Epilogue

19.2K 528 30
                                    

"Good morning,my,I love you,I'll see you later"

Pamilyar na halik ang palaging gumigising sa kanya sa tuwing umaga,nitong mga nakaraang araw,tulad nalang ngayon. Subalit palagi nalang siya mag isa sa kama nila kapag minumulat na niya ang kanyang mga mata. Wala na si RuZzo sa tabi niya at nasisigurado niyang nakapasok na ito sa trabaho.

Mag iisang lingo na itong ganon palagi,gigising akong wala na ito sa tabi ko. Sa gabi naman ay halos nakakatulugan ko na ang paghihintay dito. Nararamdaman nalang niya na katabi niya ito kapag nasa kalagitnaan na siya ng pagtulog. Yayakapin siya nito ng sobrang higpit,hahalikan sa pisngi at muli ay payapa na siyang nakakatulog.

Sa totoo lang namimiss na niya ito,iyong kumakain sila ng breakfast ng magkasabay. Pati na rin dinner kapag maagap itong umuuwi galing sa trabaho.

She also misses their alone time time together until dawn.

"Mummy,I'm still sleepy" hindi niya namalayan na pumasok na pala ang anak niya sa kwarto.

Gumaan ang kanyang pakiramdam ng makita ito na kinukusot pa ang mga mata. Habang naglalakad patungo sa kama kung saan nakaupo siya sa gitna.

Tumungin siya sa alarm na baka display sa night stand,it's just six fifteen in the morning.

"Why are you up this early,honey? You should still be in bed?" umakyat si Victor sa kama kahit na nahihirapan ay hindi niya ito tinulungan.

Apat na taon na ito at independent na,katulad ng gustong mangyari ng daddy nito. Kapag tinulungan niya ito ay siguradong magagalit lamang sa kanya ang anak. Kagigising palang nito at isa pa ay hindi maganda ang pakiramdam nito ng nagdaang gabi.

"Daddy,woke me up,he said I should sleep next to you" pagkasabi noon ay deretso higa ito sa kama.

Two years old palang ito ay sinanay na ni Ruzzo na matulog ito ng mag isa sa katabi nilang kwarto.

Nahiga siyang muli,tumabi siya sa anak niya,niyakap niya ito na muling napapikit na. She indulged herself being with her son,it's not every day she could sleep next to him.

They woke up some time around eight already,she panic,Victor have school. But she calm down a little later when her son told her he's not going to school today.

"Are you not well,honey?" She asked,Victor shook his head.

"I'm very well,mum,I told daddy already,he said its fine if I don't go to school today"

Pababa kami ng hagdanan upang makapag almusal na ang baby ko. Pinaliguan ko pa ito,binihasan at habang naghihintay sa akin ay pinaglalaruan nito ang stethoscope na binili ng ama nito.

Ruzzo wants Victor to be a doctor,too,ang sa akin naman kung ano ang gusto ng anak namin ay okay lang sa akin.

"Mum,I want scrambled egg on toast" napangiti ako sa hiling nito.

"Yes,baby" ngumuso ito na naging sanhi ng pag iling ko.

"Mum!"

Para itong naeeskandalo,ano ba ang nakakahiya sa tinawag ko sa kanya? Apat na taon palang ito pero kung makaasta akala mo binata na. Lalo kapag kasama ito ng mag pinsan nitong lalaki na teenager na,napakayabang na din.

Ipinaghanda niya ng scrambled egg ang anak,iyon pa lang kasi ang alam niyang lutuin. Toast bread lamang ang kanyang kinakain,nakikipagkwentohan din siya sa anak.

Dalawa lamang sila sa kusina,lumabas si manang Lydia kasama ang asawa nito upang mamalengke. Si manang Gina naman ay matagal ng bumalik sa bahay ni Ruzzo sa Batangas. Nang tanggapin ako ng pamilya ni Ruzzo ay naging magaan ang lahat sa amin. Isa pa ay hindi na pupwede na mahirapanpa si Manang dahil nagkakaedad na rin ito.

Ruzzo Sanders Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon