Chapter VIII

2 0 0
                                    

Chapter 8

"ATE! Nandito na si Kuya Keil!" tawag nito sa sariling kapatid, nasa itaas pa ang dalaga nag-aayos pa ito. Masyado yata siyang napaaga sa pagpunta, narinig niya na may bumababa na at nag-angat siya ng tingin. She wearing royal blue shoulder straps A-line floor-length dress, ang ina pa niya ang pumili ng cocktail dress na iyon. Tama lang sa dalaga ang damit, kahit kailan di magbabago ang unang impression niya rito.

"You look perfect, Nyx." Nilahad niya ang kamay dito at kinuha naman nito, she gave him a shy smile.

"Thank you."

"Tama na nga iyan, umalis na tayo." Singgit ng kapatid nito, tumango lang siya. "Grabe, di na uso ang eksenang iyon." Pahabol pa nito.

"Hoy! Manahimik ka nga diyan, Zach." Sabi ng dalaga ng umupo ito sa passenger seat habang siya naman ay pumasok na rin at sinisimulang buhayin ang makina.

"I'm sorry." anito na may halong katarayan na boses, naka-upo ito sa backseat.

"Mana-mana lang ang ugali, ah." aniya.

"Yeah right." sang-ayon nito.

KAHIT KAILAN ay hindi pa nakakadalo si Meeyah sa isang engrandeng birth day celebration, sa isang malaking function hall na kilalang hotel ginanap ang birth day nito. Di niya maiwasang humangga sa mga taong nandoon dahil lahat ay elegante. Ang iba ay kilala niya, humiwalay ang kapatid niya sa kanila at pinuntahan nito si Krytzel na kung saan ay merong ka-date na isang magandang dilag pero may napansin siya rito-may hawak itong white board at pentel pen. Weird.

Iginaya siya ni Keil sa isang lamesa na malapit sa stage, kasya ang walong tao roon. Pina-upo siya nito, "Thank you," Bulong niya rito, ngumiti lang ito.

"Hintayin mo muna ako rito, tatawagin ko lang sila Mom and Dad." Sabi nito at umalis.

Makikita na niya ang magulang ng lalaki, di niya alam kung mae-excite o kakabahan. Nilibot niya ang buong paligid, nakikipag-usap pa rin ito kay Krytzel at ang babaeng ka-date nito ay kung ano ang sinusulat sa white board. Pagkatapos ay napansin niyang may isang magandang dilag na papalapit sa kanya at ang kasama nito ay si Mitchelle, alam na niya kung sino ang tinutukoy niyang maganda ay si Raine Santiago. Tumabi ito sa kanya ng umupo na ito habang ang kasunod ay si Mitchelle, bakit dito pa sa lamesa nila ni Keil pumuwesto ang mga ito?

Dumating na si Keil at ang kasama nito ay dalawang may edad na, sigurado siyang ito na ang mag-asawang Almazar. Kasama rin ang kapatid niya pero wala sila Krytzel at ang babae nito pero ng lumingon siya sa kabilang lamesa na malapit lang sa kanila ay doon niya natagpuan ang dalawa.

"Goodevening, Ma'am and Sir Almazar," bati niya at tumayo para makamayan ang mga ito, si Keil ang nagpakilala sa kanya.

"Oh...so you are Meeyah Nyx. You're beautiful, hija." Sabi ng ama ni Keil.

"Thank you."

"You look lovely on that dress." Puri naman ng ina ng binata, sigurado siyang namumula na ang mukha biya.

"Thank you po." aniya at ngumiti, napakabuti ng mga magulang ng binata.

Nararamdaman niyang may mga matang nakatingin sa kanya na talaga naming galit sa kanya. Hindi niya alam kung sino iyon, si Mitchelle ba o si Raine.

UNA ay appetizer, pangalawa ay dinner at ang sumunod ay tugtugan, wala ang binata sa lamesa dahil inaasikaso nito ang mga bisita habang ang kapatid niya ay pumunta sa dessert station kaya naiwan siyang kasama sila Mitchelle at Raine.

Naalala niya na habang kumakain sila ay napapansin niyang laging napapatingin sa kanya si Raine, sa bawat dapo ng mga mata nito sa kanya ay nakakaramdam siya ng kaba tila ba'y meron itong gustong sabihin. Imbis na kabahin siya sa mga magulang ng lalaki ay dito siya lubos nag-aalala. Kamag-anak ba ito ni Rea? O isa sa mga tao na gusto siyang mawala sa mundo?

Can You Retain My Secret?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon