Chapter 26c: Ask

2.4K 66 0
                                    

Chapter 26c: Ask

 

Coline's POV

Ilang sandali pa ay umuwi na din ako sa bahay nina Mae. Inihatid kami ng family car nina Zach

"hoy babaita! Ako na ang magluluto jan! Magpahinga ka na dun"

"hay naku Mae mas gusto ko pang atakihin kesa masunog tong buong bahay"

Nagpout na lang bigla si Mae.

"marunong naman akong magluto ah?"

"marunong ka nga, sunog naman palagi. Ayokong madagdagan ng colon cancer"

"tsk! Oo na. Ikaw na master chef!"

"ikaw nalang Mae ang magpahinga alam kong napagod ka sa pagbabantay sakin."

"ah sige na nga"

Umupo si Mae dun sa may table. Iisa lang ang kitchen at dining dito sakanila.

*tok tok*

Katok uso dito hindi doorbell.

"oh ako na ang magbubukas ng pinto"

Mabilis na pumunta si Mae sa may pinto.

Sina Tito at Tita pala..

"oh Coline kamusta ka na?" tanong ni Tito

"okay na po. Haba ng tulog"

"hija bakit ikaw ang nag-iintindi jan? Annie bakit pinayagan mo syang magpagod?"

"ah Inay ang pilit eh" nakayukong sabi ni Mae

Baka mapagalitan pa yan ni Tita kaya sumagot na ko.

"ako po ang nagpumilit kahit ayaw ni Mae."

"nga pala Coline pag-uusapan natin ang kondisyon mo.." sabi ni Tito

Umupo kami dun sa may upuan sa may table.

Magkatabi kami ni Mae habang kaharap namin sina Tito at Tita

"Coline sinabi sa amin ni Dr. Isaac na lalong lumulubha ang sakit mo. Kailangan nating mag-ingat Coline.." panimula ni Tito

"..at hindi nakakatulong ang pagpasok mo sa XYZ.. Mas nakakapagdagdag pa ito sa stress at depression mo.. We decided na patigilin ka muna"

You Gave Me HopeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon