The mix club.

5 2 0
                                    

He was looking at me, pinapanood akong hagilapin ang hininga ko. Smirking. Hinagilap ko din ang hininga ko at ang lahat ng lakas para makapagtanong, "Who are you? What do you want?"

"Nice to meet you, the mighty saviour of the heavens! I am dean, and I will be asking for your permission to let me in to your search party." He said at saka nag-bow sa harap ko. He said it all sarcastically. "What the f? You kidnapped me for that?--" saglit kong pinutol ang sinasabi ko at huminga. Nanghina talaga ako sa ginawa niya. "At bakit kailangan pa ng portal or teleportation o kung ano mang kapangyarihan yon!!?? How can i trust you now? Nung una na-hypnotized mo ko sa convenience store tapos ngayon kinidnap mo ko tapos gusto mo sumama sa partido ko? T*nga ka ba?" Unti unti na kong nakabawi ng lakas kaya bahagya na ding nakakasigaw. "Yeah yeah!! I know im sorry, they just cant let me hild or see or talk to you, they left me no choice." Paliwanag niya. "At bakit hindi ka nila pinapalapit sakin?" Tanong ko. "The prophecy." Sagot niya. "Propesiya??!! Ano nanamang kalokohan yan?" Tanong ko ulit. Wala pang nasasagot na tanong pero nadadagdagan pa lalo ng santambak pang tanong. "We dont have time to talk, wala nang oras. Darating na sila ngayon dito. Dinukot lang kita para sabihin sayo na hindi ako ang nasa propesiya! Na tutulong ako!" Hindi na ako nakapagsalita pagkatapos pa niyang sabihin yun. Dahil tinuklak niya na ako sa isa nanamang portal. At medyo ayos na ang pakiramdam ko. Sa una lang pala masama sa pakiramdam yun. "Nasaan ako?" Hinagilap ko ang bag ko at ang katawan ko kung may kulang ba, na baka may naiwan sa ibang dimensyon. "Oh My gahd!! Thank you buo ako!! Nasakin padin ang bag na puno ng pera at nasa sasakyan na ko ni Logan. Hinagilap kong mabilis ang phone ko. Atsaka tinawagan si Logan. "Hello Logan!! Nasa kotse no na ko, come here. You have something to explain!" And i hang up. I need to know kung sino nga ba si Dean at ano ang kinalaman niya sa propesiya. At ano mismo ang propesiya. I think i need some kind of  'listahan' para maproseso at mapagdugtong dugtong ang mga bagay bagay.  I need to know my objectives.

Logan came after a couple of minutes, worriedsick. Hingal na hingal at  mukang takot na takot. "Are you ok?" Tanong niya. Hindi ko na sinagot yun at saka siya agad na tinanong. "What is the prophecy all about? Who is dean and what is he? Anong koneksyon niya sa propesiya at sakin?!!" Tumingin muna sa paligid si Logan bago kumilos at sumakay sa sasakyan. Tumingin siya sakin atsaka dinukot ang cellphone sa bulsa, pinigilan ko siya. "Para saan 'yan?" Tanong ko, "kailangan kong ireport na ligtas ka na at dadalhin kita sa hotel." Inagaw ko ang cellphone at pinatay. "No need to do that, drive." Sabi ko sakanya. We need to go. "Ipaliwanag mo ang propesiya sa iilang sentence at malinaw na paraang posible, ipakilala mo sakin si Dean, bakit hindi siya pwedeng lumapit sakin at anong koneksyon niya sa akin?" Sunod sunod na tanong ko. I need all the information to get to the pinpoint.  Nagsimula siyang magsalita pagkatapos ng isang buntong hininga. Hindi ko maintindihan kung bakit parang ayaw nilang ihayag sakin ang propesiya. Pero nagsalita siya at nagsimula ang kwento.

"Bago mawala ang presensya ng Diyos sa langit, sandamakmak na patay na anghel at demonyo ang nakalatag sa mga ulap. Katulad ng mga tao sa lupa. May dugo at laman ang mga anghel at demonyo sa langit, walang immortal. At hindi nakaligtas ang Diyos sa ganoong patakaran, pinili niyang maki-ayon sa mga nilikha niya para maging patas. Pero nakahanap parin ng dahilan ang tatlong anghel upang ikumpara ang kanilang uri sa mga tao at sa Lumikha. Doon nagsimula ang pag aaklas. Hindi pa nalalaman kung paanong nakaramdam ang mga anghel, ang tatlong anghel. Si Josiah na ama mo, si John at si Gabriel na tiyuhin mo. Hindi maaring umibig ang mga anghel sa tao. Pero nangyari yaon sa hindi inaasahang oras. Iniwan ng iyong ama at ng dalawa pang anghel ang mga kaluluwang ginagabayan nila para sa pag ibig. Ang pinakamagandang bagay na nilikha ng Diyos ay ang siya ring naging dahilan ng kanyang pagkawala. Pero bago ang paglaho niya. Nagiwan siya ng isang propesiya. Sumpa para sa atin at lalong lalo na sayo. Ang sabi niya,

""Babalik ang lahat sa dati. Darating ang isang sugo na magliligtas sa langit at muling magtataguyod ng kapatiran, siyang maghihiwalay ng mga anghel sa tao, anghel at demonyo, at demonyo at tao at ibabalik ang lahat sa kinalalagyan at sa dapat. Magkakaroon ng kapangyarihan ang nahirang at hahayaang gumawa ng desisyon, siya ay walang iba kundi ang walang bahid ng kasalanan ni eva at adan. Siya na isinilang na malinis at walang kabuktutan. Sa araw na ako ay mawala. Inihahayag ko. Na hindi na darating ang paghuhukom ngunit patuloy na masisira ang mundo. At kayo mismong mga tao, anghel at maging ang mga itinakwil na demonyo, ang siyang gugunaw sa mundong tinatapakan ninyo."

Tumigil si Logan sa parteng yon. Hindi padin malinaw, nasaan ang koneksyon ni Dean sa akin at bakit siya hindi maaring makalapit sakin?
Nagtanong ako.
"Ayun na yun? Darating ako tapos ano? Ililigtas ko ang mga anghel at tao at pati narin ang nga demonyo? Tapos tapos na?" Kunot noo kong tanong.

"Doon palang nagsisimula ang lahat, bilang pagkamatay ng Diyos ang paglaho niya sa mundo, naghari ang sumunod na malakas sakanya, si lucifer, na naglayon na baliin ang propesiya, pero hindi siya nagtagumpay, sa halip ay gumawa na lamang siya ng isa pang propesiya para kontrahin ang layunin ng diyos na alisin siya sa pwesto. At yun ay ang magtalaga ng isang nilalang na papatay sa sugo bago pa man mabuo ang langit. Madaming oras si lucifer para magtagumpay, dahil kung mahanap man namin ang sugo, ay kailangan pang patunayan kung siya ba talaga ang sugo. Sa pamamagitan ng mga relica at ng mahabang lakbayin patungo sa nasabing landas." Saglit na nagpahinga si Logan sa pagsasalita.
Kaya ako na mismo ang gumawa ng konklusyon ko.
"At si Dean ang itinalagang papatay sakin bago ko pa man magawa ang lahat?" Tanong ko. "Oo" tipid niyang sagot.
"Ano ba si Dean? At bakit siya? Bakit hindi ikaw eh demonyo ka din naman?!" Tanong ko pa.
"Dahil hindi ka namin pwedeng galawin. Bilang isang tagapagligtas ng langit at ng iba pa, may pumoprotektang batas ukol sayo. Lahat ng mananakit na  may purong dugo ng demonyo ay mamamatay din. Pero hindi saklaw non ang kalahating demonyo at kalahating tao, at demonyo at kalahating anghel." Paliwanag niya,
"So may ganon? May mixed blood? At paanong nangyaring may demonyong may umibig sa anghel at nagka anak pa talaga sila??!!" Sagot ko. Nakakalurkey naman talaga kase eh!
"Siimula ng mamatay ang Diyos, wala ng batas na naghahati sa tatlong uri, tayo ay iisa na magmula noon. Bagamat madalang ang ganoong relasyon, may mangilan ngilan pading lumalabag sa naglahong batas. At isa si Dean sa naging bunga ng ganong sistema. At siya, sa ngayon ang nag iisang demonyo na may lakas para gawin yun, sinasakop ng kapangyarihang itim ng demonyo ang majika, illusyon at lakas, samantalang meron namang lakas, talas ng isip, at mga sagradong mantra ang mga anghel panlaban sa majika. At lahat ng yon, meron ang batang yon."

"Hindi ako naniniwalang siya nga, na si Dean ang nasa propesiya, maari niya na kong patayin sa mga oras na yun pero hindi niya ginawa at hindi din niya binalak!, gusto niyang sumama sa partido natin. Sa partido ko! Para hanapin ang mga relica!"

"Hindi yun sapat na basehan, pero kung papipiliin ka, ikaw padin ang masusunod. Pawang kami ay kawal mo lang papasok sa langit. Mga pain para kay Idris para mapasok mo ang kaibuturan at makuha ang mga relika. Wala akong sapat na karapatan para sabihin ang mga opinyon ko." Sa sinabi niyang yun. Naintindihan ko na.

"Dalhin mo ko kay lolo Edmund. Magdedesisyon na ko." At ako ang masusunod.

Ngayon na ako ang pag-asa nila sa pagbuo ng langit. Maari din siguro akong maging demanding hindi ba!??

Wala akong kaideideya kung anong ma bagay ang meron sa langit. Eh hindi ko nga alam kung saan ang langit eh?! Kailangan ko talagang pag aralan ang mga kilos ko. Demons are still Demons after all.. Out of the blue while we ate on our way to the hotel vivoree..

"Alam mo Logan.." Pagbali ko sa katahimikan, tumingin siya sakin saglit at saka ko itinuloy ang pagsasalita, "Among all of these Demons and angel things. Ikaw lang ang pinagkakatiwalaan ko, alam kong Demonyo ka, pero kahit pagbalibaliktarin natin ang lahat. Ang mg demonyo ay mga anghel padin." Tumingin ako sa labas ng bintana ng sasakyan at saka nagpatuloy.  "At alam kong may kaunting butil pa ng kabutihan sayo.. At inaasahan kong makukuha ko yun.." Isang ngiti ang namutawi sa labi ko at isang maliit na ngiti lang ang pinakita ni Logan. Naniniwala ako, sa kabutihan ng lahat ng uri ng nilalang..

the sin.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon