"pasensiya na po sa sasabihin ko pero isang buwan nalang ang kayang itagal ng anak niyo hindi na kaya ng katawan niya..punong puno ng pasa at maselan narin ang kanyang balat...hindi narin po siya nakakakain ng maayos..palagi rin po siyang sumusuka ng dugo...mauuna nap o ako.."
naiwang nakaluhod si tito kyler at nakayakap naman si tita mira sakanya habang umiiyak sila..hindi ko napigilan ang sarili at sinuntok ko ang pader na malapit sa akin nakita ko kung papaano dumugo ang mga kamao ko..wala akong pake kung masaktan ako pero mas sobrang nasasaktang ngayon si kylie..nasaktan ko nanaman siya...walang tigil sa pagtulo ang mga luha ko na kahit anong tigil ko..ayaw parin tumigil..
"clyde.." sambit ni tita mira sa pangalan ko at niyakap ako
"tita hindi naman po totoo yung sinabi ng doctor hindi ba?matagal pang mabubuhay si kylie hindi po ba? Papakasalan ko pa po siya....tutuparin ko muna ang gusto kong ipangako sakanya.."
"kailangan ka ni kylie sa loob" sabi ni tito kyler kaya pumasok ako agad para Makita ang babaeng nagtiis sa akin at mahal na mahal ako..pagkapasok ko sa kwarto nakita kong mahimbing na natutulog si kylie ilang lingo palang pero grabe na ang ipinayat niya ang dami na din niyang mga pasa sa katawan..nilapitan ko siya at hinalikan sa noo...hinaplos ko ang mukha niya na hindi ko alam pagkatapos ng isang buwan mahahaplos ko pa kaya....unti unti iminimulat ni kylie ang mga mata niya naramdaman niya siguro na hinahaplos siya..biglang nanlaki ang mga mata niya ng Makita niya akong at kusa nalang tumulo ang mga luha niya..
"bakit hindi mo sinabi sa akin?" mahinang tanong ko sakanya halatang nahihirapan narin itong magsalita :(
"yung sulat mo.." tanong ko rito
"sorry..sorryy hindi ko matutupad ang mga pangako ko sayo...mahal na mahal kita yan ang lagi mong tatandaan.."
"mahal na mahal din kita..wag kang bibitaw plss.papakasalan kita kahit na anong mangyari..ikaw ang babaeng gusto kong iharap sa altar..ikaw ang babaeng gusto kong makasama habang buhay nabulag ako hindi ko alam na nasa tabi kolang naman pala ang babaeng kayang magmahal sa akin ng lubusan sana mapatawad mo ako sa mga panahong nasaktan kita ng sobra mahal na mahal kita at sana lumaban ka plss.." umiiyak na sambit ko sakanya
"clyde..." umiiyak na sinabi niya
"shhh..andito lang ako hinding hindi kita iiwan.." ngumiti naman siya na siya namang nagbigay ng gaan ng loob sa akin...
*AFTER 3 WEEKS*
Sa loob ng tatlong linggo sinulit naming dalawa ang pagkakataon na magkasama kami at Tatlong linggo ko naring nakikitang nahihirapan ang babaeng pinakamamahal ko..at wala manlang ako magawa kundi ang ang panoorin siya at maghibaty sakanyang tabi.. tatlong linggo ko naring pinapabilis ang pag aasikaso sa surpresa ko para sa kanya...gagawin ko ang lahat maging Masaya lang siya..
"clydee koo..ayoko na nga ehh busog na ako.." angal niya nung sinusubuan ko pa siya ng pagkain ilang araw na kasi siyang walang ganang kumain..
"kylie ko naman nakaka-apat kapalng na subo busog kana?" tanong ko sakanya
"plss clyde koo ayoko na..busog na talaga ako.." pagmamakaawa niya sa akin
"hayyy..sige na nga hindi na kita pipilitin..wife ko.."at ngumiti pa ako sakanya napatingin naman siya sa akin at natawa sa sinabi sa akin..ang ganda parin niya kahit na nalalagas na ang buhok niya kahit na payat na siya at maputla at madaming pasa..maganda parin siya sa paningin ko..
"hahaha iloveyou clyde ko.."sabi niya sa akin natulog na siya..
Ito na ang araw na pinakahihintay ko ito ang araw ng mahal ko..nakasimangot nga siya dahil akala niya walang nakaka-alala sa special day niya..."wife ko..kailangan kong umalis kasi may importante akong gagawin eh..." paalam ko sakanya kailangan ko ng pumunta dun dahil kailangan ko ding magprepare
"iiwan mo ako ditto?" naiiyak niyang tanong..
"hindi ko kayang iwanan ka wife ko..." hinalikan ko siya sa ulo bago ako umalis
BINABASA MO ANG
"Sa Tabing Dagat"
Novela JuvenilTHANK YOU FOR READING MAY SHORT STORY AND HOPE YOU LIKE IT..I WROTE THIS STORY A LONG TIME AGO AND IM NOT REALLY SURE IF YOU WOULD LIKE TO READ THIS ..,,BECAUSE I THINK YOU MIGHT NOT LIKE IT BUT I GUESS ITS NOT THAT BAD AT ALL😊😊...HOPE YOU'LL APPR...