All Too Well

40.8K 1.3K 263
                                    

11



"Are you serious?" natatawa kong sabi habang nakatitig lang kay Rome na nakanguso at masama ang tingin sa bisikleta ko. He pulled his hair before shoving his hands in his pants.


"I have a car Ianna. Bakit kailangang matuto pa akong magbike. I don't see any use for it." Mayabang niyang sabi. Tumaas lamang ang kilay ko at lumapit sa kanya. Hinila ko siya papunta sa bike at tiningala.


"I'll teach you how to ride a bike."


"Yan, may flight pa ako."


Nanliit ang mata ko."Bukas pa ang flight mo Falcon. Huwag kang maarte." Mataray kong sabi. Nanlaki ang mata niya bago napailing.


"God, you sounded like Sese bear." Reklamo niya. Tumawa lamang ako at inilapit sa kanya ang bike.


"Now hold this." Anas ko bago ko itinuro ang preno ng bike. Para naman siyang maliit na bata na sinusunod ang tinuturo ko.


"Then sit here. But keep your feet on the ground first." I said. Sumunod naman siya at tahimik lamang na nakatingin sa bike. I taught him the basics first before I let him ride it totally. Sa unang subok niya ay natumba siya.


"Damn it ayaw ko na!" sigaw niya. Tumawa lamang ako at tinulungan siyang tumayo.


"Don't be a baby."


Ngumisi siya. "I am not a baby. But you're my baby." Pilyo niyang sabi. Nag init ang pisngi ko bago ko siya tinuktukan sa ulo. Bolerong playboy!


"Tumayo ka na nga diyan." Kunwari ay inis ko na lamang na sabi. Siyempre hindi ko ipapahalatang kinilig ako ng bahagya. Siyempre ikaw ba namang banatan ng ganyan ni Falcon, talagang mangingisay ka na lang.


We spent the whole day learning how to ride the bike. Madali naman siyang natuto, sa tingin ko nga ay niloloko lang niya ako na hindi naman talaga siya marunong. Noong dapit hapon na ay inaya niya ako sa dalampasigan. He drove the bike at umupo lamang ako sa likuran niya.


Dahan dahan kami habang bumaba sa burol papunta sa dagat. He was busy humming a tone while I watch his earrings dangle from his ears. Hugis krus iyon na may silver na chain na nakakonekta sa puno ng tenga niya.


I wrapped my arms around his waist and settled my head against his back. I closed my eyes and embraced everything. The perfection of this moment. The feeling of having him all for myself. Everything was just simply amazing.


Nakarating kami sa paborito kong bato sa dalampasigan. Humawak ako sa gilid noon para makaakyat noong maramdaman ko ang kamay ni Rome sa aking beywang.


"Careful, you might slip." Aniya. Ngumuso lamang ako at tumango. Inalalayan niya ako hanggang sa makaupo na ako ng maayos sa paborito kong bato. I closed my eyes as the winds blow my long hair. I breathe the sea air and sighed in contentment.

Three Wishes-LEGACY 6 (AWESOMELY COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon