Chapter fifteen

12.8K 431 28
                                    

Nakangiti siya habang pinagmamasdan ang batang nasa stroller. Tinutulak iyon ng isang babaeng nasa middle age na habang nakangiti. Maganda ito at hindi niya iyon maipagkakaila. May kasama itong tatlong mas bata pa ditong mga babae.

Nagtatawanan ang mga ito habang naglalakad papasok sa isang mamahaling restaurant. Ilang minuto ang kanyang hinintay bago pumasok din sa pinasukan ng mga ito.

"Good morning ma'am,table for one?" Tanong sa kanya ng waiter.

"Two,please" nginitian niya ito bago siya igiya sa loob.

She got a table not far but not also not near to those who she was watching awhile ago. She gave him her orders.before she settled in her sit.

While waiting for someone to arrive,pinagsawa niya ang paningin sa panonood sa batang lalaki na ngayon ay hawak na ng isang babae. Nilalaro nito ang bata na tuwang tuwa sa atensyon na nakukuha mula sa mga ito.

It should be me,bulong niya sa kanyang isip .

Nagtanguan ang mga ito at umalis ang dalawang tailing babae kasama ang middle age na babae. Naiwan ang mukhang mas batang babae sa table at nilalaro pa rin ang bata.

Hindi siya nakatiis,nilapitan niya ang mga ito,may pagkasabik sa puso niya na mahawakan itong muli.

"Hi,miss,this baby is so adorable,I can't help but adore him" sabi ko ng may pagkagiliw pero pinipigilan ang sarili na sugurin ng yakap ang batang ngayon ay nakatingin na sa kanya. 

Pinagtaasan siya ng kilay ng babae pero ang atensyon niya ay nasa batang hawak nito. Mukhang hindi kumbinsido ang babae kaya niyakap nito ang bata at inilayo sa kanyang paningin.

"We don't talk to strangers" sabi nito.

Imbes na magalit dahil pinagdadamot nito ang batang hindi naman nito anak ay natuwa pa siya. Natutuwa siya dahil sa nakikitang pag aalaga at pagmamahal nito para sa bata.

"I understand,I'm Jan,by the way,and that baby is really cute"

Gumalaw ang baby,ang dalawang kamay nito ay pilit na iniabot sa kanya.

"No baby,she's a stranger,," nagsimula ng umiyak ang bata,gusto na niya itong kunin mula dito upang aluin,pero pinigilan niya ang sarili ",,daddy said not to talk to strangers,Right?"

Pero bata ito at walang muwang sa sinasabi nito,kaya umiyak lamang ang bata habang pilit na iniaabot ang mga munting kamay sa kanya.

"Dont worry miss,I'm not a bad guy,I can carry him for a little while,while waiting for my date" nakangiti kong sabi dito habang pinagmamasdan ang bata na nagpipilit na magpakuha sa kanya.

Lumalakas na din ang iyak nito at mukhang hindi na alam ng babae kung ano ang gagawin. Sinamantala ko ang pagkalito nito upang makuha ang bata dito. 

"It's okay,young man,no more cry,," at parang naiintindihan siya nito ng tumigil ito sa pag iyak,isinandal niya ang ulo nito sa kanyang balikat ",,that's my boy" hinaplos haplos niya ang likod nito.

Ilang sandali pa ay naramdaman niya ang pagbigat ng hininga nito sa kanyang balikat.

"I think he's now asleep" bulong niya sa babae na nakakaintindi na inayos ang stroller ng bata upang mailagay niya doon.

"Thank you" sabi ng babae sa kanya ng maayos na niya ang straps ng stroller nito sa katawan ng bata.

"That's nothing,when I saw him,I fell in love with him,he's just so gwapo" ngumiti siya ng totoo at nakita din niya ang pagngiti nito ng bahagya.

"I'm Shy Sanders,nice to meet you Jan and thank you,really,you save me there" nakipag kamay siya dito,magaan ang pakiramdam niya sa babaeng kaharap.

Ruzzo Sanders Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon