Chapter I

247 1 6
                                    

Hope you like this, my 3rd story... please, leave a comment or suggestion or reaction about my stories. It will be a great help and is deeply appreciated. Thanks! =)

Enjoy!

-Crztna

P.S. Thanks to Samerah Nicolas

"To be with him was remarkable, the man who can take away her fears and the reason why she overlooked her past. The man who once again brought joy in her heart"

Can You Retain My Secret?

Czarina Mae

Chapter 1

UNANG TRABAHO at unang araw ni Meeyah Nyx Ascosta sa Almazar Architectural Products, Inc. bilang executive assistant ng president sa naturang kompanya. Maraming nag-apply sa kompanya pero masuwerte siya dahil sa lahat ng mga nag-apply ay siya ang napili, iyon na yata ang pinakamasayang nangyari sa kanya. Abot taenga ang kanyang ngiti sa mga labi nang pumasok siya sa opisina. Halos lahat ng empleyado roon ay kilala na siya kaya tuloy-tuloy lang siya sa hagdan. Alam ng lahat na mayroon siyang claustrophobia kung kaya't sanay na siyang umakyat-baba sa hagdan at walang problema iyon sa kanya. Kinatatakutan niya ang lahat ng masisikip na lugar tulad ng elevator. 

Nang umupo na siya sa sariling lamesa ay tinignan niya ang sariling relong pambisig, 'Just right on time' ang pangiti niyang isip. May ilang folders na nakapatong sa lamesa ang bumungad sa kanya at dali-daling binasa iyon, mga appointments at schedule ng boss niya. Gumawa si Nyx ng kopya nito sa desktop niya, for insurance kung sakaling mawala ang mga ito. 'Mabuti na yung nag-iingat. 'Kakapindot niya pa lang ng save button nang tinawag siya sa office ni Mr. Krytzel Almazar. Ito ang pangsamantalang amo niya habang ang kapatid nito-ang totoong president ng kompanya-ay nasa ibang bansa at nag-aasikaso ng ilang international business transctions. Hindi pa niya ito nakikita o nakaka-usap pero palagi niyang naririnig ang mga papuri ng mga kapwa empleyado dito. 

"Goodmorning Meeyah!" bati nito nang makapasok na siya. 

"Goodmorning din po Sir Almazar." 

"Napag-usapan na natin na tawagin mo na lang ako sa aking given name." Napansin niya na bahagyang napasimangot ito. 

"Ah, sorry po Si-Krytzel." aniya sabay ngiti, nag-aalangan siyang tawagin ito sa simpleng pangalan lang dahil lahat ng mga nagtatrabaho dito ay tinatawag siyang Sir Almazar. 

Hiniling nito iyon noong final interview niya. Ang binata mismo ang nag-interview sa kanya. Nang una niya itong makita ay nabigla siya sa kaguwapuhang taglay nito. Medyo isip-bata ang dating nito gayunman ay natutuwa siya rito dahil mabait na makulit ito. At nang araw din na iyon ay napansin niyang interesado ang binata sa kanya dahil sa uri ng pagtitig nito. Pero hindi na niya iyon pinagtuunan ng pansin ng mga panahon na iyon. Inisip na lang niya na baka dahil iyon sa pangalan niya.

Sumilay kaagad ang ngiti nito sa mga labi at tinignan siya ng diretso sa mga mata. 

"Gusto ko na masanay ka sa pagtawag sa'kin niyan. Hmm...i-cancel mo pala lahat ng appointments ko ngayon." 

"Sir?" nagtatakang usal niya. 

Kung gano'n, ibig sabihin ay sandali lang ang trabaho niya sa unang araw. Lihim na itinago ang panghihinayang na wala siyang gagawin sa araw na ito. Pinaghandaan pa man din niya ito. 

"Meeyah, I'm sorry. Gusto ko lang kasi na imbitahin ka na lumabas dahil malapit ng umuwi ang kuya ko, baka sa makalawa eh, siya na ang boss mo." 

"Pero first day ko palang ito, Krytzel. Alam mo naman na excited akong magtrabaho." 

"Alam ko naman iyon pero kahit ngayon lang, please Meeyah?" anito sa nagmamakaawang tono. 

Ngumiti na lang siya. Naalala rin niya sa unang pagkikita nilang ito sa final interview ay inaya siya nitong lumabas kahit saglit lang pero tinanggihan niya ang alok nito hanggang sa nagpumilit ito sa kanya at halos sumakay nalang siya ng taxi ay nakasunod pa rin ito, sa bandang huli ay pumayag na rin siya. Sobrang kulit. 

Can You Retain My Secret?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon