This seems to be off.. Several weeks passed and i am now being introduced to the generals of the angels and demons. Sobrang bilis ng mga pangyayari. Parang bahay ko na ang hotel vivoree dahil hindi na ko nakakauwi sa dami ng mga inaasikaso ko. Dala ko lagi ang espada. Na patunay na nakapasa ako sa kaunaunahang pagsubok. Na karapatdapat ako. At isang malaking pressure ang nararamdaman ko. Umaasa sila sakin na kaya kong pabagsakin si Ingrid at Idris. Sana hindi ko sila mabigo. Wala akong kaalam alam kung paano gamitin ang espada at wala ding alam kung paano gamitin ang mga mantra. "Bakit ako pa ang napili?" Tanong ko sa sarili ko habang nakatanaw sa isa sa mga bintana ng kwarto ko sa hotel. Malakas ang hangin at bukas ang pinto sa kung sinong gustong pumasok. Pero hindi ko namalayan na nandun pala si Logan at sinusundo ako para sa isang pagpupulong. At ito na nga. Ang pagpapakilala ng mga heneral at hukbo ng dalawang partido. Pero sa lahat ng heneral. 3 pangalan lang ang tumatak sa isip ko. Sila ang mangunguna sa gagawing paglaban. Sila heneral Neory ng hukbobg katihan mg langit. Isa siyang babaeng may hanggang beywang na buhok na kulay gray, sunid si heneral Kyro na heneral ng hukbong pangkatihan ng impyerno. At si heneral Idyoma. Na heneral ng hukbong may kakayahan sa paggamit ng mahika at Palaso't pana. Long ranged team ika nga. Na gagamitin bilang suporta ng dalawang malaking hukbong pangkatihan. Tumatak sila dahil sa tingin ko. Sila ang may pinakamalakas na impluwensya sa lahat. At ang ibang heneral ay papasok na lamang sa ilalim ng panumuno ng tatlo. Halos nasa tatlong libo ang mga sasama sa labanan. Tig iisang libo sa bawat heneral. At ako? Sasama ako kila Logan at tutunguin ang tarangkahan para pasukin ang mga naiwang relica sa loob ng kaibuturan ng langit. May sariling grupo si dean. Kasama ang mga anghel na gumamit ng mantra para makagawa ng portal sa mismong lagusan patungo sa langit. Malaking pagsubok yun na kakailanganin ng malakas na isip at pangangatawan. Dahil pag hindi niya nakayanan ang sobrang lakas na pagdaloy ng majika sa katawan niya. Maari siyang mamatay. At si lolo edmund ang mismong poprotekta sakin. Sinabi ni auntie mira na pag iisipan niya kung sasama ba siya sa misyong ito. Pero hanggang ngayon wala pa siyang pinal na sagot.
"Lucid? Hey? Are you still there?" Nakita ko nalang na winawasiwas ni general Neory ang kamay niya sa harap ko. "Malalim ang iniisip mo ah? Kanina pa kita tinatanong kung may ideya ka ba ng pag atake na gagawin natin. Pero mukang wala ka sa sarili mo." Patuloy niya.
"Pwede bang itigil natin to ng panandalian? Kailangan ko lang sigurong huminga at sumagap ng hangin sa labas.." Sabi ko pero hindi na ko naghintay ng sagot nila at tumayo na't tinungo ang pinto palabas ng hall.
Sinundan ako ni Dean palabas.
"Hey, okay ka lang?" Patakbo siyang sumunod sakin.
"Hindi ko alam." Sabay tingin sa malayo at bunting hininga. "Handa ba ako dito? Masyado pa bang maaga? Pakiramdam ko hindi ako karapatdapat. Atsaka, paano ko naman gagawin yung mga ganung bagay? I mean, isa lang akong college girl tapos biglang ganito? Look at me. May tiwala ka ba sakin?" Patuloy ko.
"Like we have a choice. Akala ko noon, Diyos ang nagpapatakbo sa tadhana. Pero hindi pala. Wala na siya eh. Pero kumplikado padin ang mga bagay bagay. Minsan naiisip ko, sana naging tao nalang ako na malayang nabubuhay at walang kakayahang ganito. Buti pa nga yang mga tao na yan. Nakakapagtanong sa Diyos dahil hindi nila alam na wala na siya. Pero tayo? Kanino nalang tayo lalapit. Madalas ko isipin ang mga ganyang bagay." Sagot ni Dean sa mga tanong ko, sumandal siya sa dingding at ngumiti habang tinitignan ang palad niya. Sabay nagpatuloy sa pagsasalita. "Pero ngayon. Malinaw na sarili nalang natin ang meron tayo. Walang sino man o kung ano man. Hindi totoo ang tadhana, dahil ang lahat ng mga bagay ay sanhi lang ng mga pagkakamali na ginawa ng mga magulang natin at hindi na natin yun mababago."
"Hindi ka ba nagagalit sa mga magulang mo? O naiinis manlang kung bakit ka pa nabuhay?" Tanong ko tsaka sinamahan siyang sumandal."Hindi na siguro. At ano namang kasalanan nila? Pag ibig ang may kasalanan ng lahat. Pero bilib ako sakanila dahil nagawa nilang ipaglaban ang hindi dapat. Para sa ma kagustuhan nila. At kahit ako pa ang magbayad ng lahat ng kapabayaan nila. Okay lang, dahil utang ko parin ang buhay ko sakanila. Kaya ikaw? Ituring mo ang mga bagay na nangyayare ngayon na kabayaran sa pagbibigay buhay nila sayo." Payo niya.
"At para namang ginusto kong mabuhay ng ganito ano? Sa mga pinagdaanan ko palang ay parang bayad na ko." Tumingala ako sa kisame at ngumiti. "Pero ngayon sige. Dahil sinabi mo. Gagawin kong pambayad sa utang na loob ko itong misyon na to. Hindi ko pinili na maging ganito. Na maging sugo. Pero pinili nila ito para sakin kaya igagalang ko ang desisyon nila." Sagot ko sabay angat ng kamay at sinabing
"Up here." At umapir naman siya.
"May pera ka diba?" Sabay tanong niya panira ng momentum badtrip.
"At ano namang koneksyon nun dito?" Sagot ko.
"Request a leave. Enjoy your life to the fullest and pag handa ka na. Tsaka ka bumalik." Suhestiyon niya.
"Bakit hindi ko naisip yan?" Tanong ko.
"Ewan siguro kase madami kang alinlangan." Sagot niya atsaka umayos ng tayo at lumakad paalis.
Pero bago pa man siya makalayo.
"SASAMAHAN MO BA AKO?" sigaw ko dahil medyo malayo na siya."Nagtitiwala ka sakin?" Sagot niya.
"Bakit hindi?" Sagot ko.
"Sige ba, basta libre mo." Nakangiti niyang sagot.Sa totoo lang, ni hindi ako kahit minsan nakaramdam na kulang ako at kailangan kong hanapin ang sarili ko. Pero ngayon, siguro kailangan ko ng kaunting oras, biglaan ang lahat. Walang sino ang nagparamdam sakin na espesyal pala ako gaya ng mga napapanood ko sa anime na nahirang para maging suzaku at hanapin ang mga kasama niya. Ganito pala ang pakiramdam nun. Madalas sa mga umaga na nagigising ako at nakikita ang kisame ng hotel vivoree. Kinukurot ko ang pisngi ko dahil baka nasa loob padin ako ng panaginip. Pero hindi. Masakit eh. Siguro. Pag hindi naging maganda ang lahat. At nabuhay ako pagkatapos ng pagbawi sa mga relica. Dun ko kukunin ang oras para magpakalayo layo muna at linawin sa sarili ko kung para ba dapat ako dito. Naglakad ako pabalik sa malawak na hall at binuksan ang pinto. Nandun padin sila. At handang makinig sa lahat ng sasabihin ko. Hindi ko para ipagpaliban ang pag atake sa gatekeeper ng dahil lang sa sarili ko. Kaya ang una kong sinabi pag pasok ko sa pinto ay..
"Ako ang mangunguna sa pagpasok sa langit, at ibabagsak ko sila."
BINABASA MO ANG
the sin.
Adventurea story of love, adventure, greatness and strength. if you really believe that love is the answer.. you must make me believe that love.. can be the cause of everything and anything..