Kabanata 4

127 7 0
                                    

Kabanata 4
Phone Call

 


Nakareceive ako ng mensahe na hindi ko pa binabasa, busy ako sa pag bro-browse ng mga dagat sa Pilipinas. Parang gusto kong magdagat... pero wala naman sila Daddy pero pwede naman sila Aerin at Fleur. Try ko silang yayain pag may time sila.


Nilipat ko na ang google sa facebook, laptop ang gamit ko kaya madali lang. Nakita ko na kay Kier pala ang message na iyon. Binuksan ko iyon dahil marami-rami ang messages niya sakin.


Kier Flynn Leander: Hey Madame.
 

Kamusta Madame?


Busy? Seener? Famous?


Uuwi na ako bukas..


Ay hindi pa rin nagrereply? Famous talaga!


Tsk.


Nanliit ang mga mata ko habang nakatingin sa messages niya. Uwi niya na pala bukas. Sana lang ay hindi niya pa makita si Liel, baka ano nalang masabi ni Kier sakanya. Lalo na't saksi siya sa nangyari sakin six years ago.


Aviana Keziah Allersja: Tsk, I'm busy browsing beach.


Kier Flynn Leander: Woah, uwi ko na rin naman bukas at ako nalang ang magsu-suggest ng dagat. Sama ako!


Aviana Keziah Allersja: No, ayoko. Bawal alien don.


Kier Flynn Leander: Aww, Madame. Masyado kang hard sakin. Basta sasama ako. Bukas sunduin mo ko sa Airport?


Nanlaki ang mga mata ko, susunduin? Anong palagay niya sakin? Taga-sundo niya? Aba naman, Kier.


Aviana Keziah Allersja: May pupuntahan ako bukas.


Bukas na rin ang flight nila Daddy, Damn. Sana ay hindi magkamukha ang sked nila.


Kier Flynn Leander: Saan Madame?


Hindi ko na siya sinagot at sineen na lamang. Baka magkita pa sila ni Liel. Nag off na ako at tumungong kusina.


Kanina pa ako nagugutom, nakita ko si Yaya Eisla, "Ma'am Aviana..."


"Hi Yaya, nagugutom ako... Gusto kong baked mac." Nakangusong sambit ko.


"Sige ma'am pagluluto ko po kayo." Ngumiti ako at tumango.


Bumalik ako mesa, kumuha ako ng tubig sa crystal glass at uminom. Binuksan ko ang instagram ko.


Inistalk ko si Liel, wala siyang latest na post kundi last month pa. Yung nakatalikod siya sa may NAIA, teka? Bakit naman siya nasa NAIA? Anong ginawa niya doon?


Pumunta akong twitter para magtweet. May mga messages sa twitter ko pero di ko na lang pinansin.


Tweet: Just the two of us?


***


Kagising ko ng umaga ay tumayo na agad ako at ginawa ang daily routine ko. Ngayon na ang flight nila Daddy at ngayon na rin ang uwi ni Kier. Bwisit yun nagpapasundo pa, bahala siya sa buhay niya.


Habang nasa hapag kainan kami ay tahimik lamang, as usual ay katabi ko si Liel.


"Hatid niyo kami ng Mommy niyo sa NAIA at katapos nun ay dumiretso na kayo sa company." Pag e-explain ni Daddy.


"Okay po..." Ako lang naman ang laging sumasagot. Naputulan na yata ng dila ang lalaking ito.


"Pag may problema, tawagan niyo lang kami. Nagkakaintindihan ba tayo?"


"Lewis, ikaw ng bahala sa kapatid mo..." Sabi ng mommy niya.


Tumalim ang tingin ni Liel, "Kapatid kapatid..." Bulong niya sakto lang para marinig ko.


"Yeah..." Sagot niya at kumain na lang.


Nasa NAIA airport na kami at nagpapaalam nalang kila Daddy. Matapos ang pagpapaalam ay tahimik kaming naglakad pabalik sa kotse.


Pumasok ako sa may passenger seat, ayoko sa may likuran dahil nahihilo ako. Siya naman ay sa driver seat. Tahimik kaming dalawa, walang nagsasalita. Tanging aircon lang ang maingay at ang kantang lumalabas sa radio.


