Chapter 2: Her Bestfriend

6.3K 147 9
                                    

Chapter 2: Her Bestfriend

Elizabeth's POV

Maaga akong umuwi ngayon. 4:30 palang nandito na ako sa bahay. Hindi kasi natuloy ang lakad ng barkada dahil may emergency daw na nangyari kay Ron.

Tsk! Gabi na ah! Asan na kaya si Lyn?!

Nag-aalala na ko >.<

Tinignan ko ang wall clock, quarter to 5. Geez. Padating na sina Dad, patay ako kapag inabutan na wala si Lyn at pinabayaan ko na umalis mag-isa.

I dialled her number, out of covarage. Patay ang cellphone nya.

Pasaway ka Lyn!

Ilang minuto pa akong naghintay sa sala.

*ding dong*

Biglang may nagdoorbell. Si Lyn na yan! Nagmamadali kong binuksan ang pinto. 

Mabuti naman at nakauwi na sya!

---

Coline's POV

Mga 6 na nung makauwi ako buti wala pa sina Dad kundi pareho kaming lagot ni Beth.

Syempre sinalubong ako ng aking nanay.

"Hoy babae saan ka galing?! Bakit ginabi ka na?! Anong nangyari sayo?! Bakit di ka manlang nagtext o tumawag?! Nag-aalala ako sayo!! Akala ko inatake ka na naman!! Aba! Nauna pa ako sa'yong umuwi?! Buti wala pa dito sina Mommy kundi lagot ako!" Sunod-sunod nyang tanong daig pa ang nanay ko kung umasta haha

But I love her in that way. She really cares for me.

What did you expect from the great 'Elizabeth Madrigal', my beloved half-sister. Maputi, maganda, matangkad, sexy at napakabait kaya lagi yang kasali sa mga beauty pageant. Beauty queen sya at campus crush pero para sakin sya ang best sister in the world!

One year older lang sya sakin, pero ayaw nya na tinatawag ko syang ate kasi para sakanya magkasing-edad lang kami. =___= pero kung umasta yan about sa life ko daig pa ang 50 years old na nanay ko! Tulad ngayon..

2rd year Nursing student para sya daw ang mag-aalaga sakin. Sweet diba?

"Beth don't be so paranoid!! Okay naman ako diba?! Its just something different happened today" sabay lakad papunta sa kwarto. Nagbihis lang ako at nahiga na sa kama.

Kapagod!! Maya-maya kumatok si Beth at pumasok. Ayun tanong pa din ng tanong. Di talaga 'to titigil hangga't di ko nasasagot yung mga tanong nya. Daig ko pa ang nasa interrogation. =___=

Ayun kinuwento ko sa kanya lahat ng nangyari ngayong araw na to especially ang katarayan ni Mr. Sungit.

You Gave Me HopeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon