Chapter IX

4 0 0
                                    

Chapter 9

"ANO ANG kailangan mo, Zach?" tanong niya ng pumasok ito sa opisina niya, wala ang dalaga sa mga oras na 'yun dahil may inutos siya rito. Nakasuot pa ito ng uniform at sa tingin niya papasok pa lang ito dahil na rin maaga pa ang oras ng mga sandaling iyon. "Dapat sa school ka na dumiretso, wala ang ate mo rito."

"Ikaw ang sadya ko rito Kuya Keil." Anito, problemado ang mukha nito.

"Bakit, Zach may problema ba?" Tanong niya at nilapitan, "Dito tayo mag-usap." Iginaya niya ito sa visitor seat.

Naka-upo sila, natetensyon ito at may kung anong kinuha ito sa bag. Isang box, nilapag nito iyon sa lamesa.

"Gusto kong ipakita ito sa'yo, buksan mo." sinunod niya ang sinabi nito at ang nakita niya ay isang bouquet na dilaw na rosas dapat pero binabalutan ito ng dugo.

"Kahapon iyan pinadala kay Ate pero di ko sinabi sa kanya na merong dumating dahil nag-aalala na ako sa kinikilos niya pagdating sa bahay kaya tinignan ko na kung ano ang laman ng kahon, ayaw niya kasing ipakita sa'kin. At malalaman ko na lang sinunog na pala niya." paliwanag nito.

"Kailan pa ito nangyari?" Tinignan niya ito.

"Last week at kahapon ko lang ito nakuha."

"Anong oras nagpapadala o nakikita mo na meron ng box sa harap ng bahay niyo?"

"Bandang hapon, hindi alam ni Ate na sinabi ko ito sa'yo pero gusto kong tulungan mo siya. Alam kong may tinatago si Ate, nakikita ko iyon sa mga kilos at sa mga mata niya."

"Sa tingin ko ay dugo ito ng tao. Siguro ay bumili ng whole blood bag ang nagpadala nito para malagyan ng dugo ang mga bulaklak." Tumango si Zach bilang pagsang-ayon, "Ipapa-imbistiga ko ang nanyayaring ito, huwag kang mag-alala akong bahala sa Ate mo."

Umalis na si Zach at siya naman ay napapa-isip, bakit merong gumagawa sa dalaga ng ganoong bagay? Meron kaya itong kasintahan dati o may matinding kaaway ito? Di niya inaasahang lahat ng pinapakita ng dalaga sa kanya na masaya ito at wala ng gaanong pinoproblema ay may tinatago pala, akala pa man din niya ay tapos na ang problema ng dalaga o lubos na kinalimutan nito iyon dahil di na nao-open ang topic tungkol sa high school at nakaraan nito. Masaya sila sa tuwing magkasama kaya di na niya lubos inintindi na malaman niya ang katotohanan pero sa pagkakataong iyon ay kailangan na, ayaw na niyang maghintay pa na ito ang kikilos para malaman niya.

Meron na siyang naisip na plano para mabuksan ang topic nilang iyon.

"IM HERE FOR Miss Santiago," sabi ni Meeyah sa receptionist ng makarating sa gusali ni Raine Santiago ang president ng kompanya. "Meeyah Nyx Ascosta." Aniya ng itanong kung sino siya.

Mabuti na lang at hanggang sixth floor lang ang opisina ng dalaga, kaya pa niyang umakyat ng ganoong kataas.

"Have a seat."

Sumunod siya at umupo sa harapan nito. "May pinapaabot si Keil na folder, kailangan mo lang pirmahan." May kakaibi siyang nararamdaman, bakit parang ang lapit-lapit lang ng taong iyon? Di pa siya gumagawa ng hakbang kung sino talaga ito, nagbabalak palang siya na humingi ng tulong kay Keil. Binabalak na rin niyang sabihin sa binata ang lahat kung di na ito busy.

"Okay." Sabi nito at inilahad ang left hand nito para doon niya ilagay ang folder, nahigit niya ang hininga at napalunok nang makita ang palad nito, "Meeyah, are you okay?" tanong nito sa nag-aalalang boses, nagtataka tuloy siya pero di naman siya makakilos.

"I'm sorry, here." Aniya at binigay na dito ang folder, kung tama ang hinala niya ay ibig sabihin-

"Here." Binigay na uli nito ang folder.

Can You Retain My Secret?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon