Chapter VI

2 0 0
                                    

Chapter 6

SINAMAHAN ni Keil si Meeyah sa pagsimba dahil hindi naman ito makakapunta sa Cebu, pareho silang maraming ginagawang trabaho. Pagkatapos ay nagmaneho na siya patungo sa sementeryo na kung saan nakalibing ang kaibigan niya, habang nasa biyahe ay sisiguraduhin niyang hindi mauungkat ang nakaraan ng babae. Dahil noong isang araw ay hiniling nito na huwag munang pag-usapan, mag-focus muna sila sa trabaho at kung handa na itong magsalita tungkol doon ay sasabihin nito sa kanya. Tahimik lang na dumating sila, nag-park na siya at bumaba.

Habang papunta sa puntod ni Gin ay nakasalubong nila si Raine at pare-pareho silang bahagyang nagulat.

"Raine, what are you doing here?" tanong niya, he saw that her eyes reddened. Umiiyak ba ito?

Naglagay muna ito ng sunglasses bago sagutin ang tanong niya, sa tingin niya ay para di nila mahalata na umiyak ito pero huli na at napansin na niya iyon.

"Meron akong kaibigan dito na nakalibing at death anniversary niya ngayon kaya dinalaw ko siya." Anito at pilit na ngumiti.

"Gano'n ba, pareho lang pala tayo."

"Ah...sige mauuna na ako sa inyo." Nagmamadaling umalis ito, sila naman ay nagpatuloy na sa paglalakad.

"KEIL noong mga araw na iyon ay naniniwala ka ba, na isang aksidente ang pagsabog ng barko o meron isang terorista na sinadya ang pagsabog no'n at lumubog?" she asked him.

"Aksidente lang ang nangyari noon, ayon sa imbestigasyon ay may tumagas na gas sa isang sasakyan at ang hinala nila ay may isang tao na naglabas ng lighter o naninigarilyo at doon lang itinapon. Kung terorista iyon ay makikita iyon sa pag-iinspeksyon bago sumakay." Hinarap siya nito, "Huwag mo ng alalahanin iyon mas mabuti kung samaham mo akong mamasyal ngayon."

"Saan naman tayo pupunta?" tanong niya, sa tingin niya ay maganda ang ideya nitong mamamasyal sila dahil para na rin na makalimutan ang problema kahit na pansamantala lalo na at masosolo niya ito. Mula ng bumalik ang alaala niya sa mga nakaraan ay di na siya gaanong nakakabasa ng mga novel niya pero hindi pa rin mawawala ang ala-novel-boss niya. At isa pa ay pakiramdam niya na ang favorite novel characters niya ay kasama niya lagi.

"We need to be free from this sadness." Iyon lang ang sinagot nito at kinuha ang kamay niya, sasanayin na lang niya ang sarili sa bawat hawak nito sa kanya ay magaan sa pakiramdam. Sa tingin niya ay kailangan niyang maging masaya-full of happiness without fears, worries and grieve. Tulad nga ng sabi nito ay kailangan nilang maging malaya. Gusto niyang maging masaya at lumaya sa kanyang nakaraan.

"WOW! Hindi ko akalain na ang ala-novel-boss ko ay kumakain sa street food!" gulat at may halong tuwa ang pagkasabi ni Meeyah. Nakatayo silang pareho sa isang maliit na store ng fishball-an at etc. Hindi niya akalain na pareho sila nito ng gusto lalo na at paborito rin nilang pagkain ay ang kwek-kwek.

"Ala-novel-boss?" he asked with confused face.

"Ah...alam mo kasi mahilig akong magbasa ng mga different genre of novels. Lahat ng man characters sa romance novels ko ay gusto ko at dream guy ko." Aniya at di-maiwasang kiligin nang maalala ang mga dream guys niya.

"Dahil diyan ay gusto mo na ako?" Ngumiti ito bago kinain ang isang buong kwek-kwek, pakiramdam niya ay namula ang tainga niya dahil ito mismo ang nagsabi na may gusto siya.

"Ganito kasi iyon, ito lang ang masasabi ko sa'yo ang mga features at personalidad ng mga novels characters ko eh, sa'yo ko nakita." Paliwanag niya at pakiramdam din niya ay buong mukha naman niya ay namula dahil sa sinasabi niya rito, ngayon ay alam na nito na may pagtingin siya.

"Magagalit si Krytzel kapag nalaman niya ito." Anito.

Naalarma siya sa sinabi nito. "Eh di huwag mong sabihin, problema ba iyon?" she said with sarcasm tone.

Can You Retain My Secret?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon