''She's Virgin ?''wika ni Lance
''Exactly.. Disente siyang babae. A woman who deserve to wear a white gown at hindi nyung mga babae mo dito at sa state.''
''Pero 'pa. Wala akong paki alam kahit ano pa siya. Ang mahalaga sakin -''
''Ang mahalaga sayo ay ang makikipaglaro mo sa mga babaeng yun. Na ang tanging gusto ay ang madala mo sila sa langit ? Sa tingin mo talaga sila ang gusto ko para sayo ? Never.. At pag hindi kayo nag sama within a month tatanggalan kita ng mana Lance. Remember malaki ang share ko sa company niyo.'' paliwanag ng kanyang ama.
''Kahit ano pa ang sabihin mo hinding hindi ko siya magiging asawa'' wika ni Lance.Matapos tumayo.
''Saan ka pupunta ? Hindi pa tayo tapos mag usap ''
''I'm tired. Pagod ang katawan ko pati utak ko nakikisabay. I need to rest'' sagot niya at nilisan ang ama. Nagtungo sya sa itaas at nagpunta sa dati niyang kwarto. Naiwang umiiling na lamang ang ama habang pinagmamasdan ang anak.POV: STRAWBERRY
Kanina pa tuliro ng utak ni Strawberry. Marami siyang iniisip. Ang pagka lugi ng negosyo nila. Ang ginawang pag papakasal ng kanyang Ama sa Lance na yun. Ang lalaking nakikipaglaro lang sa mga babae ? Pano niya matatanggap yun ? Hindi niya gugustusin makapagasawa ng isang bachelor playboy. Napailing na lang sya sa naisip.
''Anak ? Ang lalim ata ng iniisip mo ? '' tanung sakanya ng kanyang ina. Nasa veranda siya nun.
Lumingon siya dito.'' Iniisip ko lang po ang sinabi ni papa ''
''Anong plano mo ? ''
''Ayoko ma .. Hindi pa ko handa ''
''Alam ko p-pero-''Natigilan sila at sabay na napalingon sa pinanggalingan ng sigaw. Mabilis silang tumakbo at nagpunta sakanilang bahay.
''A-anong nangyari dito ? '' tanung ni Strawberry.
"Bigla na lang po siyang natumba Ma'am" sagot ng kanilang kasambahay.
Dagli dagli silang lumapit.'' tumawag na kayo ng ambulance. Dali !!! ''Sagot ng kanyang Ina.Mabilis na naisugod sa ospital ang kanyang Ama. Takot ang nararamdaman niya. Nagkasagutan pa naman sila kanina. Tapos ngayon nasa ER ang Ama nya.
''Kumusta na po ang papa ko ? '' tanung ni Strawberry ng dumating ang Doktor. Nasa tabi nya lang ang kanyang Ina na kanina pa umiiyak.
''Sa ngayon ok naman siya. Matagal ko ng sinasabi sakanya to pero ayaw niya makinig.''sagot ng doktor.
''Matagal ? Bakt dok ano ba sakit ng papa ko ? '' nagtatakang tanung ni Strawberry.
''May butas ang puso niya. He need a heart transplant..''
''P-pero dok .. Kailan pa to ?'' Ani Strawberry. ''Alam mo to ma? ''
Umiling siya. ''Hindi .. kahit kailan hindi sya dumaing ng sakit nya '' sagot ng kanyang Ina.
''Actually.. Almost two Months na siyang nagpapacheck up .. Sinabi ko na sakanya pero ayaw nya. Kaya mas lalong lumala ang sakit niya. As soon as possible kailangan na syang maoperahan.''paliwanag ng doktor.
''Dok .. May puso na po bang ipapalit sakanya ? '' tanung ni Strawberry.
''Yes..''sagot ng doktor matapos tumango.
''Sige dok .. Ihanda nyo na po. Day after tomorrow may ibabayad na kami.''sagot ni Strawberry. Napatingin sakanya ang kanyang Ina. Nagtatanung ang mga mata. Saan nila kukuhain ang perang gagastusin sa kanyang Ama.''A-anak ? ''Sambit nito.
''Ako ng bahala Ma.. '' tanging sagot niya.Buo na ang pasya. Payag na siyang maging asawa ang lalaking Playboy. Kakausapin niya ito. Gagawan niya ng paraan para pumayag dn ito. Kahit labag sa loob niya. Kahit ayaw niya. Ang importante ang negosyo nila. Higit na ang kanyang Ama.
Kinabukasan. Maaga siyang gumising. Kailangan maging ka ayaaya siya sa paningin ni Lance. Nagsuot siya ng bestida na kulay pula. Hanggang hita lang yun kaya tuloy lumabas ang kaputian niya. Nilugay din niya ang hanggang bewang niyang itim na itim na buhok. Pink na lipstick ang nilagay niya sa kanyang labi. Nang matapos siya sa pag aayos tumingin siya sa salamin. Ngumiti sya ng ubod tamis. Talagang maganda siya sabi niya sa isip niya.
POV: SA COMPANY NI LANCE
''Sige.. Papasukin muna.'' utos ni Lance. Wala siyang panahon makipag usap sa kanyang bisita. Pero siguro tama na ring timing to para kausapin ang babaeng yun.
Napalingon siya ng bumukas ang pinto.
Wow.. Ganda ... Siya ba to ? Siya ba ung kahapon ? Sunod sunod niyang tanung sa sarili.
''Hi Mister Lance ? '' nakangiting wika ni Strawberry. Alam niyang napahanga niya si Lance sa kanyang itsura.
''A-ahmm... Hi..'' Sambit nito.
''Kilala mo pa ba ko ?''
''Y-yes... S-strawberry right ?'' Utal utal niyang sagot.
Tumango siya.
''So.. What brought you here. ? '' tanung ulit ni Lance.
''pwede ba akong umupo muna ? ''
Napatayo si Lance'' Oh ! Sorry please sit down '' Alok niya at bumalik na siya sa pag kakaupo. Pinagmasdan niyang umupo ang dalaga. Mas lalo siyang nakaramdam ng pag hanga dito ng mapagmasdan niya ang kaputian ng mga hita nito. Umiling siya ng maramdaman na may namumuong kakaiba sa kanyang katawan.Lihim namang napangiti si Strawberry. Ramdam niya ang pag hanga sakanya ng binata. Talagang maganda siya at tama ang sinuot niyang bestida.
''So.. Anong sadya mo ?. '' tanung ulit ni Lance.
''Tungkol sa sinabi ko sayo kahapon ''
''Nalaman ko ngang nagsasabi ka ng totoo. Sorry nga pala sa mga sinabi ko sayo. Pero alam mo kasi kung iniisip mo na payag ako na maging asawa ka ? NO.. '' prangka niyang sagot.
''Kung iniisip mo din na gusto ko to nagkakamali ka .. Pero kailangan ko tong gawin para sa daddy ko ''
''At sa tingin mo papayag ako ?''
huminga sya ng malalim. Kakapalan na niya ang mukha niya. Kailangan niya tong gawin. Para sa Ama niya.
''Ok.. Sasabihin ko na ang totoo.. Nalulugi ang negosyo namin. My dad need a heart transplant.. Eto lang ang paraan para maisalba lahat yun. Ang magsama tayo dahil yun ang pinagusapan ng mga magulang natin right ?'' Paliwanag ni Strawberry.
''Kailangan mo ko ? Kailangan mo din ang pera ko ? ''Nakangiting tanung ni Lance.Tumango si Strawberry bilang sagot.
Umayos si Lance ng pag kakaupo.'' Ok.. Payag na ko. Magsasama tayo''. Kailangan niya ang mana ng kanyang Ama. At higit sa lahat may kailangan dn siya sa dalaga.
Sumilay ang ngiti sa labi ni Strawberry.'' T-talaga ? ''
''Yes.. Pero sa isang kondisyon '' sagot ni Lance.
Nagtaka siya pero wala siyang choice.'' Ano ? '' tanung ni Strawberry.
''Your Virginity'' Maikling sagot ni Lance.Natulala siya. Naging blangko ang utak niya. Pano nalaman ng lalaking to ang personal niyang buhay ? Nahihiya siya lalo ng makitang nakangiti ito ng parang nangaasar. Inayos niya ang upo niya. Pilit niyang tinatakpan ang mga hita niya. Dahil sa hiya.
''Binigay sakin ni Dad ang personal background mo kung iniisip mo kung pano ko nalaman.. Kaya ka nga niya nagustuhan para sakin kasi at the age of twenty seven your still a virgin .. Sa panahon ngayon mangilan ngilan na lang ang mga katulad mo.. That's why I asking you ? Ibibigay ko lahat ng gusto mo.. Kapalit ng pag ka birhen mo..'' Paliwanag ni Lance.
''A-ano ? '' tanging sambit ni Strawberry.
''Ang sabi ko .. Kapalit ng hinihingi mo ang pagkabirhen mo..'' Ulit ni Lance.
''Baliw kaba ? '' inis niyang sagot.
Tumawa ito.'' Bakit sa tingin mo ibibigay ko na lang ng ganun ganun na lang ang mga hinihingi mo sakin ? Baka nakakalimutan mo .. Bussinessman ako kaya lahat may kapalit.'' Sagot ni Lance.
''Sira nga ulo mo.'' Wika ni Strawberry sabay tayo.
''Ok.. Pag isipan mo lang at pag nagbago na ang isip mo just came here..'' Sagot ni Lance.
''Alam mo mister.. Hinding hindi ko ibibigay sayo ang pinaka iingatan ko sa pagkatao ko. '' gigil niyang sagot at nilisan na ang lugar na yun.Naiwang nangiti si Lance. Alam nyang mapapapayag din nya ang babaeng yun. Ngayon pa lang nasasabik na siya. Kahit marami na siyang naranasan sa ibat ibang babae. Magiging excitement din ang pag tikim niya sa babaeng palaban na yun. Hindi na rin sya lugi. Higit na maganda si Strawberry sa lahat ng mga babae nya. At isa pa kailangan din nya to para hindi bawiin ng kanyang ama ang kanyang share sa kumpanya nila. At lalo na ang kanyang mana.
BINABASA MO ANG
ThE pLaYboYs GrOuP [ LancE the Mr.pLaYboy ]
RomanceNalulugi ang Negosyo nila Nagkataon pa na kinailangan ng Ama niya ng Heart Transplant. Lahat ng Kaibigan at Kakilala nila nagawa na niyang hingian ng tulong ngunit hnd pa rin sapat. Isang tao na lang ang hindi niya pa nalalapitan. Si Lance ang tinag...