Ianna

52.5K 1.5K 299
                                    


14


I fixed the beret hat and scarf Ate Serise made me wear. Ilang beses ko pang sinubukan ilubog ang sarili ko sa kumpol ng mga taong naghihintay sa paglabas ng Legacy para magperform.


Hindi ko nga alam kung bakit pa ako sapilitang isinama ni Ate gayong alam niyang mamaya ay kailangan ko na umalis. She said she needs to do something wonderful for me at this concert. Kinonsensiya niya pa ako dahil daw napakaswerte ko dahil inaalagaan ako ng isang magandang katulad niya. When she did that I was not able to refuse. Nakakahiya naman kasi sa ganda niya.


Kaya ngayon heto ako at nakasiksik sa mga tao habang nakasuot ng sobrang kapal na damit para lamang maiwasan na hindi ako makita ng iba pang Legacy. I just..I can't face any of them now. Pakiramdam ko ay huhusgahan nila ako sa nagawa ko kay Ilea at Rome.


Namatay ang mga ilaw at natira lamang iyong spotlight sa stage. Umusbong ang sigawan ng mga tao habang ako ay napako lamang ang tingin sa entablado.


Lumabas si Ate Serise dala ang isang pulang gitara. Hindi na ako nagulat. She really loves red.


"Hi! Goodevening!" bati niya. The people roared with those simple words. Ngumiti si Ate at iyong mga fanboys niya ay lalong nagwala. Natulak pa nga ako sa tindi ng gulo nila. Mabuti na lamang at may umagapay sa aking siko kaya hindi ako natumba.


"A few nights ago, a very special girl in my life cried. And it's not the usual pabebeng iyak ng mga babaeng akala mo kung makaasta napakaperpekto nila and everyone will fuss about them because she is sad. No, it's not like that. When that girl cried, I felt it. I felt her pain, I felt her sorrows, everything that was hurting her. And then I realized that yeah, we are sharing the same pain. So I have to do something for her. And for everyone who feels as if they are nothing but a fucking second choice." Aniya bago pumiyok ang boses. Ate Serise breathe hard, the air she released was shaking from so much emotions.


"I've known that girl for almost my whole 22 years here. I admire her so much because she's so strong, so smart, so brave, so good. Yes, she's not perfect but she never claimed to be one. But then the pressure of perfection became so heavy for her that she crumbled, slowly and painfully. I saw how.. I saw.." tumigil si Ate Serise at tumalikod ng bahagya. Ako naman ay napayuko na lamang.


Everyone became so quiet now. They are all listening to Ate's story. To my story. They are all crying too. They are all sharing my pain. And for the first time, in a very long time, I don't feel so alone.


"I saw how that girl lost herself. Kasi nagmahal siya. Kasi sobra siyang nagmahal hanggang sa wala ng natira sa kanya. People around us thought that she's very strong. That she doesn't need anyone kasi kaya niya. Kasi malakas siya. Kasi matapang siya. Kahit ako, inisip ko yun and I am guilty now because I should have been there for her but I am not."


Pinunasan ko ang luha ko sa narinig mula kay Ate. My tears are unstoppable. Hindi ko nga alam kung bakit parang wala na yatang katapusan itong pag iyak ko. Darating kaya yung panahon na kaya ko ng alalahanin lahat nito na hindi umiiyak?


"To everyone here, alam kong lahat kayo nagmahal na and at some point, alam kong nasaktan na rin kayo." Bahagya siyang tumigil bago ngumiti. She looked at my direction before continuing.

Three Wishes-LEGACY 6 (AWESOMELY COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon