1 : Finally meet you

85 1 0
                                    


Ako si Kylien Miracia Santos isang simpleng babae na walang hinangad kundi ang mapansin ng isang kahanga-hangang lalaki na si Clyde. Totoo nga siguro ang sinabi nila sa akin wala na talaga akong pag-asa upang mapansin ni Clyde lalo na at iba ang gusto nito, pero sabi nga nila sa panahon nga ngayon naagaw na ang lahat ng pwedeng maagaw pero di naman ako ganun kasamang tao at kadesperada.Ako'y isang simpleng babae na parang hindi nag-eexist sa paningin ni clyde pero lahat ng iyon ay nagbago sa isang iglap na siyang nag-bigay sa akin ng pag-asa.

Alas-diyes na ng gabi at heto ako naglalakad-lakad sa tabi ng dagat.,,napag-pasiyahan ko na umalis muna ng bahay kahit sandali upang matahimik ang aking mga tenga na araw-araw na lamang naririndi dahil sa pag-aaway nila mama at papa.,,

Nag-iisa lamang akong anak ng aking mga magulang wala akong kapatid..dahil bawal na iyon kay mama at ipinagbabawal sakanya iyon dahil baka hindi niya kayanin at kanya itong ikasanhi ng pagkamatay...hilig ko talaga ang magpunta rito sa tabing dagat dahil ito ang pinaka-komportable na lugar para sa akin..at habang akoy naglalakad mayroon akong nakita isang anino ng lalaki sa likod ng isang malaking bato..nilapitan ko ito para malaman kong kung sino iyon...laking gulat ko ng malaman ko kung sino iyon..

"clyde?" tanong ko sakanya at nabigla ako ng mapansin ko itong umiiyak na parang iniwan ng kanyang mga magulang at hindi alam kung saan ang daan pauwi..

"anong ginagawa mo dito?" tanong ko na may halong pagtataka..

"hindi bagay sa isang katulad mong gwapong nilalang ang nagmumukmok at umiiyak diyan" sabi ko sakanya at inabutan ng panyo na galling sa aking bulsa..

"sino ka?" iyon lamang ang kanyang isinagot sa akin at bigla akong tinaliman ng tingin na siyang namang ikinatakot ko,,...

"unang-una.,ako si kylien ,.at pangalawa magkaklase tayo..at pangatlo hindi ako sinuka.,,iniri po ako ng nanay ko.." sabi ko sakanya ..hindi ko alam na kusa na lamang lumabas sa aking bibig ang pambabara na sinabi ko sakanya....bigla naman itong natawa dahil sa naging reaksyon ko,,..ibang klase kahit na kagagaling lang nitong umiyak at mugtong-mugto ang mga mata hindi parin iyon nakakabawas sa kanyang kagwapuhan..

"ngayon lang kita nakita ah..? kaklase ba talaga kita o isa ka sa mga taga-hanga ko?" ani niya

"psshh..yabang mo."

"hindi mo talaga kasi ako mapapansin dahil nasa mga kaibigan at iisang babae lang naman ang atensyon mo..paano naman ako.di porket mahal kita di mo na ako bibigyang pansin?" pabulong kong rason sakanya..
"ano yon?may sinasabi kaba?" ani niya sa akin
"huh?ako?wala..wala naman akong sinasabi eh.." sabay tingin sa kanan dahil namumula ang aking mukha

"t--e-ka nga diba ikaw ang tinatanong ko...anong ginagawa mo dito?" pag-iiba ko sa usapan..

"bakit pagmamay-ari mo ba ito?" tanong nito sa akin na may halong pang-aasar na tono

"oo naman..pagkagraduate ko.at pag nagkatrabaho nako bibilhin ko ito at ipapa-ayos ng sobrang ganda.." sagot ko sakanya
"lakas mangarap ahh..pshh.."

Tamo tong kumag na ito..sarap ingudngod sa buhangin eh...

"eh ikaw anong ginagawa mo dito?" tanong nito sa akin...nalungkot naman ako dahil naaalala ko nanaman ang nangyari kanina sa bahay...bigla namang namuo ang luha sa aking mga mata..at dali dali ko itong pinunasan..

"umiiyak kaba?"tanong ni clyde sa akin

"ha?hindi ah napuling lang ako.."palusot ko sakanya

"mahirap humabol sa taong kailanman hinding hindi ka mamahalin katulad ng pagmamahal na ipinapakita at ipinaparamdam mo sakanya...pero kahit na ganon kalian man hinding hindi magbabago itong nararamdaman ko para sakanya kahit na anong mangyari..." at bigla itong yumuko at sinipa ang isang bato papunta sa dagat..

Napatulala naman ako sa sinabi niya...

nandito naman ako eh..kayang-kaya kong palitan yang babaeng yan..hindi-hindi kita sasaktan..mamahalin kita hanggat kaya ko...kahit na mahirap pagmasdan na ang taong mahal ko may minamahal ng iba kakayanin ko kahit na masakit ...sabi ko sa isip ko..SANA ako nalang...

"hindi kapa ba uuwi..halika ihahatid na kita.." sabi niya akin na siya namang ikinabigla ko...may tiwala anaman ako sakanya kaya hindi na ako nakapalag pa at sumunod nalang din sakanya....habang naglalakad kami bigla akong nauntog sa malapad niyang likuran..

"ehh bat kaba tumigil..!! nauntog tuloy ako.." reklamo ko sakanya..napakamot naman siya sa kanyang ulo..at biglang umiwas ng tingin..

"nauuna akong maglakad eh babae ka panaman.. tas hindi ko rin alam kung saan ang bahay niyo.." mahabang lintanya sa akin habang nakaiwas ng tingin...nakita ko rin ang pamumula ng kaniyang mga tenga...

"pfftt..hahaha..malapit na tayo isang liko nalang tas yung ika-apat na bahay yun yung amin.."paliwanag ko sakanya...

"magka-subdivision pala tayo" takang tanong nito sa akin..tumango na lamang ako sakanya bilang isang sagot dahil sabay na kami ngayong naglalakad at parang may kuryenteng dumaan sa aking katawan ng magdikit ang mga kamay namin...lumayo ako ng kaunti sakanya at yumuko para hindi niya malaman ang pamumula ng aking mukha...ng bigla akong natisod dahil sa isang batong aking nadaanan na siyang naging dahilan upang akoy madapa..

"aray!!!aishhh" daing ko.....bwiset na bato eh inaano kaba T_T

"di ka kasi tumitingin sa dinaraanan mo.."ani ni clyde at inalalayan niya akong umupo sa gilid ng daan..

"kaya mo bang maglakad...sa tingin ko napilay ito,..tignan mo nagasgas pa tuhod mo.." sermon nito sa akin..ang sarap sa pakiramdam sana dati pa ganito na tayo kalapit sa isat isa ang kaso wala namang ikaw at ako :(

"sus...ang liit lang niyan kaya ko panaman maglakad tutal malapit na tayo sa bahay namin."..tumayo na ako kahit kumikirot pa ito..
"kirot lang ito di naman malala yung sakit nga naidulot mo kinaya ko yan pa kaya" dugtong at pabulong kong sabi

"HUh? anong sabi mo?"takang tanong nito

"ang sabi ko tara na masyado ng malalim ang gabi..baka pagalitan na ako ni mama at papa..."

Nakarating na kami sa tapat ng bahay namin..wala ni isa sa amin ang kumikibo kaya nagsalita na lamang ako..

"salamat nga pala sa paghatid sa akin.."

"wala yon...ngayon ko lang nalaman iisang pagitan lang pala ang bahay natin.."sabay tingin sa akin..

"ahh..ehhh..oo..hehe..sige pasok na ako..hsalamat ulit" nahihiya kong sagot sakanya at binuksan ang gate upan makapasok.

Tumango lamang ito at hinitay akong makapasok at naglakad na siya palayo....

Napasandal naman ako sa likod ng gate namin..namumula parin hanggang ngayon ang aking mukha ko ang bilis ng tibok ng aking puso...lupa bumuka ka at kainin muna ako T.T ...psshh sa tagal tagal naming magkatabing bahay di niya parin pala ako napapansin..hayyy..samantalang ako inaabangan ko pa siyang sumakay sa sarili niyang kotse bago umalis at pumunta sa eskwelahan....:(

"Sa Tabing Dagat"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon