2: With them :)

30 0 0
                                    


*MAKARAAN ANG ILANG LINGGO*

Andito ako ngayon mag-isa sa garden ng aming University ...hilig kong tumambay dito dahil kakaunti lang naman ang pumupunta dito..katulad ng mga estudyanteng may hawak na makapal na libro at may suot na makapal na salamin yung iba naman magkaibigan na nagbobonding....naagaw ng pansin ko ang barkada ni clyde,..nagkukulitan sila ng biglang napadako ang tingin niya sa akin..masasabi ko nung nagkita kami sa tabing dagat naging close naman kami kahit papa-ano ,pinapansin na rin niya ako sa room at minsan sabay kaming pumasok...nabigla ako ng may mga anino akong nakita sa harapan ko ....huli ng na ng marealize ko kung sino ang mga ito....

"Hi kylie ^_^" bati sa akin ni clyde..kylie na ang tawag niya sa akin ayaw niya daw yung kylien kaya pumayag nalang din akong tawagin sa pangalan na yon...

"ahh-mm hello.." batik o na naiilang sa kanila

"tara sama ka samin sa cafeteria..sumabay ka na sa aming maglunch" aya sa akin ni Thea

Siya si thea yung tinutukoy ni clyde nung naroon kami sa tabing dagat...hindi mo maipagkakaila na napakabait nito at sobrang ganda at lalong lalo na galing sa sobrang yaman na pamilya at sikat na sikat sa buong University...nanliit naman ako sakanya..kung ikukumpara ako sakanya hindi ko alam kung hanggang saan lamang niya ako....

"okay lang ba?" naiilang kong tanong sa kanila

"oo naman" sabay na lintanya ng dalawang kaibigan ni clyde si Adrian at Akame ...ngumiti at umakbay naman si Kevin kay Thea magnobyo sila nung nakaraang araw lang sinagot ni thea sa panliligaw si Kevin...

napatingin naman ako sa gawi ni clyde na halos malukot na niya ang coke in can na kanyang hawak...halata mo sakanya kung gaano siya nagseselos sa pag-akbay palang ni Kevin kay thea...

"tara na gutom na ako..mamaya niyo nalang ipagpatuloy ang paglalandian niyo...bahala kayo kung ayaw niyo kumain." Walang emosyong sinabi niya sa amin at nauna ng maglakad patungong cafeteria...

"anong nangyari dun kay Clyde?" takang tanong ni Kevin sinagot lamang siya ng sagot ni thea na pag-iling...tinignan naman niya si Adrian at akame,...

"bat samin niyo itinatanong..malay ba namin diyan sa menopausal na lalaking yelo nayan.." sagot ni akame

"tara na nga at akoy nagugutom na" ani ni Adrian at naglakad na kami

*CAFETERIA*

Habang kumakain kami hindi ko maiwasan mapatingin kay clyde dahil nakatitig ito sa mag nobyo na nagsusubuan...nararamdaman ko na ang tensyon sa pagitan nilang dalawa...kaya naman biglang tumayo si clyde at bigla bigla itong lumabas ng cafeteria na siyang ikinagulat ng apat...

"ahhmm guys...may gagawin pa pala ako..,mauna na ako ah...salamat pala sa pag-aanyaya sa akin sige bye.." at dali dali kong kinuha ang aking mga gamit at tumakbo upang mahabol si clyde nakita ko naman siyang papunta sa rooftop kaya sinundan ko siya doon...

nabigla ako ng biglaan nitong pinagsusuntok ang pader halos nagkalat nadin ang mga basura dahil sa sinipa niyang trash can...dumudugo na rin ang dalawa niyang kamao...gusto kong maiyak dahil sa kalagayan niya,,.ayoko siyang nakikitang nasasaktan dahil doble ang sakit na nararamdaman ko....kapag nakikita ko siyang nagkakaganyan...parang dinudurog ang puso ko kasi nasasaktan ng sobra ang taong mahal ko at wala manlang akong magawa..namalayan ko nalamang bigla ang sarili ko na niyakap ko siya patalikod habang umiiyak...

"please...tumigil kana..sinasaktan molang ang sarili mo clyde..please maawa kanaman sa sarili mo.." tumigil naman siya sa pagsuntok at puno na talaga ng dugo ang kamay nito at pawis na pawis...bigla niya akong tinulak...na siyang ikinagulat ko

"BAKIT MAY ALAM KABA SA NARARAMDAMAN KO???WALA KANG ALAM SA NARARAMDAMAN KAYA WALA KANG KARAPATAN NA PAGSABIHAN AKO!!!BAKIT NARANASAN MO NABANG MAGMAHAL LALO NA KUNG HINDI KA KAYANG MAHALIN NG TAONG MAHAL NA MAHAL MO? HA MAY ALAM KABA? ALAM MOBA NA SOBRANG SAKIT HA SOBRANG SAKIT DITO" sigaw at sumbat nito sa akin.habang itinuturo ang kanyang dibdib...at pinagsusuntok ulit ang pader...wala akong magawa dahil sa gulat parin ako dahil sa pag-sigaw nito sa akin..

"oo alam ko clyde ramdam na ramdam ko yang nararamdaman mo at alam moba mas masakit para sakin na makitang nagkakaganyan dahil sa babaeng yon..nandito naman ako eh bakit hindi nalang ako?kasi clyde ako hindi kita kayang saktan kasi sobrang mahal na mahal kita kahit na hindi mo alam okay lang basta okay kalang..clyde alam koyang nararamdaman kasi matagal ko nading dinadamdam yan sana may puwang at pwesto ako diyan sa puso mo kung nakilala moba ako at naging kaibigan noon paman maari kayang sa akin ka mahulog at mahalin morin ako katulad ng pagmamahal mo ngayon sakanya? kasi clyde ang sakit sakit :'(" an ang mga salitang gustong-gusto kong isumbat ngayon sayo clyde pero hindi ko magawa dahil takot ako natatakot ako na sa oras na malaman mo ay baka layuan mo ako :(

"TANG-INA!!AKO DAPAT ANG NASA PWESTO NIYA AKO DAPAT ANG GUMAGAWA AT NAGPAPARAMDAM NON SAKANYA....PERO BAKIT GANON...!!TANG-INANG BUHAY TO..SIYA LANG NAMAN HINIHILING KO BAKIT NIYO PA SIYA IPINAGKAKAIT SA AKIN HA!!MAHAL NA MAHAL KO ANG BABAENG HINDI AKO KAYANG MAHALIN!!!" bigla itong lumuhod at umiyak...nilapitan ko siya at niyakap dahil yon ang kailangan niya ngayon...kailangan niya ng karamay..

"hayaan mo nandito lamang ako lagi sa tabi at dadamayan kita kahit na masakit kakayanin ko para sayo kasi ganun kita kamahal :("

"Sa Tabing Dagat"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon