Sa pagkakasabi ko ng mga katagang yon. Halatang wala silang katiwa-tiwala sakin. Nakatingin sila sakin na parang blanko at walang reaksuon ang nga mukha at kulang nalang maglabas sila ng karatula na nakalagay ang *paano mo naman gagawin yun?*
Tumayo si general Neory at inilabas ang espada niya mula sa kaluban nito at normal na naglakad patungo sakin. Pero sa isang iglap. Tumakbo siya ng mabilis at hindi na ko nakakilos. Sinubukan kong bunutin ang espada ng ama ko sa likuran ko. Pero bago ko pa magawa. Nakatutok na sa leeg ko ang talim ng espada niya at walang ni isa sa amin ang nakapagsalita.
"Ganyan mo haharapi si idris at ingrid? Baka hindi ka pa manlang nakatapak sa sahig ng langit ay babagsak ka na??" Ibinaba niya ang espada niya at tumawag sa isang pangalan. "Gregory." Turan niya at lumapit ang isang matipunong lalaki at walang kaabog abog na tumayo sa harap namin.
"Ikaw ang magturo sa kanya gumamit ng espada at mga mantra." Diretsong utos niya.
"Pero paano kayo general neo---" pinutol na siya ng heneral at nagsalita. "Thats an order." At doon na natapos ang mahabang pulong para sakin at kay gregory. Dahil pinlabas nila kami para magsanay sa hall at sasabihin nalang nila ang detalye ng paglusob.
"Ang espadang yan na ang gagamitin mo sa laban hindi ba?" Taning ni gregory habang naglalakad kami papunta sa hall.
"Oo. Ito lang daw ang makakatalo kila idris at ingrid eh." Sabi ko at binunot ang espada mula sa likod ko.Hindi na siya muling nagsalita. Para ituloy ang usapan dahil wala akong choice. Nagsalita ulit ako.
"Sa totoo lang. Hindi ko alam kung paano ako lulusob sa kalaban."
"Alam ko. Kaya nga tayo papunta sa hall ngayon." At nakarating kami sa pinto binuksan niya iyon at wala na ang mahabang lamesa at ang carpet sa sahig. Nakakamangha kung gaano kalawak ang lugar.
Walang sabi sabi ay hinugot na ni gregory ang espada niya at inatake ako na agad ko namang nasalag plng espada ko pero sa sobrang lakad at brusko niya. Wala akong nagawa kung hindi tumalsik at mapaatras at lumuhod sa harap niya.
"T*rantado!, sana manlang nagsasabi ka!!"
"Huh! Para namang magpapaalam pa si idris at ingrid sayo kung aatakihin ka nila?" Pamimilosopo niya pero may punto siya. Wala akong naisagot kundi ang tumayo at tumakbo para umatake pero nag end up na dire-diretso ako sa kawalan at nadapa. Tumalsik ang espada at nabitawan ko nalang.
At wala siyang ginawa kundi tawanan ako. Tumayo ako ulit at hinagilap ang espada.
"Akala ko pa naman gentleman ka. Ni hindi mo nga ako tinulungang tumayo. Psh." At saka ako nagdabog at hinawakan ang espada.
"Bakit? Sa tingin mo itatayo ka ni idris at ingrid kapag nadapa ka sa sarili mong kagagawan?" Nakangisi niyang sabi.
"Humanda ka."
"Talaga ba? Anong gagawin mo? Magkakandarapa sakin?" With a wink and smile.
E-eh? Seryoso ba to?
Marami akong sinubukan na paraan pero lubos na magaling si gregory.
"Tama na ito. Magpahingakamuna masyado kang nadepende sa katawa mo. Ni hindi nga kita nakitang gumamit ng mantra o ng kung anong majika. Hindi ka uubra. Nakakabagot na ring ilagan ang mga atake mo." Singhal niya at tsaka aktong aalis nasa hall.
"Oy! Oy! San ka pupunta?!! Hindi pa tayo tapos! Matapos mo kong batuk batukan at hayaang magkanda sugat sugat dito iiwan mo ko??" Daing at reklamo ko.
"Hayyss.. regune. (Heal) tignan mo. Ni hindi mo ngakaya iheal ang sariling mga sugat mo." Atsaka dirediretso siyang lumabas ng pinto at ako? Pagod na nakalupagi sa sahig ng hall at walang ibang laman ang isip kundi blangko.
"Oh, kumain at magpahinga ka muna." Si dean na hindi ko namalayang lumabas sa isang portal na may dalang isang paperbag ng sikat na foodchain.
"Salamat, pero mas gusto ko matuto mag magic at lumaban kesa kumain." Tanggi ko kahit gutom na talagang gutom na ko tsaka ako tumayo at binitbit ang espada.
"Like makakapagmagic ka ng gutom ka. Wala pa namang nakakagawa nun no." Biro niya.
"May fries ba dito?" Sabay bukas ng paperbag.
"Ako pa ba? Binibigyan kita ng kalahating oras para kumain at magpahinga. Papadaluyin na natin ang mana mo. Hindi manlang niya inisip kung bukas na ba ang mana circuits mo sa katawan. Kainis."
Napatigil ako sa pagsubo. Bakit ganun nalang ang reaksyon niya?
Natapos ang oras ng pahinga ko at tumayo na ko at hinarap si dean hawak ang espada."Bitawan mo muna yan." Utos niya na ginawa ko naman. "Ngayon lumapit ka sakin" sunod na utos niya. "Yakapin mo ko."
"Siraulo ka ba?" Gulat na tanong ko. "Seryoso ako sugo. Ayokong ako ang magbukas ng mana circuits mo. Pero sino namang hahayaan kong gumawa nito? Si gregory? Si logan o ang lolo mo? Tss. Ayoko nga. Ako nalang." At bakit ba kailangan ng yakap.
"Ano na??" Tanong niya.
"Oo na heto na." saka ako lumapit sakanya..
"Pikit ka." Utos niya ulit.
"Seryoso wala kang gagawin sakin dean?" Pagdududa ko.
"Wag na nga lang." Sabay aalis na sana siya.
"Oy oo na gagawin ko na oh pipikit na ko."
Yun naman pala eh.
Atsaka ako nakarandam ng malambot at mainit na sensasyon sa katawan at labi ko. Sa pagmulat ko. Magkadikit ang mga mukha namin. In short. Hinalikan niya ko at sa ganong paraan niya pinadaloy ang mana sa katawan ko. Mula sa katawan niya. Dumadaloy ang lumiliwanag na linya papunta sa katawan ko. Hindi ko alam kung maiinis ako at bibitaw. Pero nanlamang ang kagustuhan kong maging magikera. At itinuloy ko ang halik hanggang sa matapos ang proseso.. napagod ako sa nangyareng paglilipat ng mana. At sa pagpikit ko.
Nakatulog ako at naramdaman ko nalang na sinalo ako ng 2 kamay at binuhat..
BINABASA MO ANG
the sin.
Adventurea story of love, adventure, greatness and strength. if you really believe that love is the answer.. you must make me believe that love.. can be the cause of everything and anything..