Chapter V

1 0 0
                                    

Chapter 5

"GOODMORNING, Keil." bati niya ng dumating na ito. Hindi niya maiwasang titigan ito mula ulo hanggang paa, humahanga talaga siya sa kakisigan nito at personalidad.

"Goodmorning, Nyx," anito at ngumiti. "Gawan mo ko ng coffee then may pag-uusapan tayo."

Pumasok na ito sa opisina. Tumayo siya at pumunta sa kusina, may na-amoy siyang mabango na kape at sigurado siyang caramel flavor iyon. Sa tingin niya ay binili iyon sa labas at parang gusto na rin niyang bumili sa labas dahil nagsasawa na siya sa juice. Nang makarating ay laking gulat niya na medyo lumaki na ang machine coffee maker nila at may pagpipilian: Chocolate, Caramel and Coffee. May nakita rin siyang milk sa loob ng mini refrigerator nila dahil nakita niyang may ibinalik ito ng isa sa mga co-worker niya sa ref.

"Goodmorning, Meeyah," bati ng nagbalik ng milk sa ref at isa ito sa mga kaibigan niya, ngumiti siya at tumango bilang pagbati niya. "Meeyah, di ko talaga inaasahan na mapapansin ni Sir Keil na masyadong pangit ang kape rito pero kita mo naman di ba? May pagpipilian at masasarap pa ang lasa," anito saka nagpaalam.

Dahil ba sa sinabi kong sekreto sa elevator eh nagbago na ang kape? Hmm...wala akong masabi sa kabaitan mo.

NAABUTAN niyang may kausap si Keil sa telepono nito, bahagyang nilingon siya nito at tinuro sa kanya na ilagay ang kape nito sa lamesa. Nakikipagtawanan ito bigla tuloy siyang na-curious kung sino iyon. Umupo siya sa visitor seat, dahil may sinabi itong may pag-uusapan sila ay kailangan niyang maghintay doon. Habang naghihintay ay nakaramdam siya ng antok dahil siguro iyon sa kaka-isip tungkol kay Krytzel at sa bumabalik na pakiramdam na iyon akala pa man din niya ay tuluyan ng naglaho ang nakaraan niya. Sinubukan niyang kausapin si Krytzel kanina sa pinagtatrabahuan nito pero ang sabi lang ng assistant nito ay umalis ito ng napakaaga dahil may kakausapin ito.

Narinig uli niya na may tumawag sa binata at sinagot naman iyon, mukhang matagal pa siyang makakaalis doon. Ang daming nakikipag-usap sa boss niya kaya hindi niya mapigilang pumikit na lang, kahit idlip lang ay ayos na. Dahan-dahang nag-relax ang katawan niya hanggang sa tuluyan na siyang makatulog.

"YUP, I'LL SEE YOU THERE. Okay, bye." Aniya at pinutol na ang linya. Hindi niya inaasahang sunod-sunod ang pagtawag ng mga kaibigan at ka-business partner niya dahil iyon sa gagawin na big celebration uli sa darating na birth day niya, dalawang Linggo na lang ay madadagdagan uli ang edad niya.

Uminom muna siya ng kape bago sulyapan ang dalaga, nakaupo ito pero nakatalikod kaya di niya alam kung tulog ba ito o hindi. Tumayo siya at nilapitan ito, tama ang hinala niya na tulog ang dalaga sa paghihintay sa kanya. Hindi siya kaagad umalis sa kinatatayuan niya at natagpuan na lang niya ang sarili na dahan-dahan siyang umupo sa tabi nito at tinitigan. Gigisingin ba niya ito o aayusin lang para makahiga ng maayos?

Her face was familiar to me... aniya sa kanyang sarili, tulad nga ng kahapon ay bumabalik sa kanya ang blured na mukha ng isang babae.

Hindi niya mapigilan ang sarili na hawakan ito sa pisngi, tama ang hula niya na soft skin ang dalaga. He brushed his knuckles gently against her cheek. Matagal niyang tinitigan ito, ang nararamdaman niya rito ay tila ba'y naramdaman na niya noon pero hindi niya maalala kung kailan basta ang alam lang niya ay dapat sana ay siya na lang ang unang nakakita o nakakilala sa dalaga at hindi ang kapatid niya. Huminga siya ng malalim at saka tumayo, bubuhatin niya ang dalaga at aayusin para makatuwid sa sofa. Hahayaan na lang muna niya itong matulog at siya naman ay marami pang gagawin.

"BAKIT MO ITO ginagawa Rea? Hindi kita maintindihan." tanong niya habang nanginginig sa takot dahil nakatutok sa kanya ang isang matalim na kutsilyo.

"Dahil sa'yo ay tuluyan na siyang nawala sa'kin," may kinuha itong dilaw na bulaklak at nilaglag, maya-maya ay inangat nito ang sariling kamay at binuka ang palad, sinimulan nitong hiwain ang sarili. Tiniis nito ang sakit at hinayaang tumulo ang dugo sa bulaklak, "Ito na ang huling bulaklak na makikita mo sa buong buhay mo at ito na rin ang huling buhay mo sa mundong ito," sabi nito pagkatapos ang ginawa, "Ganito kasakit ang ginawa mo." dugtong pa nito.

Can You Retain My Secret?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon