Chapter One

60K 1.1K 152
                                    

******

"Ate gising ka na ba? Kanina pa kasi nandito si  Kuya Zeus, nakailang tasa na ng kape kakahintay sayo na bumaba ka."

Sigaw 'yon ni levy na sinasabayan pa ng pagkatok sa pinto ng kwarto ko.

Kahit antok na antok pa 'ko, pinilit ko paring bumangon, sinampal sampal ko ng bahagya ang pisnge ko para tuluyan na akong magising.

Bukod kasi sa antok masakit din
ang buong katawan ko dahil sa
maghapong paglilinis.

Wala naman akong choice kundi bumangon na rin, kaya naligo na
lang ako, Baka mainip pa si Zeus kakahintay sakin.

After 20 minutes ng paliligo at pag aayos ng sarili, agad na rin akong bumaba.

"Good morning hon." Bati agad sa akin ng bf kong si Zeus.

Naabutan 'ko syang nagkakape at
nagbabasa ng dyaryo katabi si Levy.

Medyo OA lang tong si levy sa pagsasabi kanina na nakailang tasa na daw ng kape ang kuya nya.

After nya akong batiin, tumayo na rin sya at sinalubong ako ng yakap at halik sa pisnge.

Ginantihan ko din sya ng halik sa
labi nya with matching yakap din.

"Get a room ate." Mukhang diring-diring sabi ni Levy, pero tinawanan lang namin sya.

"Miss me?" Mapanuksong bulong naman ni Zeus sa tenga ko.

"Hmmm ofcourse hon, bakit ikaw hindi mo ba 'ko miss?" Kunwaring naka pout na sagot ko naman sa kanya.

Iling lang sya ng iling na para bang inaasar ako, pinaghahampas ko sya sa balikat nya na kunwari eh naiinis ako sa kanya.

"Miss na miss kita hon... sobra." Malambing na sabi nya, kaya napa ngiti na rin ako kahit na medyo nag tampo ako ng slight sa kanya.

Kagabi lang kami nag hiwalay pero pakiramdam ko'y napakatagal na naming hindi nag kita.

Ganon naman talaga diba?

Kapag mahal mo ang isang tao
kulang na lang ay hilahin mo
ang mga oras para makita at makasama mo syang muli.

"Hon ready ka ng ma meet si Alex?"
Ngiti lang ang naisagot ko, pero
deep inside kabadong-kabado na ko.

Pansamantala ko munang sinulyapan ang sarili ko sa salamin, kung ok ba
ang suot ko at makeup ko.

Syempre gusto kong ma-impress ang kapatid ng mapapangasawa ko, kahit na ba sabihin nating hindi pa kami nagkikita.

Diba nga may kasabihan tayo na
first impression lasts...

Paano na lang kung sa unang pag
kikita palang namin hindi na nya
ako magustuhan?

Seducing Miss Tin (GxG Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon