demon helping angels..

4 0 0
                                    

ng tanghali ng araw ding yon ay nagbalik ako sa vivoree at muling hinanap si lolo edmund at sa kabutihang loob ni logan ay agad siyang dumating at sinundo ako mismo sa bahay.. isa nanamang mahabang paglalakad sa pasilyo ng walang hanggan. napakahaba at nakakapagod.

"sana may walkalator dito sa hotel na toh." sambit ko na halos pabulong sa sarili ko.. nakarating ulit kami sa pader na pinto at pinatay ang mga ilaw bago buksan ang pader.. nagkislapang muli ang mga brilyante at diamante.. napakaganda tlaga.. ilang palapag kaya ang lalim ng lugar na ito mula sa lupa?? tanong ko sa isip ko.. maya maya pa ay hinawakan ni logan ang isa sa mga brilyante at hinaltak pababa.. atsaka ibinigay sa akin..

"kakailanganin mo ng pera sa paglalakbay mo.. yan lang ang maitutulong ko sayo.. maipagpapalit mo yang brilyante sa isang lugar sa manila. sa Quiapo, isang babaeng nagpapalit ng mga bato katumbas ng pera ang mahahanap mo.. siya si tamara.. pumunta ka sakanya at wag padadaya sa kanya.. ang isang gramo ng ganayang uri ng bato ay nagkakahalaga ng kalahating milyon.." nagpatuloy kami sa paglalakad at narating ang malawak na parang walang dulo at madilim na silid...

"apo. nagbalik ka." sambit ng matanda na humihigop ng tsaa sa isang magandang tasa.. amoy na amoy ang samyo ng mainit na inumin na nanggagaling sa takuri..

"handa na ho akong makipagtulungan sa inyo.." sambit ko..

natatandaan ko na sa pag alis namin sa hotel ay inalok kami ni lolo edmund ng isang kasunduan..

isang scroll ang ipinakita ng matanda sa amin na nagtuturo ng daan paakyat sa nasirang langit.. sinabi niya na dapat na may magpunta sa langit at makipagkasundo kay Ingrid.. ang tagapangalaga ng tarangkahan ng langit.. sinasabing may alaga itong babaeng nilalang na nagtatanggol sakanya.. ngunit kung hindi ito papayag na may papasok sa langit.. kailangan namin itong paslangin..

"anong dahilan at kailangan nating pasukin ang langit??" tanong ko upang linawin ang objective niya..

"upang kuhanin ang sagradong papel ng muling pagbukas sa langit.." sabi ng matanda..

"meron ba talagang ganong klaseng kasulatan??" tanong ko..

"hindi ako sigurado.. pero kailangan nating subukan.. hindi namatay agad ang diyos matapos ang pag atake.. mabilisan niyang iniayos ang mga plano para muli siyang buhayin at itaguyod ang langit.. may mga pag asa pang natitira at tatlong bagay na dapat nating makuha.." salaysay niya..

"ano po iyon??" sabi ko..

"ang kapa ng pagpapagaling.. ang baluti ng mandirigma. at ang banal na espada ng binasbasang mandirigma.. nasa kaibuturan yaon ng gitna ng malawak na langit.. nawa'y magtagumpay tayo sa pagsasagawa nito.." sabi ng matanda..

"anong mapapala ko sa misyong ito?" sabi ko para mahagilap ang dahilan na magtuyulak sakin para magpatuloy sa paglaban..

"ang espada na hahanapin mo.. ay ang espadang ginamit mismo ng iyong ama.. pati narin ang baluti at kapa.." sabi ng matanda..

"at ano namang mapapala ko doon??" sabi ko

"may tsansa na makuha mo ang sagot at alaala ng iyong ama bago siya lumaban.. sinasabi ng mga ninuno na tumatatak ang alaala ng mga karapat dapat na humawak sa espada.. umasa tayo sa kasibahang iyon.." sabi niya. "hindi kaba interesado na makita ang pinagmulan ng ama mo??" patuloy nito..

"sabagay.. pero hindi ako nakukumbinse.." sagot ko ng diretso..

"kung gayon.. apo.. ikaw lang ang maaring makapasok sa kaibuturan ng langit.. at ako bilang isang anghel na ginawang demonyo.. ay susuportahan ka sa gagawin mong pagsasaayos sa langit.. makakapasok kami sa langit sa pamamagitan ng pagdaan sa lagusan mula sa impyerno.. pero hindi magtatagal ay mahahanap kami ni Ingrid at ipapapatay kay Idris.. kailangan ka ng mundo upang mawala na kami. sa lupa at upang isara narin ang impyerno.. pero kung hindi man tayo magtagumpay.. magagalak ako na sinubukan mo.." paliwanag ng matanda..

"pag iisipan ko.." tumayo ako sa upuan upang maghanap pa ng karagdagang dahilan para magpatuloy sa langit..

inihatid ako ni logan pauwi dala parin ang dyamante.. hahanapin ko si tamara at papapalitan ito bukas.. ilang gramo kaya ito?

"kamusta??" sabi ni tita sa pagtapak ko sa bahay..

"hindi ako makahanap ng dahilan oara ituloy ang pagpasok sa langit.. at bakit ako lang ang dapat na humawak sa espada?? am i a sort of itinakda or something??" sabi ko..

"ikaw lang ang pwedeng pumasok dahil sa lahat ng nakapasok sa langit. nanggaling man o tao ay may marka.." sabi ni tita "isang marka bilang isang kalaban o itinakwil.. at ikaw.. bilang ipinanganak na walang bahid ng kasalanan at walang bahid ng galit.. ikaw lang ang nag iisang kalahating anghel at kalahating tao na makakapasok sa ipinangakong lupa ng tagapagligtas.."

"ganon?? wala akong kasabay o kasama ako lang mag isa??" sagot ko..

"maari naman kaming pumasok sa langit pero hindi kami makakapunta sa kaibuturan nun.. ikaw bilang nag iisang malinis at walang bahid ay ang makakakuha ng mga kailangan. ang alam ko isa ung mapa.. para mahanap ang mga binasbasang kasangkapan ng mandirigma para buhaying muli ang diyos.." salaysay ni tita..

"ayoko ng responsibilidad na ganito.." sabi ko..

"hindi mo mapipigilan ang tadhana.." sabi ni tita..

the sin.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon