Chapter 48d: Red Ranger

2.3K 53 11
                                    

Chapter 48d: Red Ranger

 

(si Bien sa gilid.. haha ako ang naiinlab ehh hahaha :D kayo din ba??)

Annie Mae’s POV

11 pa ang sunod ko na klase.. Tae ang haba ng vacant..

Lintek na Dabyana yun, sya lang talaga ang prof. ko na matigas ang mukha at hindi ako tinatanggap pag late ako.. Eh lagi akong late.. ayun.. bilang ng mga daliri sa kamay ang ipinasok ko sa pesteng English na yun  Finals pa naman kaya kelangan ko ng magtino.. Swerte na kung makakatres ako.. dahil malamang kumikinang na singko ang grade ko dun..

Hindi naman ako ang tipo ng tao na takot bumagsak. Ang ikinakatakot ko ay ang mala-arma----(shot gun nalang) na bunganga ng nanay ko, dahil sa bawat isang subject na bagsak ko 10% ang bawas sa scholarship ko para sa susunod na semester.. may bonus pa kong mura, luhod sa asin, kurot at batok..

Ang masaya pa pag bumagsak ka, ire-retake mo pa ulit ang subject na binagsakan mo at kung suswertehin ka, yun ulit ang prof. mo.. Buhay nga naman parang life..

Kinuha ko ang yellow paper sa bag ko at pinunit yun.. Effort pa ko magpaturo kay Colin eng lintek na sa assignment sa English na yun.. Ang totoo finals lang talaga ako nagtitino.. Ayokong mabawasan ang scholarship ko, ayokong mabungangaan at ayokong umulit lalo na kung si Dabyana lang din ang prof.

Tinext ko si Coline. Chinicheer ko hehe adik yun eh malamang hindi makakapagconcentrate yun dahil dun sa dalawa kanina..

Pumunta ako sa locker room. Pagkabukas ko palang ng locker ko kung ano-ano na naman ang nakalagay dun.. Tengene mukhang basurahan na naman ang locker ko..

Isa-isa kong nilagay sa bag ko ang kung ano-anong nandun.. Karamihan love letters.. Oo ginagawa nilang mailbox ang locker ko.. Pag may time binabasa ko din ang mga toh..

“ilang beses ko bang sasabihin sakanilang hindi ako nagpapaligaw??” kinakausap ko ang sarili ko, wag kayo!

Kinuha ko pa yung ibang sulat at nilagay sa bag ko. May mga roses at flowers din..

“kung chichirya ang ibibigay nila mas natuwa pa ko.. kesa sa mga bulaklak nalalanta lang.. haay!”

Nilagay ko nalang sa bag ko ang mga flowers..

Nagtingin-tingin ako ng mga sulat..

Tulad nitong cute na maliit na red card.. Binuksan ko yun at naamoy ang mabango papel..

Roses are Red, Violets are Blue, My love for you is as bright as white..

=.=

Ang nagpadala nyan ay yung champion sa High Jump dito sa University

You Gave Me HopeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon