Ang Interview

40.5K 1.2K 221
                                    

5


"Come on Ora, please." Pagkumbinse ko sa aking kaibigan. Ora just stared at me before pursing her lips.


"Aww no. Ayaw ko. Why would I go to their concert huh? Matao, mausok, tapos maingay pa. And to top it off, I am not even a fan of Legacy." She said. I sat infront of her and took her nail polish.


"Ililibre kita. Kahit na anong gusto mo."


Tinitigan niya ako. "Kahit na ano?"


"Yes. Kahit na ano. Samahan mo lang ako. Ora, it's their first anniversary as a band. I want to be there to support them—"


"To support him actually. Only him lang kaya. Wag kang painosente Ian. Kaya ka lang pupunta ay dahil kay Rome." Putol niya sa sasabihin ko. I closed my mouth and just stared at her. Wala naman akong nagawa dahil iyon naman talaga ang totoo. I am only going to watch the concert because I want to support Rome. Ang pagbabanda ang pangarap niya at gusto kong naroon ako para sa kanya sa bawat hakbang niya para matupad ang pangarap niya. Manonood ako kahit na patago lang.


She stared at me for a moment before sighing. "Okay fine. Sasamahan na kita. Pero kapag ako nabore, iiwan talaga kita Ianna. Nakakainis na yang pagpapakagaga mo sa Falcon na iyan ha!" iritado niyang sabi. I squealed in delight and hugged her tight. Naiiritang tinulak ako ni Ora kaya napangisi na lang ako. Ang arte ng babaeng ito. Minsan na nga lang ako maging sweet eh.


We went out of her house at sinalubong ko si Klaude na naghihintay sa amin. Ihahatid niya kasi kami sa Lighthouse at sasama na ring manuod. I opened the door to get in only to look back at Ora who is still outside.


"What are you doing here you ipis?" she asked Klaude. Nilingon ako ni Klaude na nasa loob kaya sumungaw ako sa bintana.


"Ihahatid niya tayo O."


"Why? Don't tell me this jellyfish loves music." Iritado niyang sabi at pumunta na sa kotse. Hindi niya pinansin si Klaude at agad lang na pumasok.


"Ora, be nice." bulong ko sa kaibigan ko. She made a face before wearing her earphones. Wala na akong nagawa sa iritasyon niya kaya si Klaude na lang ang kinausap ko habang nagbabyahe.


Nagsisimula na ang concert noong makarating kami. Mabuti na lamang at naging madali ang pagpasok para sa amin (siyempre dahil anak ako ng isa sa mga AEGGIES at kapatid ko ang pianista ng Legacy). Nakaupo kami sa may bandang harap, sakto lamang para mapanuod ko ng maayos ang performance nila.


"Goodevening." Malamig ang boses ni Ate Serise noong binati niya ang mga tao. She was sitting on a stool habang may nakatapat na micstand sa kanya. Matamis ang ngiti niya habang kinukuha ang mic.


"Well, since it is our first year as a band, I've decided to perform a very special song for all of you. But before that, let me call on stage my very good friend, Rome Falcon, to play his guitar for me." Anunsyo niya. Kasabay naman noon ay ang paglabas ni Rome dala dala iyong itim niyang acoustic guitar. He was wearing a white long sleeve polo shirt rolled until his elbows. Bukas ang unang dalawa butones ng polo niya at suot suot niya ang paborito niyang dogtag. Kumikinang ang krus niyang hikaw habang lumalapit sa aking pinsan.

Three Wishes-LEGACY 6 (AWESOMELY COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon