Chapter 10
NGAYONG NASABI nan i Meeyah ang lahat at alam na ni Keil ang mga nangyari noon ay nagbalak na silang gumawa ng hakbang. Sinabi ni Meeyah na meron siyang hinala kay Raine, gayonman ay mahirap paniwalaan na si Raine at Rea ay iisa lang. Para makasiguro ay aabangan nila kung sino ang nagpapadala ng kahon sa kanya, kasama na niya si Keil sa laban na ito.
"Hindi ako makapaniwala na ikaw ang taong tinutukoy ni Gin at nagligtas sa'kin noon." Usal ni Meeyah habang nakayakap sa binata, nasa opisina sila at naka-upo sa visitor seat.
"No more secrets?" biglang tanong ni Keil, umiling siya. "Good. Gusto kong matapos na ito kaya mamayang hapon aabangan natin ang nagbibigay sa'yo ng kahon." Anito at hinalikan siya ulo, "Ipapahanap ko rin si Rea Sanchez." Dugtong pa nito.
Napakagaan ng pakiramdam niya ng masabi rito ang lahat, isa na lang ang gusto niyang sabihin rito ang nararamdaman niya pero gusto muna niyang malaman kung bakit ginawa iyon sa kanya ni Rea.
"SIGURADO ka bang darating ang nagbibigay sa'kin ng kahon? Ilang oras na tayo naghihintay dito, mag-aalas singko na. Pumasok na tayo sa bahay, nando'n na si Zach sa loob." Sabi ni Meeyah, nasa loob siya ng kotse ni Keil. Naka-park lang sila sa di-kalayuan sa bahay niya.
"Konti pa, darating din iyon." Anito.
Maya-maya ay may kotseng pumarada sa harapan ng bahay niya, bumaba ang nagmamay-ari ng kotse at may hawak iyon ng kahon. Laking gulat nilang dalawa kung sino ang taong iyon, dali-daling bumaba si Keil ng sasakyan.
"KRYTZEL!" sigaw ni Keil sa sariling kapatid.
Gulat din ang kapatid nito ng Makita siya at ang dalaga, sumunod ito sa kanya. "Anong ginagawa ninyo rito?" inosenteng tanong nito, Keil was confused.
"Ikaw ano ang ginagawa mo sa bahay ko?" sabi ng dalaga at marahas na kinuha rito ang kahon, "Ito! Bakit binibigyan mo ako nito?" may galit ang tonong pagkasabi nito.
Hindi alam ni Krytzel ang sasabihin o gagawin, nalilito ito sa ginagawa at biglaang pagsulpot nila ng dalaga. "Ano ba ang pinagsasabi ninyo?"
"Magtapat ka Krytzel, alam mo ba kung ano ang laman niyan?" tanong niya, alam niyang hindi gagawa ang kapatid niya ng ganitong bagay.
"Napag-utusan lang ako at saka di ko ito pwedeng buksan kaya di ko alam kung ano ang laman nito, kayo ano ang ginagawa ninyo rito?" tanong naman nito.
Ang dalaga ang sumagot, "Bahay ko ang binibigyan mo ng kahon, Krytzel. Sabihin mo sino ang nag-uutos sa'yo na dalhan mo ako nito?"
"Si Raine pero ang nag-aabot nito sa'kin ay si Mitchelle." Sagot nito.
IKINUWENTO ni Keil sa sariling kapatid ang nangyayari, pati na ang nakaraan ni Meeyah. Hindi makapaniwala ito na ang dinadala nitong kahon ay ganoon ang laman, humingi ito ng tawad kay Meeyah. "I'm sorry, di ko alam. Laging humihingi si Raine ng favor sa'kin na dalhin ko iyon sa isang kaibigan niya di ko akalain na ang kaibgang iyon ay ikaw, Meeyah. Di ko intension na takutin ka."
Bumuntong-hininga si Meeyah, "Okay lang, ang importante ay alam na natin kung sino talaga si Raine."
"Para one hundred percent sure tayo, kailangan kong malaman kung nag-e-exist pa ang pangalan na Rea Sanchez."
"Ano ang ibig niyong sabihin?" tanong ni Krytzel.
"May hinala kami na si Raine at Rea ay iisa lang, maaaring nagpabago siya ng anyo kaya di siya makilala ni Meeyah." Paliwanag niya, "Kailangan ay walang nakakaalam nito at isa lang puwede nating pagkatiwalaan ang kaibgan kong si JR Fuentes, isang pulis na maaring makatulong sa'tin."

BINABASA MO ANG
Can You Retain My Secret?
RomanceWalang ng pagpipilian pa si Meeyah kundi ay sumakay sa elevator. Bago pumasok ay nagdasal pa siya, takot siya sa mga ma- sisikip na lugar tulad ng elevator. Pagpasok ay hindi niya inaasahan na mayroong makakasabay na ala-novel na lalaki, may nag-e- ...