13
Hindi na nakakaiyak ito (yata). Labyou mga anak ko!
----------------------------
Sunod sunod ang mararahas na hininga ni Mama. Sa bawat bitaw niya ng hangin ay parang mas lalo lamang akong nadudurog. This is the payment for my failed love. Dahil sa nagmahal ako ay nasaktan ko ang mga magulang ko.
"Hindi ka man lang ba nag isip? Hindi ba sumagi sa isip mo na mahal ng kapatid mo si Rome? God Ianna!" she shouted. Lumapit sa akin si Tatay at inalalayan akong makatayo.
"Shana tama na." mahinahon ng sabi ni Tatay. Nanlisik ang mata ni Mama bago umiling.
"Kinakampihan mo na naman kasi Augustine kaya hindi nagtitino!"
"Shana Maria!"
"No! She should learn August! She should learn how to stop ruining everything!" anas ni Mama. Niyakap ako ni Tatay at inilagay ang kamay sa aking mga tenga.
"Come on, let's go." Aniya, pilit akong inilalayo pero pinigilan ko siya. I won't leave. Papakinggan ko na lahat ng kaya nilang ibato dahil pagkatapos nito ay isasara ko na ng tuluyan ang puso ko. Hindi na ako makikinig dahil pagod na akong saktan ang sarili ko sa mga salita niya.
"Hindi ka na naawa sa Ate mo! Hindi ka man lang ba nahiya? Nilandi mo ang boyfriend niya? Nasaan ang delikadesa doon Ianna? Wala!"
"Auntie, enough!" sabat ni Rome. Tumayo na rin ang kapatid ko at hinawakan si Mama sa balikat.
"Hindi kasalanan ni Ian lahat. Ginusto ko ring makipagrelasyon sa kanya—"
"Hindi! Dapat alam niya na kahit kailan mali ang mangagaw! Sarili mong kapatid iyon Ianna! Kahit kailan walang ginawa si Illea sayo!" dagdag niya pa. Humigpit ang hawak ni Tatay sa akin at kumapit sa kanya.
"S-sorry po.." mahina kong sabi. Marahas na pinunasan ni Mama ang mga luha niya.
"Hindi kita pinalaking mang aagaw Ianna." Sumbat ni Mama. Dumiretsyo ako ng tayo at tumango na lang.
"Siguro nga Ma. Pero alam mo, pinalaki mo akong inggitera." Mahinahon kong sabi. Nanlaki ang mata niya at tinitigan ako.
"Pinalaki mo akong laging naiinggit sa kanya Ma!" sabi ko sabay turo kay Illea. Just like Ma, her eyes widened too. Sumusuko kong ibinaba ang kamay ko at huminga ng malalim. This is it Ian, ibuhos mo na lahat. Isagad mo na. Para pagkatapos ay wala ka ng pagsisisihan dahil alam mong hanggang sa huli ay ipinaglaban mo ang pagmamahal mo.
"Sinusumbatan mo ba ako?" mahinang tanong ni Mama. Umiling lamang ako.
"No Ma. I am simply saying the things that I should have said before." Anas ko. Itinaas ko ang sleeves ng aking sweater at ipinakita sa kanya iyon.
BINABASA MO ANG
Three Wishes-LEGACY 6 (AWESOMELY COMPLETED)
General FictionFirst, let my tears fall Second, make me stand tall Third, mend this broken hole. As I close my eyes and whisper these wishes, may the good fairy grant what my heart desires. Heal what is broken in my heart and complete what has be...