'Di kita pinapakinggan
Paminsan-minsan
Kasi nga matigas ang ulo ko
Kaya 'di ako nakikinig sa'yoMinsan nasisigawan kita
Minsan nasasabi kong sana
Ay tumahimik ka
Kasi ang ingay mo naPero alam ko na
Na kaya ka pala gano'n
Kasi ina ka
At mahal mo akoPinagsisisihan ko na
Lahat ng kasalanan ko sa'yo
Minsan nakakainis narin kasi ako
Nawawala sa isip ko ang dapat at ang anoNapapabayaan kita
At 'yon ay hindi dapat mangyari
Mahal kita kahit na hindi
Sa berbal na paraanMinsan nga nasabi ko
Na sana kung nasanay lang ako
Dapat araw-araw na kitang sinasabihan
Dahil totoong mahal kita maHindi man ako isang perpektong anak
Alam ko na alam mo,
Na ginagawa ko ang lahat
Para ipagmalaki mo akoAt lalo ko pang pag-iigihan
Dahil alam kong sa huli
Ay magiging masaya ka
Aking ina'Di ko man masabi pero
Pinaparamdam ko naman
Sa abot ng makakaya ko
Dahil ikaw ang nag-aroga sa akinAt 'yon ay tatanawin kong utang na loob kailanman