the truth, itself.

2 0 0
                                    

the girl knocked at the door and someone inside it respond..

"pasok" the voice was calm pero halatang nanggagaling sa isang lalake. isang malaki at bruskong lalake ang nagpakita pagkabukas ng pinto..

"come with him maam. he will assist you hanggang sa makarating kayo sa paroroonan niyo" the girl said with a hreat white smile.. but i cant control my temper anymore..

"you know what? this is bullshit! now you're gonna give me to a stranger? what the f*ck is happening.. wherw is my auntie??" hawak ko sya sa braso at halata sa itsura niya na nasasaktan siya dahil bumabaon sa balat niya ang mga kuko ko kahit naka coay siya.. "answer me!!" sambit ko na galit at medyo pabulong..

"ahh- maam im sorry but im just a receptionist and-- ahh- i dont know where they are gonna take you.. i havent been thwre inside that door.. so please ma-am.. let go of me.." she said, the man stopped me by tucking my arms and that cause of me to let go the girl..

"lets go." he opened the door and another long dark hallway has shown.. but this time. wala ng kahit anong ilaw kundi ang sulo na kasalukuyang sinisindihan ng lalake..

nagpatuloy kami sa paglakad.. im glad that ive got my converse with me.. a long walk with slippers do hurt.. 5 minutes of walking. we reached a wall.. what the!! a wall!! kinabahan ako.. dahil baka kung anong gawin sakin ng lalaking ito sa madilim at walang taong pasilyo.. wala akong kalaban laban dahil sa laki ng katawan niya.. d maipagkakailang malakas at maari niya kong mapatay sa iisang suntok sa panga.. i panicked..

"is it a kind of joke or what?? its just a wall!! a fuckin stupid wall!!" hindi ko na napigilan ang galit ko.. na nahaluan na ng takot pero pilit kong hindi ipinahahalata..

naglabas siya ng isang susi at inilusot sa batong pader ng pasilyo.. sa pag ikot ng susi ay kasabay ng pagpatay niya sa kaisa isang source ng liwanag.. ang sulo.. agad kong hinagilap ang phone ko para sa flashlight pero maya maya pa bago ko pa man mabuksan ang phone ko ay unti unting nagliwanag pagkabukas ng batong pinto.. hindi galing sa ilaw o kahit ano pang kasangkapang gumagamit ng kuryente ang liwanag.. mamamangha ka sa pagtingala sa mga kumikislap at nagliliwanag na mga bato.. tulad ng dyamante, ruby, emerald gems at iba pang uri ng bato.. nakakamangha ang pagliwanag ng mag ito na parang mga bituin.. bagamat medyo madilim parin ang paligid.. sapat naman ang liwanag nito para ilawan ang daan..

"logan, logan loftbrook.." sabi ng lalaki.. isa syang maitim na kalbo na may malaking pangangatawan.."

"lucid dalhalmer" sagot ko sa pagpapakilala niya..

"every angels and demons know your name.. you're a half blood slayer.." he said without any expreasion on his face. blunt.

"but? how?" tanong ko.

"let the master explain everything." he said. questions was spread all over my face.. but the only questio that im focusing about was.. *who am i??* anong koneksyo ang meron ako sa mga anghel at demonyo??

filled with awe and confused at the same time.. hindi ko namalayan ang haba ng nilakad namin at narating na namin ang lugar na may napakahabang mesa na hindi mo matatanaw ang dulo dahil sa dilim.. ilang kandila lang sa mahabang lamesa na may kulay itim at pulang sedang nakasapin.. nakahanay ang mga gintong kandelarya ngunit iilan lang ang may sindi..

"maligayang pagdating sa aming silid tanggapan ng mga mahahalagang nilalang, mapa nanggaling man sa langit o impyerno.. o maging halo man ang klasipikasyon.." boses ng isang matandang lalake.. siya ang nasa likod ng mga tawag sa telepono..

"nasan ang tiyahin ko??" tanong ko agad sa kanya..

"masyado kang nagmamadali ija.. remy ipaghanda siya ng makakain at pati narin ng panghimagas at inumin.. ayokong nagugutom ang aking apo.." utos nito sa isang serbedora.. lumapit siya sakin upang ipaghila ako ng upuan pero paatras sana ako ng maramdaman kong nasa likod ko si logan at hinawakan ako sa balikat at marahan akong iniupo sa upuang hinila ng matanda para sakin..

"teka? apo? paano kita naging lolo o kamag anak?? at gusto kong ipakita mo sakin ang tiyahin ko dahil iyon ang ipinunta ko dito.. hindi para kumain at umupo.." sagot ko.

sa isang click ng dalawang daliri ay sunod sunod na kamangha manghang nagsindi ang mga kandilang nasa kandelarya na nakapatong sa mesa.. sa dulo ng mesa..

"auntie.." tatayo sana ako't tatakbo pero pinigilan ako ni logan na tumayo sa pamamagitan ng paghawak sa aking mga balikat.. napakagat labi nalang ako ng makita kong nakatape ang bibig niya at nakagapos sa upuan.. pero ilang saglit pa'y nakaisip ako ng paraan..

"lolo," tawag ko sa matanda na pumukaw sa atensyon niya at napangiti ito sakin..

"bakit apo?? may kailangan ka b--" pinutol ko na ang sinasabi niya at sinabi ang pakay ko.

"hindi ho ba kayo babawi sa pagkukulang niyo ng labinwalong taon??" tanong ko..

"kung ganon.. maari niyo bang kalagan ang tiyahin ko para sakin??" tanong ko ng may matamis na ngiti at nagniningning na mata..

"kalagan niyo ang tiyahin niya at bigyan ng pagkain at inumin.." hindi na nagsalita pa ang matanda at iniutos ang sinabi ko at may pasobra pang pagpapakain at inumin..

"ah! isa kang sinungaling!! paanong magiging kamag anak ng isang demonyo ang isang anghel na tulad niya!!" sigaw ni aunt miranda sa matanda..

"sa sinambit mong yan.. halata ang pagkawalang alam mo sa nakaraan ng tatlong anghel na nagkanulo.. kung gayon hayaan mo akong personal na magpakilala sa apo ko at ilalahad ko sa inyo ang buong istorya ng mga pangyayare." sabi ng matanda.. saglit siyang huminga at nagpatuloy.. "ako nga pala apo.. ay si Edmund Blaze. ang ama ng iyong amang si Josiah blaze," pagsisimula nito pero tumutol agad si aunt mira sa sinabi niya..

"paanong naging ama ka niya? isa siyang mabuting anghel at isa kang walang pusong demonyo?!" sigaw ni aunt mira sa lalaki ng may kalahok na pagtayo..

"mabuting anghel?? si Josiah?? HAHAHAH!!" mahaba at walang tigil ang paghalakhak ng matanda ng halos 3 minuto.. "hindi porket inilagtas ka ay mabuti.. isa siyang fallen angel na tinanggalan ng pakpak at nag aklas sa Diyos.. nga pala.. siya din ang pumatay dito.. tama ba ako miranda??" wala akong maintindihan.. hindi sumagot si aunt mira kay edmund.. kaya't ngumiti ito at nagpatuloy.. "ako ay isa ring anghel dati. maging si lucifer ay anghel din hindi ba miranda?? ipinatapon ako sa impyerno dulot ng masiwalat ang plano ni josiah, gabriel, at john ukol sa pag aaklas sa Diyos ama sa itaas.." ano bang sinasabi ng matanda?? wala akong maintindihan at kung meron ma'y nagdadagdag lamang ng marami pang tanong sa isip ko.. napatigil ang matanda at nagkaroon ng saglit na katahimikan..

"bilang ama ni josiah.. pinaghinalaan akong may kinalaman sa pag aaklas.. na nagtagumpay din naman sa huli at nagpakawala kay lucifer sa kulungan niya sa impyerno.. isang napakagaling na pagpaplano.. madami ang namatay at dumanak ang kauna unahang dugo sa langit na nagpasimula ng digmaan sa langit.. at sa nabalitaan ko.. wala ni isang anghel ang nakatagal sa lugar na puno ng dugo ng mag amang diyos.. kung kaya't ang lahat ng anghel ay ipinatapon sa isinumpang lugar na ito.. ang Earth" mahabang salaysay ng matanda.. "alam ng tiya miranda mo ang lahat.. bilang isa sa tatlong babaeng umakit at nag udyok sa mga anghel na sundin ang tibok ng kanilang mga puso at damdamin.. isa si josiah, sa tatlong anghel na biktima ng pag ibig.. hindi namin alam kung panong nakaramdam ng gayong pag ibig ang mga anghel samantalang ipinagbawal na makadama ang lahat sa amin.. nagdulot ng digmaan sa pagitan ng diyos at mga anghel na ginawang pagkakataon ng mga demonyo upang sugpuin ang Diyos.. gamit ang mga naipong kagamitan na kinolekta ng mga anghel.."

"seryoso ba toh??" tanong ko na walang maintindihan sa sinasabi ng matanda. "patay na ang diyos? haha!!" napatawa ako dahil. sino nalang ang sinasamba ng mga tao sa mga simbahan?? "kelan pa? san mismo nangyare at bakit o paano??" this discussion is filling my mind with questions of bullshits..

"you are a half angel.. half human.. the daughter of my son josiah and lucinda dalhalmer.. at ikaw lucid. ang huling pag asa ng mga anghel na makabalik sa langit.." dugtong ng matanda.. para kong isusuka lahat ng nainom at nakain ko.. hindi ko madigest ang mga sinasabi ng matanda at napatingin nalang ako kay auntie.. and that gave me the shivers, just a line of words but. it gave me the approval.

"all of that was true.."

the sin.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon