Chapter 2
"ATE, MAY DALA ka na namang paper bag. Mag-iisang Linggo na eh lagi ka pa ring may dalang ganyan." Sabi ng kapatid niya ng maka-uwi na siya galing sa opisina.
"Alam mo naman na lagi akong bumibili ng ganito kaya 'wag ka ng magtaka." aniya.
Tama. Mag-iisang Linggo nang lagi siyang binibigyan ng mga bulaklak at chocolates or etc. ni Krytzel. Nagi-guilty na rin siya dahil tinatago niya sa lahat ng tao sa kompanya tungkol sa boss niya at nakakapagsinungaling pa siya sa kapatid niya. Ayaw niyang ipaalam sa iba na nanliligaw sa kaniya ang boss niya-lalo na sa mga ka-opisina niya-dahil baka isipin ng mga ito ay nag-ta-take advantage siya.
Ang mga binibigay na bulaklak ng binata ay nilalagay niya sa altar habang ang mga pagkain ay binibigay niya sa kapatid niya. Wala na siyang ibang maisip na paraan para tumigil ang binata kaya't sumuko sumuko na lang siya at hinayaan na lang niya ito. Gayunman, kailangan pa rin niyang makahanap ng paraan para tumigil ito dahil umaasa lang ito sa wala.
"I'M SORRY, Mom. Yeah, three days nga lang dapat ako sa New York... pinaliwanag ko na ito sa inyo. Yes, surprise nga itong gagawin kong pag-uwi-what? But why? Okay Mom, I'll be there." Pinutol na ng binata ang linya at saka napabuntong-hininga.
It's Monday morning when he arrived from New York. Three days lang sana siya roon kung hindi siya naalok ng mga kaibigan na mag-outting muna bago umuwi. Ikinagulat niya ang pagtawag sa kaniya ng mama dahil balak niyang surpresahin ito. May amiga pala ang kaniyang mama na nakakita sa kaniya sa airport na nagbalita rito. Imbis na makapagpahinga pa ng ilang araw ay nautusan siyang sunduin ang kapatid sa kompanya. Kahit na ayaw niya ay wala siyang magawa kundi ang sumunod. Kokonsensyahin lang siya ng mama tungkol sa hindi niya pagpaparamdam dito ng nakaraang linggo.
"Sir Keil Andrae Almazar." bati ng personal driver niya.
"There you are, Paul." aniya at inabot dito ang luggage niya.
Habang nasa biyahe ay inisip niya kung ano na ang nangyari sa kompanya. Maayos naman ang takbo ng negosyo ayon na rin sa kapatid niya at balak niyang bukas pa siya magsisimula sa trabaho. Sumagi sa isip ang kaniyang bagong executive assistant, ang laging ikinukuwento ng kapatid niya at nagugustohan nito ngunit basted naman. Napangiti siya, first time iyon sa kapatid niya na may tumanggi rito. Na-excite tuloy siya na makilala ito at ayon pa sa kapatid niya ay masipag, matalino at maganda ito.
Meeyah Nyx Ascosta, an intriguing woman as well as her name.
NAKA-JEANS and gray shirt si Keil nang pumasok siya sa gusali. Mas sanay siyang naka-business suit sa tuwing papasok sa kompanya. Gayunman, nakilala pa rin siya ng mga empleyado niya, binati siya ng security guard at receptionist niya at huminto sa harap ng elevator para maghintay. Habang naghihintay ay napansin niya ang isang babae na naka-classic black suit at skirt, malamang ay isa ito sa mga empleyado niya, nakikipag-usap ito sa isang janitor. Sa hindi malamang dahilan ay hindi niya maalis ang tingin dito. Tama lang ang tangkad nito, with long and straight brown hair and a perfectly curved body. Nakatalikod ito sa kanya kaya hindi niya makita ang mukha nito.
Hmm, milk-white skin. Will she taste like milk, too? He swallowed hard when the woman turned in his direction, tapos na makipag-usap sa janitor at tila bagsak ang mga balikat nito. Oh, God. She's even more tantalizing up front. Napabawi ang kanyang tingin ng bumukas ang elevator. He felt guilty ogling the lady like a fifteen year-old. Napakamot na lang siya ng ulo at pumasok sa elevator.
Tumakbo ang dalaga papunta sa elevator bago ito sumara ngunit nag-alangan ito saglit bago tuluyang pumasok. Nagtataka siya nang bigla itong pumikit at tila nagdadasal ito. Napatitig siya at muling namangha sa mukha nito.
She's one of the most beautiful women I've ever seen.
PUPUNTA NA SANA si Meeyah sa hagdan ng may biglang humarang sa kanya, ang janitor sa kompanya. Nagtaka siya kung bakit hinarangan siya nito.
"Ma'am Meeyah, hindi po muna puwedeng gamitin ngayon ang hagdan." Anito, makikita sa mukha nito na namomroblema ito.
"Ha? Bakit naman po?" tanong niya at hindi maiwasang mag-alala.
"Natapon po ang mga chemical na panglinis dito sa kompanya. Marami ang natapon at kaya matatagalan po ang paglilinis namin." paliwanag nito, "Ma'am, gumamit na lang po kayo ng elevator." suhestiyon nito at doon lang yata siya tuluyang nagising sa sinabi nito.
Elevator... Nakaramdam kaagad siya ng takot dahil bumalik na naman ang ala-alang iyon. Tight space and no light iyon ang kwartong pumasok muli sa kanyang isipan.
"Puwede naman po sigurong dumaan kahit na sa pinakagilid ng hagdan ako dadaan." pakiusap niya.
Umiling ito, "I'm sorry, ma'am, hindi po talaga puwedeng dumaan."
Naiwan siyang blangko ang mukha nang umalis ang janitor. Nang tumigin siya sa elevator ay napalunok siya at nagsimulang manginig ang kaniyang mga kamay. Tinignan niya ang relong pambisig. Tsk! 'di ako puwedeng ma-late. Never pa siya nakasakay sa elevator at wala siyang balak sumakay doon pero sa pagkakataong iyon ay wala siyang ibang pagpipilian. Hindi pa siya nala-late o uma-absent sa trabaho kaya kailangan niyang maging matapang, ngayon lang naman ito. Sa tingin niya kahit papaano ay may kalakihan naman ang elevator at may ilaw kumpara noon... Pero pano kung mamatay ang power ng kompanya at huminto ang elevator? Madilim at hindi siya makakahinga ng mabuti tulad ng-.
Ipiniling niya ang ulo, Think positive!
Hinabol niya ang elevator bago ito magsara. Nahagip ng mga mata niya na may lalakeng nakasakay rin sa loob pero nawala rin iyon agad sa isip niya ng magsara na ang elevator. Sa sobrang takot ay napapikit siya ng mga mata at tahimik na nanalangin.
God, oh God, is it me or is the air suddenly emptied out in here? Why is it so dark? Why can't I breathe?! Please Lord, I still want to live. I love my brother. I love my novels. I love my life. Save me Lord. Please don't make me remember that day-
"What floor, miss?"
Biglang napadilat ng mga mata si Meeyah ng marinig niya ang tanong and napakiling sa taong nagmamay-ari ng boses.
"Ah, ah..."
"Are you alright?"
"Ah-I'm fine. Fift floor," Pahabol niyang sagot ng maalala niya ang tanong nito.
"Oh, good we're going on the same floor," ang nakangiting sagot ng binata.
Nang humarap sa kanya ang binata ay doon lang niya ito natitigan ng mabuti. Black hair, deep brown eyes, well-defined nose and a strong jaw, the man's face could rival an angel's. Not to mention he's tall and is well-build. Saglit na nakalimutan ni Meeyah ang paligid niya. Akala niya sa mga nobela lang nag-e-exist ang ganitong lalake pero heto ang buhay na ebidensya sa harap niya. Oh, he's so GORGEOUS. Parang siyang matutunaw sa kinatatayuan niya.
Nang tumingin muli sa harap ang lalake ay bumalik ang takot ni Meeyah. Bumilis ang tibok ng puso niya at nanginig na ang kaniyang buong katawan.

BINABASA MO ANG
Can You Retain My Secret?
RomanceWalang ng pagpipilian pa si Meeyah kundi ay sumakay sa elevator. Bago pumasok ay nagdasal pa siya, takot siya sa mga ma- sisikip na lugar tulad ng elevator. Pagpasok ay hindi niya inaasahan na mayroong makakasabay na ala-novel na lalaki, may nag-e- ...