Gigil na gigil siyang lumabas sa kumpanya na yun. Kahit kailan hindi sya papayag. Mawawala na lang ng ganun ganun ang iniingatan niya. Marami man siyang naging ka relasyon. Marami ng nagtangka pero hindi niya binigay. Nagpigil siya kahit dumating sa puntong gusto na nyang bumigay. Hindi nya ginawa dahil gusto niya na ibigay to pag kasal na talaga sya. Pag may asawa na siya pero hindi sa lalaking yun. Asawa lang nya yun sa papel. Hindi nga nya mahal ang Playboy na yun.
Nakarating siya sa hospital. Nadatnan nyang umiiyak ang kanyang ina.
''Ma .. Bakit po ? '' nagaalala niyang tanung.
''Ang papa mo .. Nanganganib na ang buhay nya kailangan na nya talaga ng heart transplant''sagot ng kanyang ina.
Yumakap sya sa Ina nya. Tuluyan na ding pumatak ang mga luha niya. Hindi nya alam kung anung gagawin. Ayaw niyang mawala ang Ama nya pati na rin ang negosyo nila pero.... Pero pano naman sya ? Pag katapos nito ? Pano na ang buhay niya ? Ayaw niyang makasama ang lalaki na yun lalo na ang hinihingi nitong kapalit.
Kailangan hindi malaman ng kanyang Ina ang hinihinging kapalit ni Lance. Siguradong hindi ito papayag.POV: LANCE
''Anong balita Lance ? '' tanung ni Daniel.
Nasa bar silang lima. Nag iinom.
''Tungkol saan ? '' tanung din ni Lance
''Kunwari kapang hindi mo alam .. Tungkol dun kay prutas .. What's her name ? '' nang aasar na tanung ni Mike.
''Strawberry..'' Sagot ni Lance.
''Nice name..'' Ani Raymond.
''So.. Ano na nga ? Ok na ba sya sayo ? '' Tanung ulit ni Daniel.Tumingin siya kay Daniel. '' She's Virgin.'' Nakangising sagot ni Lance.
Ngumiti silang apat.
''Wow.. Really ? That's great. '' sagot ni Joseph.
''Swerte mo brod..'' Ani Mike.
''Wow...'' Sambit ni Raymond.
''Ano naman kung Virgin sya ? Marami ka ng natikman na ganung babae ah ? '' sabi ni Daniel.
''Well.. Gusto ko lang syang tikman.. Ikaw na din nagsabi maganda talaga sya.. Saka isa pa kailangan niya din ako.. He need may money to save her father and their bussiness.. Kaya dapat lang na may kapalit lahat yun.. '' paliwanag ni Lance.umiling si Daniel. '' You know what Lance ? Iba sya.. Saka hindi sya talo.. She's innocent .. ''
''Wala akong paki alam.. Sa ngayon siya na muna ang priority ko. Alam nyo asawa ko lang sya sa papel. Yun lang yun. '' sagot ni Lance. Tumayo siya. '' I have to go.. ''
''Saan ka na naman pupunta ? Maaga pa '' Nagtatakang tanung ni Raymond.
''Oo nga.. Maaga pa aa.'' Ani Joseph.
''Nagtatanung pa kayo kay Lance.. Marami pa niyang aasikasuhin maliban sa pag sama satin .. Madalang na nga lang tayo mabuong lima.. Aalis kapa.. '' Sagot naman ni Mike.
''Magkikita lang kami ni Carla..'' Sagot ni Lance.
''C-carla ? Sino na naman yun ? '' tanung ni Raymond.
''Dati si Cristine..Naging si Nicole.. Tapos ngayon si Carla ? '' sabat ni Joseph.
''pwde ba .. Wag kayong painosente. Pareparehas lang tayong mahihilig .. Kaya wag kayong mag malinis dyan.. '' sagot ni Lance na nakangiti.
''Ulol .. Hindi mo kami katulad.. Stick to one kami.. '' sagot naman ni Daniel.
''Ikaw Oo.. Pero tong tatlo na to ? Malabo.. Dyan na nga kayo.'' Ani Lance at umalis na sa lugar na yun. Naiwang ngumiti na lamang ang apat.Nasa kotse na siya ng mag ring ang phone niya.
''Yes.. ? '' tanung ni Lance.
''Ahmm.. Sir pasensya na po.. Nakalimutan kong sabihin sayo na nag papaschedule po si miss Strawberry tomorrow at 9am ..'' Sabi ng babae.Lihim siyang napangiti. Sabi na nga ba na hindi din makakatiis ang babaeng yun dahil alam niyang kailangan siya nito.
''Ano daw ba ang kailangan niya ? '' kunwa'y di alam na tanung niya.
''Wala po siyang sinabi Sir.. Ang sabi niya lang kailangan ka daw niya maka usap as soon as possible.''
''Ok ..'' Maikling sagot ni Lance. Binaba nya ang cp niya ng may ngiti sa labi. '' hindi na ko makapag hintay..'' Sambit niya sa sarili niya.
BINABASA MO ANG
ThE pLaYboYs GrOuP [ LancE the Mr.pLaYboy ]
RomanceNalulugi ang Negosyo nila Nagkataon pa na kinailangan ng Ama niya ng Heart Transplant. Lahat ng Kaibigan at Kakilala nila nagawa na niyang hingian ng tulong ngunit hnd pa rin sapat. Isang tao na lang ang hindi niya pa nalalapitan. Si Lance ang tinag...