Tumunog ang cellphone ko kaya napatingin ako doon at nakita ko na si Kier ang tumatawag. Shit. Napatingin ako kay Liel.


"Answer the call..." He coldly said.


Nagdadalawang isip pa ako kung sasagutin ko, nandito ang pinsan niya kasama ko. Baka marinig niya ang boses ng kaniyang pinsan. Kaya I rejected the call and I texted him.


To: Kier L.
Mamaya nalang. I'm busy.

Sent.


Tinago ko ang cellphone ko. "Bat di mo sinagot? Naiilang kabang sagutin dahil nandito ako? Baka marinig ng boyfriend mo?"


Kumunot ang noo ko at nalaglag ang panga ko sa sinabi niya. B-boyfriend?


"What are you talking about?"


"Diba may boyfriend kana? Ayaw mo bang malaman niya na kasama kita? Dahil iisipin niya na nagche-cheat ka sakanya?"


"Wala akong boyfriend, Liel!" Sigaw ko.


Nakita kong napatigil siya at ngumisi, "Really? Hindi niya iisipin na nagche-cheat ka sakanya kasi kapatid kita..."


Napakagat ako ng labi ko, ang sakit pala ng mga salitang kapatid parang ang hirap huminga. Hindi ako nakapagsalita dahil nasaktan ako.


Niliko niya ang kotse sa kumpanya namin, hindi pa rin ako makarecover sa sinabi niya. Ganon pala kasakit ang sabihang Kapatid kita... Ilan beses kong sinabi iyon sakanya dati. Hindi ko alam na ganito pala.


Hininto niya ang kotse sa parking at lumabas na siya ng hindi man lang ako hinihintay. Mabilis akong bumaba at pabagsak na sinara ang pintuan. Nakakainis.


Huminto siya at sinamaan ako ng tingin, "Pag iyan nasira, palitan mo..."


Kumunot ang noo ko, "Wag mo kasing idamay ang kotse ko kapag may away kayo ng boyfriend mo!" At umalis na siya.


Napanganga ako, hindi niya ba alam na siya ang kinaiinisan ko? Dahil agad agad siyang umaalis na di man lang ako hinintay? And boyfriend? Damn it.


Kapasok ko ng kumpanya ay pinagbati ako ng mga empleyado dahil kilala nila ako. Umikot ang tingin ko pero diko na makita si Liel, siguro ay nauna na sa opisina.


Sumakay ako ng elevator hanggang sa makarating ako sa opisina pero walang Liel sa loob noon. Inikot ko ang tingin ko sa kabuuan ng opisina. Mayroon dalawang table na nakasulat ang pangalan nila Daddy at Mommy Matilda pero meron din ang pangalan namin ni Liel doon.


Huminga ako ng malalim saktong tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko 'yon sa bag ko at nilagay sa may table ko. Nakita ko na si Kier na naman ang tumatawag. Wala naman si Liel kaya pwede kong sagutin.


"Hello Kier?"


[Nasa Pinas na ako, Madame! Kanina pa kita tinatawagan dahil pakiramdam ko nakita kita kanina sa NAIA... pero baka namamalikmata lang ako..]


Napakagat ako sa labi ko, "Baka guni-guni mo lang iyon, hindi ako pumuntang NAIA kanina... Nasa Pinas kana pala. Pahinga ka muna, I'm sure may jet lag ka."


[Ang sweet ni Madame... sige, tumawag lang ako para ipaalam sayo.]


"Sige sige, ingat ka sa pag uwi..."


[Wait, kita tayo sa Saturday no?]


"Oo na!" Then I laughed.


"Nasa opisina pero kung sino-sinong katawagan. Irresponsible..." Napatingin ako kay Liel at iiling iling pa galing pala siyang cr sigurado akong narinig niya lahat.


[Sino yan Madame?] Shit Kier...


"I'll call you later, bye." Then I hanged up the phone call.


Masama ang tingin sakin ni Liel, nagkunwari akong walang pakialam at bumalik na lang sa upuan ko.


Mababaliw na yata ako.

Leander: Lewis Castiel [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon