Chapter VII

2 0 0
                                    

Chapter 7

ISANG LINGGO na ang nakakalipas, si Meeyah at ang novel-boss niya ay laging sabay kumakain ng lunch pero sa pagkakataon ng araw na iyon ay hindi sila magsasabay dahil dumating ang kaibigan nitong ka-business partner na si Raine Santiago. Ayon na rin sa kanyang schedule list ni Keil. Sa tuwing magkasama sila ay lalo nilang nakikilala ang isa't-isa pero may nararamdaman siyang tila ba'y laging may mga matang nakasunod pero hinahayaan lang niya iyon. Basta kasama si Keil, she felt protected and safed.

"Nyx, si Krytzel muna ang sasabay sa'yo ngayon sa lunch. May pag-uusapan lang kami ni Raine." Ngumiti sila sa isa't-isa, sa tuwing ganoon sila ay nararamdaman niyang espesyal sila sa isa't-isa. Sa pagsasama lagi rito ay pinapakita nito na mahalaga siya kaya kumukuha siya ng tiyempo para masabi na ang nakaraan niya rito dahil sa tuwing magkasama sila ay ayaw niyang masira ang atmosphere nila.

"Okay."

"Keil, let's go." Tawag ni Raine at tumingin sa kanya, di niya mabasa ang mga mata nito pero sa tuwing tumitingin o tumititig sa kanya ay tila ba'y matagal na silang magkakilala pero meron pa rin siyang napansin dito, iyon ay gusto nitong kausapin siya. Gayonman, di siya natatakot sa paraan nitong pagtitig sa kanya hangga't nandiyan ang novel-boss niya ay lumalakas ang loob niya.

"See you later." Anito.

INIISIP NI MEEYAH kung ano ang pinag-uusapan o ginagawa ngayon ni Keil kasama si Raine, di niya maiwasang mag-isip ng negative thought... paano kung may pagtingin si Raine kay Keil o di kaya'y si Keil ang may pagtingin dito? Kinagat niya ang ibabang labi, positive thought... sa kanya lang si Keil.

Ano ba itong pinag-iisip ko? Napapapadyak siya nang wala sa oras, may kung ano kasi ang nararamdaman niya sa sariling puso.

"Meeyah saan mo gustong mag-lunch?" tanong ni Krytzel.

"Ha?" nagtataka siya, syete! Nakalimutan niyang may kasama pala siya... bakit kasi lumilipad ang kanyang isipan sa novel-boss niya? Is she in-love with him? Napasinghap siya sa sentence na iyon.

"Hey, are you alright?" tanong uli nito.

"Yup... I'm sorry, ikaw na ang bahala." Sagot na lang niya.

"Okay, sumunod ka sa'kin."

"AYOS LANG BA ang idea ko sa September competition?" tanong ni Raine kay Keil habang kumakain sila. Pinag-uusapan nila ang tungkol sa mga furnitures na ipaglalaban nila, tulad ng business partner niyang si Arvin Clive Nebreja ay isa si Raine na magaling na business partner.

"Gusto ko rin ang na-isip mo pero kailangan pa rin natin ang opinion ni Arvin."

"Okay, tawagan mo lang ako kung kailan tayo pwedeng magkita-kita." anito at uminom ng wine na in-order nito. "Aminin mo meron ka bang gusto sa executive assistant mo?" Biglang tanong nito.

Nilunok muna niya ang kinakain bago sumagot, "Bakit mo naman nasabi iyan?" Aniya at tumikhim sabay inom ng tubig, hindi niya alam kung bakit na lang ito nangbibigla. Imbis na ang negosyo ang pag-usapan ay heto napunta kay Nyx.

"Halata kasi." Simpleng sagot ni Raine at saka palihim na ngumiti.

He surprised, "Really?"

"Yes. Alam mo sa tingin ko may gusto rin siya sa'yo."

"Yeah I know." Mahinang sabi niya.

Alam naman niya iyon, ang kaso nais pa niyang makilala ang dalaga ng lubusan at oras na malaman niya na kung ano talaga ang nangyari noong high school time pa nila ay saka na niya ipapaalam ang tunay niyang nararamdaman dito.

"Alam mo?" she said with astounded face.

"May problema ba?" tanong niya, he puzzled and he wondered why?

Can You Retain My Secret?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon