Kabanata 12

95 7 0
                                    

Kabanata 12
Truth Or Dare




"Magkasama kayo sa Canada ng six years?!" Gulat na sambit ni Aerin.


Sinamaan ko siya ng tingin, "Wag ka ngang sumigaw. Oo magkasama kami, wag niyong bigyan ng malisya."


"Ah oo, tinulungan ko lang siya kasi tinulungan niya ako hanggang sa naging close kami. Masyado kasing iyakin si Madame..." Aniya at tumawa.


Nanliit ang mga mata ko sakanya at inirapan siya.


"But wait, paano kayo nagkakilala ni Cash? Isa ka siguro sa mga chikababes niya!" Tanong niya sakin at tumawa na naman.


"He-he's my step... step-brother..." Natigil siya sa pagtawa. Nakita kong hindi nakikinig si Liel samin.


"He's your... what?" Nakakunot na noo niyang tanong.


"Step-brother..." Ulit ko sa sagot ko kanina.


Natahimik siya at hindi na nagsalita. Napatingin ako kay Ian na malayo ang tingin at pinaglalaruan ang kutsara sa plano. Anong problema ng isang 'to? Hindi ko na lang pinansin at kumain na lang kami.


Naglalakad kami pabalik ngayon sa kanya-kanya naming kuwarto. Nakatingin lang ako sa sahig habang naglalakad.


Ayokong tumingin ng diretso dahil alam kong masasaktan lang ako dahil nasa harapan ko ngayon sina Liel at Lia. Nagtatawanan pa sila, magkatabi lang ang kuwarto nila at hindi sila magkasama. Ewan ko lang.


"Tumitingin ka sa dinadaanan mo, Ma'am Allersja..." Napalingon ako kay Ian.


Ngumuso ako at tinuro ang nasa harapan ko kaya naman natawa siya at tumango, "Okay I get it. Gusto mo sa harapan mo ko? Haharangin ko siya sa paningin mo at sundan mo lang ang bawat yapak ko..."


Yung mga pamilya ni Ian ay nasa kuwarto na nila. Nakahiwalay ang kuwarto ni Ian sakanila.


"Uy ano yan ah..." Asar samin ni Fleur na kasama ang kaniyang boyfriend na nakaakbay sakanya.


"Yieee, pumapag ibig ka girl..." Asar din sakin ni Aerin at holding hands naman sila ng boyfriend niya.


Napatingin naman samin sina Kier at ang kasama niya, kunot noo pa rin ang noo ni Kier kapag tumitingin kay Ian pero katingin niya sakin ay ngumiti siya.


"Madame! Huwag masyadong pahalata!" Sigaw niya dahilan para humarap sina Evelia at Liel.


Kier. Napakasarap mo talagang itapon sa dagat sa sobrang kadaldalan.


Pumunta sa harap ko si Ian at hinarangan nga ako, "Hawak ka sa bewang ko, Ma'am Allersja..."


Wala akong nagawa kundi hawakan iyon at sinunod ko ang bawat hakbang niya. Nakarating kami sa kuwarto ko.


Humarap ako sakanya at binigyan siya ng ngiti, "Thanks, Ian... I owe you a lot... Thank you for everything..."


He smiled, if another girl I'm sure they will die, damn, killer smile. "For you I will do everything and I won't let you cry over and over again because of him...."


He left with opened mouth. What did he say?


***


Nakapaikot kami ngayon sa may tabing dagat, may bonfire sa gitna na nagsisilbing init sa lamig ng dagat na malakas ang pagaspas ng kaniyang tubig sa pangpang.


"Ang boring naman!" Reklamo ni Fleur.


"Suggest naman kayo ng pwede natin laruin diyan please?" Na sumang-ayon sina Naellah at Fleur.


"Hide and seek?" Patanong na sabi ni Naellah.


"Too dangerous.." Saad ni Alexander na tinanguan ko.


Madilim na at mas mahirap ay malapit kami sa dagat, ayoko naman may mangyaring masama.


Nakapalumbaba ang mga iba. Ang mga pamilya ni Ian ay nasa kuwarto na at natutulog dahil alas nuwebe na hindi raw sila sanay sa puyatan kaya kami kami nalang ang nandito.


"Gusto kong truth or dare..." Biglang sabi ko. Kaya nagulat ako nalang ako, "Ay hindi!" Bawi ko agad.


"Oh my god! I want that too!" Nagtitiling sabi ni Evelia.


I want to roll my eyes to her. Madikit siyang masyado kay Liel, habang si Liel na busy sa tawanan nila ni Kier na katabi ang kasama niya. Ang katabi ko ay si Ian. Pagkatapos ay si Alexander, Naellah, boyfriend ni Aerin at siya, Fleur at boyfriend niya.


Nakapaikot na kami sa gitna ng bonfire na hindi ganon kataasan kaya makikita pa rin ang boteng iikot.


"Gusto ko rin yon!" Excited na sambit ni Naellah. Pareho talaga kayo ni Evelia.


Pareho niyo kong ginagalit. Just kidding. Wala akong galit kay Naellah, wala na...


"Nasaan ang bote?" Tanong nila, nagreklamo ang boys sa laro pero wala na silang nagawa.


Pinaikot nila ang bote at tumama ang bibig kay Naellah kaya naman nagpabebe siya.


"Naellah right? Truth?" Ellah nodded, "If you were giving a chance to become an Allersja, do you want?"


Napatingin sila sakin lalo na si Naellah, ngumiti lang ako. "Of course! Swerte na ang magiging isang Allersja, bilang kapatid ni Ma'am Allersja ay isa nang achievement sa buhay mo... maganda, sexy, charming, mabait.. halos na sakanya na ang lahat. Sempre gustong gusto ko!"


Hindi ko maiwasan mapangiti, "Wow, praising me ah? Hindi kaya plastik yan?" Biro ko sakanya.


"Hindi ah! That's true!" I just nodded then they spined the bottle again.


"Okay, Fleur...." Nahihiyang sabi pa ng kasama ni Kier. "Truth or dare?"


"Dare!" Aba naman.


"Kiss your love ones." Nagblush ang bruha at hinalikan ang kaniyang boyfriend.


Inikot na naman ang bote.


"Alexander, truth or dare?" Tanong sakanya ni Evelia.


"Truth!"


"May chance bang magustuhan mo si Naellah?"


Nakita ko ang pagblu-blush ni Naellah. Huli ka ngayon!


"She's pretty... of course. There is!" At naghiyawan naman kami.


Next na natarget ay si Aerin, na si Alexander nag magtatanong. "Aerin? Truth or dar--"


"Dare!" Tumili pa ang gaga.


"Seduce your boyfriend in 10 seconds..." Nanlaki ang mata ko. Nagmaktol pa si Aerin pero ginawa niya rin.


Kami nalang nila Evelia, Liel, Kier, Yung kasama niya, Ian at ako.


Next thing ay tumutok kay Evelia ang bote. Na si Ian ang magtatanong.


"Dare!" Sagot na agad niya na hindi pa tinatanong.


"Kneel down, and say sorry..." Habang pino-point out ako ni Ian. Nanlaki ang mga mata ko.


"What?!" Sigaw niya.


"Or else.... you'll strip your clothes here..." Hindi rin nakapalag si Liel at sumunod nalang din si Lia.


Lumuhod siya sa harapan ko, "I'm sorry!" She said.


Nakatutok ang bote kay Kier, "Truth or Dare?" Ani Lia.


"Truth..."


Ngumisi sakin si Lia, "Nung nagkasama kayo ni Aviana sa Canada, wala kang naramdman sakanya?"


Hindi mapigilan mapatawa ni Kier, "Are you kidding me? Almost... but bestfriend is bestfriend.. Right madame?"


I smiled and shook my head. "Asa, bestfriend ka diyan." Then I laughed. Hindi na rin nila maiwasan mapatawa.


Next is Bf ni Aerin sa kasama ni Kier, "Truth or dare?"


"Truth."


"Are you inlove with Kier?"


Naghiyawan naman kami, "Y-yes...." nahihiyang sagot ng babae.


Ngayon ay natutok kay Ian at Kier, "Truth or--"


"Truth."


"Kung may tinatago kang sekreto, ano yon?"


"I'm adopted child." Hindi na ako nagulat. Sila na lang. Pati si Kier ay napanganga din.


Ngayon ay dalawa nalang kami ni Liel dahil natapos na din ang boyfriend ni Fleur at Aerin.


Natutok kay Liel ang bote.


Ako ang magtatanong sakanya, lumunok muna ako ng ilan beses. "If you have a chance to go back in Past, will you?"


He look at me, serious face. "I wouldn't comeback to my worst nightmare..."


Napanganga ako, hanggang sa akin na tumapat ang bote. Nakatingin din siya sakin.


"Truth or dare?"


"Dare..." Sagot ko.


"Slap your enemies..."


Seryoso ba siya? Tumayo ako, tumingin ako kay Evelia kita ko ang paglulunok niya. Pero dumako ang sampal ko kay Liel. Napanganga naman ang lahat.


Yes, I slapped him twice. Then I left them.

Leander: Lewis Castiel [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon