Kabanata 19

96 7 0
                                    

Kabanata 19
Muli


It's been eight months since I left them without any words came out in my mouth. Wala na ang galit sa puso ko, sa tagal ng panahon ay nakapag isip isip ako at natagpuan ko na din ang mga tunay kong magulang.

Nakatira sila sa Cebu at isa sila sa may ari ng supermarket sa cebu. Sa hindi akalain ay nagtagpo kami ng Mommy Emersida ko sa supermarket nila. Nag apply ako ng trabaho, pero nakita nila sa resume ko ang pangalan ko. Pina-DNA nila ako at nagmatch ang aming blood test. Mangiyak ngiyak ang mommy ko, nalaman ko din na may kapatid ako na lalaki, eleven years old.

Akala ko noon ay buntis ako dahil nagsusuka ako lagi pero nung nagpacheck up ako ay nag negative ang result. Ang sabi ng doktora ay stress lang daw at sa kakaisip. May problema din daw ang matres ko na hindi hindi agad ako mabubuntis pero may posibility pa rin daw na mabuntis ako.

"Excited ka na bang bumalik sa Manila, darling?" Tanong ng Mommy ko.

Tumango naman ako. Nawala ang galit ko nang si mommy na ang nag explain sakin nang lahat na hindi ginusto ni Tito Rodolfo na lokohin ako dahil sila ni Daddy Brixter ang may gusto nun dahil akala nila ay hindi na sila makakaahon sa hirap.

"Makikita mo na ulit siya..." Tukso ni Mommy, sumimangot ako.

Nakwento ko kay Mommy ang naging buhay namin ni Liel, tawa na nga siya ng tawa dahil sa mga kalokohan namin ni Liel. Si Daddy rin nun ay nakitawa.

"Si Ate, ikakasal na!" Napalingon kami sa kapatid ko na si Quin.

"Hey hindi ikakasal si Ate okay? Babalik lang tayo sa Manila dahil may aayusin lang si Ate na gusot." Pag eexplain ko kay Joaquin.

"Sabi kasi ni Mommy, ate na ikakasal ka na daw..."

Napatingin ako kay Mommy na nagpeace sign sakin at lumabas ng kuwarto. Tumingin ako na nakangiti sa kapatid ko.

I cupped his faced.

"Hindi pa sigurado si Ate kung ikakasal pa siya sa taong mahal niya.."

***

"Darling.... we're here..." Napamulat ako nang gisingin ako ni Mommy.

Tahimik lang na bumaba si Quin sa kotse, may hawak hawak siyang ipad at headset sa tenga niya. Si daddy ay binuksan ang likod ng sasakyan niya.

"Ako nang bahala sa mga gamit natin, sweetheart..." Saad ni Daddy kay Mommy.

Kababa ko nang kotse ay napatingin ako sa kalawakan ng Manila, lumipat kami sa bagong bahay namin na mas liliit lang ng konti sa bahay ng mga leander. Pero mukhang ma-presko ang lugar dahil maraming malalaking halaman.

"Mag ayos kayo mamaya okay? May pupuntahan tayo dapat maganda at gwapo kayo." Sabi ni Mom habang pababa ng hagdan.

"Where are we going?" Tanong ng kapatid ko.

"Secret... basta gusto ko gwapo ka mamaya ah?"

"Malay mo may chix doon, Quin." Kaya naman nabatukan ni Mommy si Daddy.

"Igagaya mo pa siya sayo nung kabataan! Kaya tayo hindi nakaahon agad dahil diyan sa kalandian mo eh!

"Sorry na sweetheart, I love you..."

"Hmp! I love you too!"

Hindi ko maiwasan mapangiti habang nakatingin kila Daddy and mommy, nawalan nga ako ng pamilya ng ilan taon pero ganitong pamilya naman ang pumalit. I'm so lucky to have them.

Nagulat ako nang tabihan ako ni Mommy at Daddy. Buti na lang at umakyat na sa taas si Quin.

"Sana maging masaya kana ulit, Avi..." Nakangiting sabi sakin ni Mommy.

"Basta pag natagpuan mo na ang mahal mo hindi ka niya papaiyakin kundi babasagin ko mukha niya." Natawa naman ako.

"Thank you mom and dad..." Sabi ko at inakbayan silang dalawa.

Bumaba kami sa isang mansion na hindi ako pwedeng magkamali na sa mga leander ang mansion na 'to.

Nakaramdam ako ng matinding kaba. After how many months nakaapak ulit ako sa mansion nila. Nanginginig ang mga tuhod ko parang gusto kong umalis.

I'm just wearing a plain red dress na may backless lang sa likod at high heels na kulay white. Hindi ako nagmake up ng sobrang kapal dahil hindi ako sanay. Nude na maroon lipstick lang ang nilagay ko.

Kapasok namin ay nakita ko na agad si Tito Rodolfo, Tita Matilda at sa tingin ko asawa ang kasama dahil nakaakbay ito. Nandito din sina Kier at Ian. Pero napansin kong wala si Liel.

"Iza!" Sigaw ni Tita Matilda ng makita ang mommy ko. Nagyakap sila. Nagfist bum naman sina Tito Rodolfo at Daddy.

Napalingon sakin sina Kier at Liel. Lumapit sila sakin at parang nahihiya pa silang ngumiti sakin kaya ako na ang ngumiti sakanila.


"Lalo kang gumanda, Ma'am Allersja..."

"Mas lalo kang sumexy, Madame!"

Nanliit ang mga mata ko. "Kayo talaga. Tigilan niyo na ako kakatawag niyo ng Ma'am at Madame." Natatawang sabi ko.

"No, gusto ka pa rin na tawagin kang ganon..." Na sumang ayon na si Ian. Nalaman ko rin na may nabuntis si Kier. Sharpshooter.

"Hindi ka na ba galit sakin, Madame? Sorry na napag utusan lang..." Natatawa kong tinulak si Kier.

"No. Hindi na! Masaya nga ako eh, kung hindi dahil doon hindi ko makikilala ang mga tunay kong parents... at ang kapatid ko!" Masaya kong sabi.


"May kapatid ka?" Gulat na tanong nila.

I nodded, lumingon ako at tinawag ang kapatid ko, "Joaquin!"

Lumapit naman siya, "Quin sila ang bestfriend ko na kwine-kwento ko sayo sila Kuya Ian at Kier mo...."

"Hello po...." Nahihiyang saad niya. Hinila siya ng dalawa at nakipag laro sila.

Lumapit sakin sina Tita Matilda na kasama ang asawa at Tito Rodolfo. Ngumiti ako sakanila kaya niyakap ako nila Tita at Tito.

"I miss you iha..." Bulong sakin ni Tito Rodolfo. Ngumiti naman ako, at nagsalita si Tita Matilda "Nga pala siya ang asawa ko si Tito Rodriguez mo..."

"Hello po...." Ngumiti sakin si Tito Rodriguez.

"Ikaw ba ang magiging daughter-in-law ko?" Natatawang sabi niya.

Tila namula ang mga pisngi ko. "Akyatin mo na siya sa taas ayaw niya kasing bumaba..." Bulong sakin ni Tita Matilda.

Tumango lang sakin sila Mommy at Daddy. Hindi ko alam pero napasunod nila ako. Mabilis kong tinakbo ang taas at nang nasa pintuan na ako ng kuwarto niya ay kinabahan na ako.

Unti-unti kong binuksan ang pintuan ng kaniyang kuwarto at dahan dahan pumasok sa loob. Ang lamig ng kuwarto niya. Parang nung unang dating ko lang din sa mansion galing Canada.

Nakita kong nakahiga siya sa kama kaya naman nilapitan ko siya at tinitigan ang kaniyang mukha. Kita ko ang pagiiba ng kaniyang itsura, kita kong pumayat siya pero ang kagwapuhan niya ay hindi mawala-wala.

Nagulat ako nang mapatingin siya sakin, "Z-ziah...." Uutal utal niyang sambit.

"Liel..." Hindi ko maiwasan ang maluha. Pakiramdam ko bumalik lahat ng ala ala naming dalawa.

"Am I dreaming? Totoo ka ba talaga? Nandito na ba ang baby ko? Akala ko iniwan na ako ng baby ko, akala ko iniwan niya na ako..." Paos ang boses niya.

"Liel, I am real... at hindi kita iniwan..." Mahinang sabi ko.

Tumayo siya sa kama at pinantayan ako. Nagulat ako ng yakapin niya ako. Nakaramdam ako ng basa sa balikat ko at alam kong umiiyak na siya kaya hindi ko na rin napigilan ang luha ko.

"Matagal na panahon kitang hinintay... masaya ako at nasa harap na ulit kita... nasa harap ko na ulit ang taong mahal na mahal ko..."

Leander: Lewis Castiel [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon