Hinahanap pa rin kita aking ina

23 0 0
                                    

Kahit na alam ko kung nasaan ka na INDA hinahanap pa rin kita. Bakit ganito?

Hinahanap ko yung ngiti mong madalang lumabas. Nagmana ako sayo na hindi pala ngiti eh. Hinahanap ko yung sermon mo sa akin. Yung pagkontra mo sa way ng pananamit ko.

Hinahanap ko yung mga pag uutos mo na hindi ko naman sinusunod.

Hinahanap ko yung mga pangaaral mo na ipapasok ko lang sa tenga at ilalabas sa pwet.

Hinahanap ko yung pagtulog mo dahil pareho tayo ng style sa pagtulog. Nakabaluktot mga kamay natin.

Hinahanap ko yung kulot kulot mong buhok na kung may pera ako ipapa rebond ko.

Hinahanap ko yung pag aasikaso mo sa akin kapag umuuwi ako ng pampanga. Pag dating ko andoon ka na agad sa kanto minsan para salubungin ako.

Hinahanap ko yung kamay mong matambok at magaspang.

Hinahanap ko yung mga maasim na prutas na ihahanda mo para sa akin pag alam mong uuwi ako.

Hinahanap ko yung boses mo kapag nagsasalita ka.

Hinahanap ko yung yung pagdampi ng mga balat mo sa katawan ko.

Hinahanap ko yung pagkakape nating dalawa sa madaling araw. Tapos magkukwentuhan lang tayo hanggang sumikat na ang araw.

Hinahanap ko yung pagyaya mo sa bukid para mag picnic.

Hinahanap ko yung mga complain mo sa buhay.

Hinahanap ko yung pag aalaga mo sa akin nung nasa hospital ako.

Hinahanap ko yung pinakamagandang tao sumunod sa akin. Hinahanap ko yung pinakamamahal at nagiisa kong Ma.Victoria.

Walang sino man ang papalit sayo sa puso ko. Mahal na mahal kita inda. Kaming lahat. Sana napapanood mo ako ngayon habang ginagawa ko ito. Sa bagay alam mo naman na mahilig ako sa internet diba? Tawag mo nga sa akin "babaeng magadgets" heheh... Salamat sa pagmamahal mo... Bantayan mo sana kami palagi.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 23, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Hinahanap pa rin kita aking inaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon