Chapter III

4 0 0
                                    

Chapter 3

"DIYOS KO! Mahal ko pa po ang buhay ko! Kahi ano gagawin ko huwag lang po Ninyo papaagahin ang dead-end ko. Hindi ko na po ulit lalaitin ang kape dito . Kahit na isang klaseng kape lang ang nagagawa ng coffeemaker! Hindi ko na po ulit lulunurin sa kape ang precious bonsai plant ni Mitchelle Trinidad . Kahit pa napakasalbahe niya sa mga kapwa empleyado niya rito. Kahit napakasama ng ugali niya to the pont na kinaiinisan siya ng halos lahat na empleyado rito. Inosente ang bonsai na iyon at wala iyong kinalaman sa lahat ng mga kasalanan niya."

""Babawasan ko na rin po ang pagka-adik ko sa mga novels, epecially ang pinakasisekreto kong mga BDSM novels. Sorry po Lord!"

Patuloy pa rin siya sa pagtakip ng mukha at tuloy-tuloy sa pagsasalita, patuloy sa pag-aakala na lahat ng sinsabi niya ay nasa isip lang niya.

"At tatapatin ko na po ang naniligaw kong boss. Aaminin ko na naiinis na po ako sa ginigawa niya dahil nagmumukha na po akong tanga sa pagtatagong mga regalo niya sa akin para lang walang ibang makakita sa kompanya. At nagagawa ko pang magsinunaling sa kapatid ko sa isang maliit na bagay dahil sa kanya! Oh God, ayoko ko pong pumasok sa isang relasyon na pinipilit ko ang sarili ko na mahalin ang isang kaibigan lang ang tingin ko. At sa aking nakaraan-"

"WE'RE HERE." Ana ng isang boses na lalaki na pumutol sa takbo ng isip niya. Huminto na ang elevator ngunit para pa rin siyang robot na hirap kumilos. Nakalimutan niyang may kasama pala siyang isang stranger.

Nakatitig ito sa kanya at pitik ng pitik paitaas ang mga labi nito ngunit tila pilit na pinipigil. Nang napatitig si Meeyah sa mga mata nito ay nakita niyang natatawa ito. Pero-

Syete! Nasabi ko ba ng malakas ang lahat nang iniisip ko kanina? NO! Yumuko si Meeyah upang makaiwas sa titig ng estranghero. Ramdam niyang namumula nang todo ang kaniyang mga pisngi. Stupid, stupid, stupid! Nasabi ko sa isang estranghero ang mga sekreto ko! Mabilis na naglakad-takbo si Meeyah palabas ng elevator.

Sapo ang ulo ng makaupo sa swivel chair niya, hayun at tila bang kulang na lang ay ilibing siya ng buhay sa sobrang kahihiyan higit sa lahat ay naalala niya ang pangyayaring 'iyon'. Parang gusto niyang umiyak, pakiramdam niya ay bumalik siya sa nakaraan. Naikuyom niya ang mga nanginginig na kamay sa takot, hanggang ngayon ay dala pa rin ang alaala na pilit niyang kinakalimutan.

"Relax, relax, relax." Ang bulong niya sa sarili.

"Kuya! You're here!" sabi ni Krytzel at lumabas sa opisina nito.

Sandali...Kuya? As in Kuya? Nandito ang totoong boss ko!

Nag-angat siya ng tingin upang makita ang boss niya at-

"OH.MY.GOD."

Hindi ba may gingawang nuclear testing ang North Korea? Pwede bang mag-testing sila dito? Particularly sa kinauupuan ko. Pero maraming madadamay at magsisimula pa iyon ng WW3. Uso pa ba ang firing squad? Gusto ko sanang magpa-schedule. Normal bang ipa-asassinate ang sarili? Oh God, kahit ano basta mawala lang siya sa kinauupuan na iyon. Nahatak siya sa kaniyang pagmuni-muni nang marinig ulit ang sinasabi ni Krytzel.

"Ano ang ginagawa mo rito, Kuya? Dapat sa bahay ka na dumeretso." ani ni Krytzel sa kaniyang kuya-ang estrangherong nakasabay niya sa elevator.

Nahigit niya ang hininga ng makita niyang nakatuon ang mga mata ng true boss niya sa kanya. Agad siyang umiwas ng tingin. Sa pagkakataon na iyon ba ay nawala ang niraramdam niya kanina dahil pakiramdam niya ay nalulunod siya sa sobrang kahihiyan.

"Pinapasundo ka sa'kin ni Mama, may maliit na celebration sa pag-uwi ko." anito.

"Gano'n ba, pero bago tayo umalis ay ipakilala ko muna sa'yo ang new executive secretary mo. Miss Meeyah Nyx Ascosta meet Keil Andrae Almazar, my brother and your boss." pagpapakilala nito.

"H-hello, sir." Nakipagkamay si Meeyah. Nanginginig pa rn ang mga kamay ngunit sa ibang dahilan na ngayon.

"It's nice to finally meet you, Ms. Acosta." Nakangiting sabi nito.

Dahil sa kinakabahan pa rin ay binawi niya agad ang kamay rito

"Just call me Keil." Tumango siya, hindi niya na sigurado kung tama pa ba kinikilos niya. Hindi siya makapagsalita sa sobrang kaba. Ngunit sa kabila ng lahat may isang parte pa rin sa utak niya ang nakapansin sa lalakeng-lalaki na boses nito. Sang-ayon ang boses nito sa gwapong mukha na nakikita niya lang sa mga pinapantasiya niyang mga paboritong male character ng mga binabasang nobela. Pwede siyang maging Mr. G-stop it stupid brain! Yup. Nababaliw na nga siya at nakikipag-away siya sa sarili niya.

"Anong nangyayari sa bonsai ko?! Bakit nanunuyo ang tangkay nito" saglit na suminghot," kakaiba ang amoy!" ani... Mitchelle Trinidad.

May kataasang boses nito kaya nabaling ang atensyon nila sa kaniya. Nanlaki ang mga mata ni Meeyah. Yare! Napansin ni Mitchelle na nakatuon ang marami sa direksyon niya, lalo na ni Sir-uh-Keil , kay ngumiti ito at bumati. "Welcome back, Sir Almazar. I'm sorry about that." Nahapit saglit ang tingin nito sa kaniya bago bumaling ulit sa minamahal nitong bonsai. May ideya na kaya ito na siya ang lumalason sa bonsai nito? Nang maramdaman niyang nakatingin uli si Keil sa kanya, saka niya lang naalala na isa iyon sa mga sekretong naibulalas niya sa elevator. Nagdasal siyang sana hindi nito ibunyag ang mga sekreto niya. '...and the award for Idiot of the decade goes to-ME!' naisip-isip ni Meeyah sa sarili.

Sa mga oras na iyon, nawala na ang takot na nadama niya na dala ng nakaraan. Nakatuon lamang ang isip niya sa bagong poblema-ang sekretong iniingatan niya.

"Mauna ka na sa ibaba, Krytzel. I'll just give some message to Ms. Acosta."

What the-. Siguradong tungkol sa sekreto niya ang tukoy nito. Anu-ano ba ulit ang mga pinagsasabi niya kanina? Sa sobrang panick ni Meeyah ay wala siyang maalala. Ano na ang gagawin niya? Ito na ba ang katapusan ng trabaho niya? Papagaltan ba siya nito sa ginawa niya sa bonsai ng director? O-my God, sana wala siyang nasabing masama sa kompanya. Kinagat niya ang ibabang labi.

Nang umalis na si Krytzel ay lumapit sa lamesa ang boss-totoong boss-niya sa table niya. Mataimtim siyang tinitigan ng binata.

Can You Retain My Secret?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon