*KINABUKASAN*
Habang naglalakad ako papunta sa aming classroom hindi ko maiwasan ang mapatingin sa mga estudyanteng pinagbubulungan ako..nagbulungan pa rinig na rinig ko naman...may lumapit na classmate ko at sinabihanako kung bakit ganon nalang ang reaksyon nila sa akin tuwing makikita nila ako..
"nakita mo naba ang mga pictures mo dun sa bulletin board at mga sulat nila sayo?" ani niya
"huh?anong pictures?anong sulat?" takang tanong ko sakanya...
"sumama ka sakin" at hinila niya ako sa hallway kung nasaan nakalagay ang bulletin board....
Pagkarating ko doon ang dami kong pictures na nakadikit at yun ang picture na yakap yakap ko si clyde halata mong umiiyak siya doon .,,may nakalagay din na mga sulat doon na isa akong malanding babae,ahas,walang pinag-aralan,mang-aagaw at kung ano-ano pa..hindi ako makapaniwala sa mga nakalagay doon...naagaw ang atensyon ng lahat ng biglang may babaeng nagsalita sa gitna at ang sama ng tingin sa akin...
"alam mo ang landi landi mo...gaano ba kakati yang sarili mo ha? Pati si clyde dinadamay mo...ano ang ginawa mo kay clyde ha? Alam naman nating lahat na may iba siyang babaeng gusto...alam mo ang trying hard mo talaga..."sabi niya sa akin hindi ako makapagsalita wala ni isang salita ang gustong lumabas sa bibig ko...
"assumera ka akala mo napakaganda eh hamak namang mas maganda pa kami sayo.." sumbat ng kaibigan niya
"oo nga ang dapat sayo nasa trash can dahil isa kalang basura.."
Nagulat ako ng bigla nila akong pinagbabato ng bote at kung ano-ano pa...tas may biglang humila ng buhok ko at pinagsasabunutan ako...hindi ako makalaban dahil ang dami nila....tinulak nila ako at binuhusan ng tubig at pinagtawan...sisipain pa sana nila ako ng biglang may nagsalita sa likod nila..boses palang niya alam ko na kung sino siya...
"ano nanaman ang ginagawa niyo?wala ba kayong magawa sa buhay niyo?" sigaw ni clyde sa kanila napa-atras naman sila
"pero malandi siya clyde.."
"sabihin mo ulit yang sinabi mo...manghihiram ka ng mukha sa aso.." matalim siyang tumingin sa mga nakalibot na tao sa amin...
"ano hindi paba kayo aalis..o ako mismo mag-papaalis sa inyo!!!!" galit na sigaw niya..unti unti namang nagsi-alisan ang mga tao sa hallway at nilapitan niya ulit ako na nakaupo lang..
"okay kalang ba?may masakit ba sayo?"alalang tanong nito sa akin...
"hahah ano kaba.. ok lang ako.."palusot ko sakanya..
"sigurado kaba?..basang basa kana oh..d kaba nilalamig?"sunod-sunod na tanong niya sa akin..
"haha ok lang ako promise..mauna kana sa classroom magpapalit nalang muna ako ng uniform...ayy..nakalimutan ko inuwi ko pala sa bahay ang uniform ko..." tanga ko talaga aisshhh...paano ako magbibihis neto..
"si thea tatanungin ko siya kung mayroon siyang extra uniform..diyan ka muna babalikan kita.."sabi niya sa akin...
Hindi rin nagtagal nainip ako kakahintay sakanya dahil sa nilalamig nadin naman ako kaya napagpasiyahan ko na pumunta sa locker ko...magkatabi din naman kasi ang locker ng boys at girls kaya baka andun sila...may narinig akong mga boses na nag-uusap lumapit ako upang marinig ko kung ano ang pinag-uusapan nila..
"thea ..bakit hindi nalang ako.?" Teka kilala ko kung kaninong boses yon kay clyde yon..
"alam mo ang sagot sa tanong mong yan clyde..kalimutan mo nalang kasi ang nararamdaman mo sa akin..para na kitang kapatid ayokong masira ang pagkakaibigan natin...tsaka alam mong mahal na mahal ko si Kevin."
"pero bakit siya pa? andito naman ako ..kaya kong tumbasan si Kevin...kaya kong gawin ang lahat para lang mahalin mo ako thea..plss.."
Nagulat ako ng biglang lumuhod si clyde sa harapan ni thea at nagmamakaawa..
"clyde hindi mo naman kailangang lumuhod at magmamakaawa sakanya :'("
"siguro nga tama ka kaya mong tumbasan si Kevin..pero clyde ...grow-up hindi na tayo mga bata...kailanman at kahit anong gawin mo hinding-hindi mo matutumbasan kung anong pagmamahal ang nararamdaman ko para kay Kevin..
At kahit kelan hindi ko kayang suklian yang pag-ibig mo na ibinibigay mo sa akin..wag kanang umasa clyde masasaktan kalang...tumigil kana.."Natahimik sandali si clyde bigla itong tumayo at humarap kay thea na wala manlang kaemo-emosyon ang makikita mo sakanya..ibang-iba sa clyde na nakasama ko ng mga nakaraang araw..
"tanga na kung tanga..pero kasalanan ko ba kung bakit ipinipilit ko parin ang sarili ko sa iyo...mas gugustuhin ko pang masaktan kung ang kapalit naman nitong lahat ng paghihirap ko ang pagmamahal mo na hinihiling ko..pero kung yan talaga ang gusto mo sige titigil na ako pero andito parin ako para sa iyo ano mang mangyari...kasi..sobrang mahal na mahal kita thea at kung ikaliligaya mo ang paglayo ko gagawin ko pero ang itigil itong nararamdaman ko sayo ang hindi ko kayang gawin."
At naglakad na palayo si clyde nakasalubong pa nga niya ako...ngumiti siya sa akin isang ngiti na hindi manlang aabot hanggang mata..isang ngiti na sobrang nasasaktan...ibinigay niya lang sa akin ang unipormeng kanyang hiniram kay thea at umalis na...
Tinignan ko naman si thea na nakaupo at umiiyak...nilapitan ko siya..
"mahal mo siya diba?" biglang tanong sa akin ni thea
"huh? Anong pinagsasabi mo?"
"alam kong matagal mo na siyang gusto...nakikita kita palagi at minsan ay sinusundan mo siya haha parang pulis maka stalker..nakikita ko mula sa tingin mo palang sakanya alam kong may iba.....kababata ko si clyde highschool palang kame alam ko nang sa bawat kilos na ipinapakita niya alam kong may gusto siya sa akin..hindi ko iyon lahat binibigyang pansin dahil kapatid na ang turing ko sakanya..dahil simula pagkabata palang namin si Kevin na ang gusto ko at pagka graduate natin ngayon sa college magpapakasal na kami..arrange marriage kami at masaya ako dahil ang pakakasalan ko ay ang taong mahal ko....ayoko ng umasa pa si clyde ayoko siyang makitang nasasaktan pero wala na..sira na gulong gulo na.."
at tuloy tuloy na siyang umiyak naiintindihan ko din naman ang sitwasyon ni thea ..at alam kong nasasaktan din siya...
"alam mo oo tama ka matagal ko ng gusto si clyde ay mali pala ...matagal ko ng mahal si clyde..umaasa parin ako na ganun din siya..alam mo para siyang bituin ang hirap abutin kahit napakalapit na nito sa akin pero kahit anong pilit ko na lumapit at abutin ito hindi ko magawa...sa panaginip siguro pwede pa...pero kahit na ganon na kahit kaibigan lang ang maiibigay niya sa akin tanngap ko..ganyan ko siya kamahal...kung hindi mo kayang ibigay ang pagmamahal na hinahangad niya pwes ako kaya ko kahit walang kapalit lahat gagawin ko para sa kanya at hihigitan ko ang ginawa niya para sa iyo..ang isang katulad ni clyde dapat hindi sinasaktan dahil ang mga katulad niya dapat minamahal at pinapahalagahan..." tumayo na ako pagkatapos ko iyon sabihin kay thea na nakatingin lamang sa akin...
"kaya kong ipakita na may nagmamahal sakanya kahit na hindi man ako masuklian tanggap ko simula palang nung una..ganon ko siya kamahal at hindi ko matanggap na nasasaktan siya ng dahil sayo..kasi ako hindi ko kayang makitang nasasaktan siya kasi kung titingnan sa panglabas matibay siya pero sa kaloob-looban niya nasasaktan siya.."
At aking nilisan ang lugar kung saan man siya nakatayo na may isang malungkot na ngiti.
BINABASA MO ANG
"Sa Tabing Dagat"
Teen FictionTHANK YOU FOR READING MAY SHORT STORY AND HOPE YOU LIKE IT..I WROTE THIS STORY A LONG TIME AGO AND IM NOT REALLY SURE IF YOU WOULD LIKE TO READ THIS ..,,BECAUSE I THINK YOU MIGHT NOT LIKE IT BUT I GUESS ITS NOT THAT BAD AT ALL😊😊...HOPE YOU'LL APPR...