyal ka at asal mayaman. Wala ka ngang alam sa gawaing bahay e. Kaya thanks for everything Athena atleast ngayon natuldukan na din ang relasyon natin. '' mahaba nyang paliwanag dito habang nakangiti. Tumayo sya at nagsenyas lamang sa kaibigan na mauuna na syang umuwi.''Are you ok Athena ? '' tanung ni Daniel. Nakalapit na pala ito ng hindi nya alam dahil sa kakaiyak nya.
''No.. Umuwi ako ng dahil sakanya''
''May asawa na si Lance. Fixed marriage pero sa tingin namin masaya na sya at nakalimutan kana nya. ''
''Fixed marriage ? Gagawin ko ang lahat makuha ulit sya Daniel.. Almost 3yrs naging kami posibleng makalimutan nya lahat yun.. ''
''Stop it Athena.. Tama ng sinaktan mo si Lance hayaan mo na sya. He's happy now.. ''Hindi na sya sumagot. Alam nyang hahaba lamang ang usapan nila. Nagpunas sya ng luha at uminom ng champagne.
POV: STRAWBERRY ( condo )
2am na pero gising parin sya. Hindi sya makatulog. Hinihintay nya si Lance gusto nya kasing gising sya pag dumating ito. Gusto nyang malaman ang problema nito. Napabalikwas sya ng bangon ng marinig nyang bumukas ang pinto. Mabilis syang tumayo at lumabas ng kwarto. Nakita nya si Lance na nakaupo na sa sofa at nakapikit.
''L-lance ?? '' mahinang sambit nya.
Ungol lang ang lumabas sa bibig ng binata.
''Lasing ka ba ? ''
''Hindi naman. Pasensya kana uminom ako.. ''
'' bakit ka nagpapasensya ? Ok lang naman sakin yun. '' naiilang sagot nya.
''Dapat magalit ka sakin kasi uminom ung asawa mo... '' wika nya pa habang nakapikit.
''Ano bang pinagsasabi mo. Asawa mo lang ako sa papel.. Sandali nga, buti na lang may sabaw ung niluto ko ngayon.. Iinitin ko lang saglit.. '' akma na sana syang tatayo ng pigilan sya ni Lance sa kaliwang kamay nya.
''Just stay .. ''
Nagulat sya sa sinabi ni Lance.
''Ahmm.. Lance dun kana lang sa kwarto mo para makapagpahinga ka ng maayos.. ''Tumayo si Lance muntik na syang matumba mabuti na lamang nahawakan sya ni Strawberry at nilagay ang kamay sa balikat nya.
''I'm sorry Strawberry.. Next time hindi na ko iinom ng marami.. '' wika pa ulit nya ng makarating sila sa kwarto ng binata.
''Ok lang Lance.. ''
''Si Athena.. Sya ang dahilan ..'' Mahinang wika nya.Athena ? Siguro ang babaeng ito ang problema ni Lance. Sinaktan siguro sya nito. May kirot syang naramdaman. Nakakaramdam sya ng selos. Mahal na ba nya ang binatang ito ?
''Lance ? '' sambit nya pero mukhang nakatulog na ito. Pinagmasdan nya ang gwapong mukha nito. Wala talagang kapantay ang itsura nito. Kahit nung makita nya ang mukha nito sa unang tagpo nila talagang napahanga na sya.
BINABASA MO ANG
ThE pLaYboYs GrOuP [ LancE the Mr.pLaYboy ]
RomanceNalulugi ang Negosyo nila Nagkataon pa na kinailangan ng Ama niya ng Heart Transplant. Lahat ng Kaibigan at Kakilala nila nagawa na niyang hingian ng tulong ngunit hnd pa rin sapat. Isang tao na lang ang hindi niya pa nalalapitan. Si Lance ang tinag...