Simula

320 8 0
                                    

Simula, (Prologue)


Nakatingin ako ng diretso sa mga mata niya, hindi ko mabilang kung nakailan lunok na ako ng laway ko. Makikita mo ang galit sa mga mata niya.


"I told you, ayokong maging kapatid ka!" Sigaw niya, napakagat ako sa ibabang labi ko.


'Ayoko din Lewis Castiel!' Pero pinutol yata ang dila ko.


"Pero Kuya Liel, magiging asawa na ng Daddy ko ang mommy mo... Magiging kapatid--"


Halos mapapikit ako ng marinig ko ang basag ng isang vase na alam kong tinapon niya sa sahig, "Fuck! Don't you dare call me Kuya! I don't want you to be my sister!" 'Ayoko rin maging kuya ka.'


Nanlalabo na ang paningin ko sa nagbabagyang luha na gustong kumawal, "I'm sorry, Liel.. Pero ito na ang tadhana natin dalawa, hindi tayo pwede... Tanggapin na natin yon." Mahirap ang desisyon ko.


Tumingin siya sakin kita ko ang pamumula ng mga mata niya, "Please Ziah, don't do this to me...."


"I need to go, Kuya Liel... Tinawag lang kita para sa tanghalian mo. Umalis sila Daddy ng hindi ka sumabay na kumain sakanila..." Tumalikod na ako.


I'm about to opened the door when he hugged me from the back, ang higpit ng pagkakayakap.


"Ziah, tell me... Do you love me? Ayokong maging kapatid kita, alam mo na higit pa sa kapatid ang turing ko sayo, kung ituturi mo kong kapatid then kill me instead, hindi ko kasi kaya...."


Naramdaman ko ang basa sa batok ko, damn he's crying! And I hate it, "You're my step-brother, Liel. Nothing can change the fact."


Tumulo na ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan, ang bigat sa dibdib, gusto kong kumawala sa mga yakap niya pero I can't... mas gusto ko 'to ngayon, mas gusto kong yakap yakap ako ng taong mahal ko.


"Mahal mo ko... alam kong mahal mo ko... Fvck! I'm being desperate! But I don't care, All I care is you....only you, Baby..."


Tila may humaplos sa dibdib ko, ramdam ko ang pagmamahal niya sakin, nanginginig na ang buong katawan ko, napahagulgol na rin ako.


Hinarap niya ako and he wiped my tears, "Baby, let's go together.... ayokong makasal ka sa iba... akin ka lang, Keziah..."


Diretso sa mata ko ang mga tingin niya, kita mo ang pula ng kanyang mga mata niyang hazel nut ang kulay, mahaba ang pilik-mata at ilong niyang matangos. Makapal ang kanyang kilay hindi sobrang kapal ngunit sakto. Manipis ang mapula niyang labi, ang mga sumasagi sa mata niya ang buhok nitong mahaba na kulay golden brown, at may hikaw ang kaniyang kaliwang tenga.


"Sorry Liel," Patuloy pa rin sa pagtulo ang mga luha ko, "I love you but I'm sorry..."


Umiling siya at napangisi kasabay ng paggulo niya ng buhok niya, "Keziah! Please! Kung mahal moko hindi mo ko hahayaang mawala sayo! Hindi tayo magkadugo! Hindi kasal ang mga magulang natin, dahil kasal pa rin si Mommy kay Daddy ko! Pwede tayo, pwede!"


Umiling ako, "Mahal ng Daddy ko ang mommy mo, Lewis Castiel. Ayokong biguin sila at mas lalong ayokong masira ang kaligayahan ng daddy ko..."


"Iniisip mo sila," Tumango tango pa siya, kinuha niya ulit ang vase na malapit sakanya at binasag, "Pero paano tayo, Aviana! Paano ako! Paano ako...." Humina ang boses niya.


"I can't.." Gusto kong sabihin sakanya. Gustong gusto ko.


"Walang tayo, Liel. Tigilan na natin 'to. Walang kahahatungan ito! Kalimutan mo na ako!" Sigaw ko.


Sinuntok niya ang pader dahilan para magdugo ang kanyang mga kamay, "Kuya Liel..." May bahid ng alala sa boses ko.


Masamang tingin ang pinukol niya sakin, may lamig akong naramdaman sa mga tingin niya, "Now get out of my life, I don't want to see you again... and yes, forget this drama. It's non-sense."


Then he left me. I can't do anything but burst out crying in his room.


"I love you so much, Liel. I love you, Lewis Castiel..."


**

Leander: Lewis Castiel [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon