Ang sakit pala kapag ikaw ay tinatawag na paasa
Kahit hindi mo naman talaga sinasadya
Hindi ko lang kasi gusto ang salitang diretsyo
Gusto ko munang kilalanin ka ng hustoSinabi kong may pag-asa ka
Totoo naman 'yon dahil sino naman ako para sabihing wala kang pag-asa
Binigyan kita ng pagkakataon para ipakilala ang sarili mo
'Di ko na kasalanan na umasa ka sa isang baliw na katulad koKaya sige lang tawagin mo ako ng kahit ano,
Tignan mo nga lahat ng mga kalokohan mo!
Akala ko ba iba ako, at ako lang?
Ba't ang dali mo nakahanap ng ibang kinagigiliwan?Tama nga naman ang desisyon ko
Na katulad ka lang nila
Magaling lang sa salita
At wala sa gawaNgayon ang tanong ko, sinong mangloloko?
Ako ba, na pinagbigyan ka?
O ikaw na panay salita na ako lang pero,
Tignan mo, isang buwan lang may iba ka na.Alam ko namang galit ka
Pero sana
'Wag kang magmalinis
Dahil lahat tayo may masamang kaliskisPatawad dahil ganoon ako
Hindi pa kasi ako handa sa pag-iibigan ng dalawang tao
Kasi para sa akin may tamang oras lahat 'yan
At lahat ng bagay dapat pinag-iisipan.