10
Seryoso niyang nililinisan ang sugat ko sa aking pulso. Walang kahit na anong salita ang nanggaling sa kanya. Tutok lamang siya sa bulak at sa dugo na nasa braso ko pa rin hanggang ngayon. Panaka naka ay napapatingin siya sa ibang pilat sa aking balat pero wala naman siyang kahit na anong sinasabi.
I bit my lip as I watch him treating me with so much care. Para bang isa akong malaking babasaging kristal na iniingatan niya. He holds me and caresses me as if I am very fragile.
Oh Rome, how would I even forget you? Ngayon pang naranasan ko na kung paano ang alagaan ng isang katulad mo? How will I ever let you go?
"Yan.." basag niya sa katahimikan. Tiningnan ko siya at hinintay ang kanyang sasabihin. Ibinaba niya ang bulak at kinuha ang benda para takpan ang sugat ko.
"Are you really a self harmer?" mahinahon niyang tanong. I stared at him before nodding. Namutla lamang siya at huminga ng malalim.
"Alam ba ito ng mga magulang mo?"
"No. If my attempts wouldn't succeed then I try my best to hide it from them. Lalo na kay Mama." paliwanag ko. He secured the ends of the bandage before taking my hands. His thumb traced my old scars.
"Rome.."
Umiling lamang siya habang nanginginig. He took my hand and rested his cheek against it. Hindi siya nagsasalita, bagkus ay nakapikit lamang siya. When he opened his eyes, I was met by his green stares that are filled with fear. Bahagya akong napalayo sa kanya dahil sa gulat ko. Even the dark of his eyes are shaking.
"I was afraid.."
Inipit ko ang aking hininga at hinintay ang sasabihin niya.
"When I saw you holding that knife Yan, made me realize that my worst fear doesn't lie in the past. It is here. It is you. It's losing you." Madamdamin niyang sabi. Nag init ang gilid ng mata ko sa narinig at umiling na lamang.
"If I lose you, then everything that is left of my heart will be gone too." Pumiyok na niyang sabi. A tear dropped from my eye but I kept my mouth shut. He absentmindedly traces my scars before shaking his head. Paulit ulit lang niya iyong ginagawa.
Tiningnan ko ang mata niya at nakita ko muli iyong takot na naroon. I felt the heaviness on my chest while I look at him. Nakakabingi ang sigaw ng puso ko habang nakatingin ako sa kanya. Fuck, pero ang daya talaga. Kahit ilang beses na akong masaktan ay siya at siya pa rin talaga. Siya lang yata ang kilala ng puso ko.
Humigpit ang kamay kong nakahawak sa pisngi niya bago ko siya hinila palapit sa akin. My mouth met his and I was enveloped with the same intensity I always feel whenever our lips touch. Bumuka ang bibig ko habang si Rome naman ay sinuportahan ang aking likuran para hindi ako mapahiga ng tuluyan.
"Ian.."
I put my fingers on his lips.
BINABASA MO ANG
Three Wishes-LEGACY 6 (AWESOMELY COMPLETED)
Ficción GeneralFirst, let my tears fall Second, make me stand tall Third, mend this broken hole. As I close my eyes and whisper these wishes, may the good fairy grant what my heart desires. Heal what is broken in my heart and complete what has be...