Kabanata 13

94 7 0
                                    

Kabanata 13
Drowning




Pang five days na namin dito sa Palawan pero sariwa pa rin sakanila ang ginawa kong pag sampal kay Liel. Hindi sila nagtatanong sakin dahil halatang takot sila pero alam kong kuryoso sila doon.


Tanging si Kier lang ang naglakas loob na nagtanong sakin na kung bat ko daw sinampal ang kaniyang pinsan, pero bagay lang sakanya yun dahil gago ang pinsan niya. Dapat nga daw ay sa balls ko siya tinira. Baliw na talaga ang isang 'to.

Noong sinampal ko si Liel ay galit na galit na sumugod sakin si Evelia pero hindi ko na lang siya pinagtuunan ng pansin at sinaraduhan siya ng pinto.
 

Lumabas ako ng kuwarto ko dahil nakaramdam ako ng gutom. Alas nuwebe na kasi ng umaga ako nagising kaya naman nalipasan na ako ng breakfast.


Kapunta ko sa resto ay nakita ko na agad sila na hindi pa kumakain. Nang makita ako ay nagsihiyawan na sila at naging masaya na ang mukha.


"Bakit di pa kayo kumakain?" Tanong ko.


"Girl, sabi kasi namin na hintayin ka ng magising para may kasabay ka di naman namin alam na alas nuwebe kana pala magigising!"


Kumunot ang noo ko, "Dapat hindi niyo na ako hinintay. Kayo talaga. Tara, kain na tayo!"


"Swimming tayo ah!" Humagikgik pa si Lia, sumang-ayon naman ang iba sakaniya.


Napatingin ako sa panahon na tirik na tirik ang araw. Magsu-sunblock nalang ako mamaya para hindi ako ma-sunburn.


Matapos kumain ay lumapit sakin si Ian may dala siyang melon shake, nasa ilalim kasi kaming puno ngayon malilim dito kaya nagustuhan ko.


Nasa upuan ko ang sunblock at ang sagabal ko sa katawan, yung iba ay nagsw-swimming na habang ako ay hindi pa. Wala kasing maglalagay ng sunblock sakin.


Tumingin ako kay Ian, "Pwede bigyan mo kong sunblock sa likod?"


Muntik niyang mabuga ang shake na iniinom niya at naubo-ubo pa siya. "A-ano?"


"Okay lang kung ayaw mo, di kasi ako makaswimming ngayon ng walang sunblock lalo na't tirik na tirik ang araw... yung mga kaibigan ko naman kasi ayun na."


Tinuro ko sila Fleur at Aerin na na nakikipaglampungan sa mga boyfriend nila.


"S-sige... talikod ka na..." Namumula ang buong mukha niya kaya napatawa ako.


"Higa nalang ako habang nakatalikod no?" Then he just nodded.


Humiga na ako sa upuan na mahaba. Naramdaman ko na ang  palad niya sa likod ko. Mainit ang kaniyang kamay.


"Ian, sabihin mo lang kung tapos kana no?" Saad ko, hindi kasi siya nagsasalita kanina pa.


"Sige, Ma'am Allersja..." Hindi na ako sumagot at pumikit na lang.


Nagising ako nung narinig kong may ingay at nakita ko sa harap ko sina Fleur at Aerin.


Tumabi sila sakin, "Nasan si Ian?" Tanong ko.


"Ian? Ayun, nagsuntukan sila ni Lewis..." Halos malaglag ako sa kinauupuan ko.

 
"Suntukan? What?"


"Kasi girl, nakita ng step-bro na nilalagyan ka ng sunblock ni Ian sa likod mo kaya ayun bigla na lang sumugod ang kuya mo..."


Napatayo ako at kailangan kong harapin si Liel, anong karapatan niyang suntukin si Ian? Hindi naman niya kaano-ano, at wala naman ginagawang masama sakin si Ian.


Dire-diretso ako sa loob hanggang sa makapunta ako sa tapat ng kuwarto niya. Malakas kong kinatok ang kuwarto niya pero walang bumukas kaya ako na ang nagbukas ng kuwarto niya.


Kapasok ko ay wala siya sa may kama niya. Hinanap ko siya hanggang sa makarating ako sa cr na nakalock iyon. Sigurado akong nandito siya.


Tatalikod na sana ako at nakita ko ang isang bracelet na nakakalat sa sahig... yung bracelet na binigay ko sakaniya non.


Bumukas ang pintuan ng cr. Dahan dahan napaangat ang tingin ko, nagpupunas siya ng basa niyang buhok habang naka- topless. Napatingin siya sakin hindi siya nagulat.


"What are you doing here?" Malamig at matigas ang kaniyang pagsasalita.


Tila pinutol ang aking mga dila, hindi ako nakapagsalita agad. Nakatingin lamang ako sa katawan niya. May eight packs na abs siya...


"May sasabihin ka? If none, better leave..."


Huminga ako ng malalim, "Bakit mo sinuntok si Ian? Walang ginagawa yung tao!"


Malalim ang mata niyang tinignan ako, inalis niya ang tuwalya na nakapaikot sa ibabang bahagi niya kaya napapikit ako. Damn this man!


"Sinuntok? He deserve it!" Singhal niya. "Yeah, I'm finished.." Aniya.


Napamulat ako at nakita kong nakasuot na siya ng shorts, pantaas na lang ang wala niya.


"He didn't deserve that, Lewis Castiel!" Sigaw ko. Masama ang tingin ko sakanya, "He's too kind!"


Tumalikod siya sakin at pumunta sa may salamin, "Get out..."


Napanganga ako, "What?"


"I said get out."


"Hindi ka man lang magso-sorry kay Ian?!"


Ngumisi siya, "Why would I?"


"Damn you, Leander!"


Hinigit niya ako pasandal sa pader. Gusto kong kumawala sa corner ng mga kamay niya pero diko magawa, masyadong mahigpit at malakas si Liel.

 
"Hinding hindi ako hihingi ng tawad, Keziah..." Malumay ang kaniyang boses.

 
"Pakawalan moko Liel..." Habang nagpupumilit ako sa pag alis.


Alam kong sa ginagawa niya mas lalo akong nalulunod sa pagmamahal ko sakanya.


"Sawang sawa na akong pakawalan ka, oras na siguro para di ko na sundan ang mga sasabihin mo...." Then suddenly his lips meet my lips.


Nanlaki ang mga mata ko, gustong gusto kong umayaw at tumutol pero iba ang gustong iparating ng puso ko. Kusang gumalaw ang mga labi ko.


"Ziah..." Tawag niya sa pangalan ko, "Sa'ting dalawa ikaw ang mahirap mahalin...."


Doon natigil ang halik niya sakin, dinikit niya ang noo niya sa noo ko, "Ikaw din yung taong mahirap kalimutan..."


Then he left without any words..


***


Halos kapusin ako ng hininga sa mga sinabi niya kanina. Gusto kong sapakin ang sarili ko at sabihing nananaginip lang ako pero hindi.


Lumabas ako ng kuwarto ko. Gusto kong magbabad muna sa tubig para maalis ma-relax ang isip ko. Hindi ko kaya ang tension na namagitan samin kanina.


Naglakad akong mag isa sa malayo sakanila, may mga kabibe akong nadadaanan pero nilalampasan ko lang. Sinisipa ko ang mga ito dahil sa iritasyon na nararamdaman ko.


Tumingin ako sa kalawakan ng dagat. Unti-unti kong binabad ang mga paa ko sa tubig. Nagluha ang mga mata ko.


Bakit hanggang ngayon ay mahal ko pa rin siya? Bakit hanggang ngayon dala-dala ko ang mga salitang binitiwan niya...


Hanggang bewang na tubig na napupuntahan ko. Kinagat ko ang ibabang labi ko. Naramdaman ko na lang na hindi ko na inaapakan ang lupa. Napatingin ako sa paligid na malayo na ko sa pangpang.


Nai-slide ang paa ko kaya parang cramps ang mga ito, pinilit kong umahon pero malakas ang bawat agos ng tubig sakin, parang gusto akong lamunin ng tubig.


"Tu-tulong!" Tanging nasigaw, nakalunok na ako ng tubig sa dagat at nalasahan ko ang alat nito.


Pumikit ako at hinayaan na lang na lumubog ako, "Ma'am allersja!"


Then I saw Ian running towards me. Thank you, Ian...

Leander: Lewis Castiel [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon