Kabanata 3

141 7 0
                                    

Kabanata 3
Bulaklak

 

Three days na ang nakakalipas mula nang dumating ako ng Pilipinas. Naninibago ako sa panahon dito dahil nasanay ako sa Canada pero pinilit ko pa rin na huwag pansinin iyon.


Nakatingin ako sa bintana ng kuwarto ko, iniisip ko pa rin ang nangyari six years ago-- na dapat hindi ko na iniisip pero hindi mawala sa isipan ko lalo na yung nangyari sa party.


Kaninong halik ang mga iyon? Pamilyar ang kuryenteng dumadaloy sa katawan ko ng hawakan niya ako. Si Liel ang iniisip ko na gagawa non pero masama ang umasa, mas masasaktan lamang ako.

 
Hindi ako nakatulog kagabo dahil sa sakit ng ulo, mabuti na lang at dinalhan ako ng gamot ni Yaya Eisla, yung head maid sa mansion.


Nakarinig ako ng dalawang katok sa pintuan ng kuwarto ko, "Tuloy!"


Nakita ko si Yaya Eisla na may dalang tray kaya lumapit naman ako at kinuha iyon sakanya. "Eto na ang breakfast niyo, Ma'am.. Sinabi ko na din po kay Sir Rodolfo na hindi kayo makakasabay sakanila sapagkat masama ang pakiramdam niyo.."


"Salamat, Yaya Eisla..." Ngumiti ako sakanya.


"Nandito na rin po ang gamot na dapat niyong inumin para maalis na ang sakit na nararamdaman niyo po..." Makahulugang saad niya.


Tumango nalang ako at hindi na nagsalita. Umupo ako sa may kama ko para kumain ng dala-dalang lugaw ni Yaya Eisla at gatas na mainit. Gininaw ako kaya inabot ko ang remote control para hinaan ang aircon.


Nagvibrate ang cellphone ko na galing sa messenger at nakita ko na may message galing kila Fleur at Aerin. Kaya naman agad kong binuksan, niyaya nila akong magshopping.


Aviana Keziah Allersja: I can't, I'm sick... Maybe next time. I'll update you.


Aerin Evalria De Nues: Okay, get well soon! Puntahan ka na lang namin ni Fleur?


Anatasia Fleur Condrad: Yes, gusto ka namin makita.


Aviana Keziah Leander: No thanks, alam kong busy kayo at ano ba sakit lang ng ulo ito. Don't worry.


Aerin Evalria De Nues: Update moko, Avi.


Aviana Keziah Leander: Yes, promise.


Then I off the wifi. Napahawak ako sa ulo ko at hinilot. Malipas ang ilan segundo ay kumain na ako at nagpahinga.


Habang bumababa ako ay maayos na rin ang pakiramdam ko siguro ay wala akong ibang ginawa kundi ang magpahinga sa kuwarto.


Napatingin ako sa garden namin na ako mismo ang nagdisenyo nito. Buti naman at maayos pa. Akala ko ay nasira na ang mga pananim ko na inalagaan.


Kinuha ko ang hose na nasa side at binuksan ang giripo, tinutok sa mga bulaklak. Malamang ay hindi ito malalanta kasi may nag aalaga.


"Ma'am Avi..." Napatingin ako kay Manong Leno. Ang hardinero namin.

 
"Hi Manong, buti naman at sariwa pa ang flowers ko!" Masayang saad ko at binalik ang tingin sa mga halaman.


"Talaga pong hindi malalanta ang mga yan dahil si Sir Lewis po ang nag alaga." Napahinto ako sa pagdidilig ng mga halaman.


Napatingin ako kay Manong Leno, "Pakiulit, Manong? Hehe." Hindi kasi ako makapaniwala.


"Mula po nung umalis ka ng mansion ay si Sir. Lewis na po ang nag alaga, nung nga pong may nalanta ay sobra ang galit niya at gusto niya pa kaming sisantihing lahat, sabi niya ay dapat maayos at sariwa pa rin ang mga bulaklak niyo hanggang sa pagdating niyo."


Pinatay ko ang giripo, pakiramdam ko lumakas ang tibok ng puso ko. Talaga bang ginawa niya iyon?


"Aviana, Anak..." Napatingin ako kay Daddy na kasama si Mommy Matilda na kalalabas lang ng pintuan.


"Alam ko may sakit ka, bakit nasa labas ka, Avi?" Si Mommy Matilda ang nagtanong.


Ngumiti akong pareho sakanila, "Hindi po maayos na po ang pakiramdam ko at isa pa po tinignan ko lang ang mga bulaklak na tinanim ko."


"Wag kang mag alala sa mga bulaklak mo, si Lewis ang nag alaga diyan akala ko nga ay nababakla na ang anak ko pero sinabi lahat sakin ni Manong Leno..."


"Tara sa loob, may sasabihin kami sainyo ng Mommy Matilda mo. Tawagin mo si Lewis.."


Saktong bumukas ang gate at pumasok ang kotse ni Liel.


"Ayan na pala siya, saan kaya galing ang batang ito..." Singhal ni Mommy Matilda.


Kababa ni Liel ay tumungo siya sa'min para dumaan sana patungong main door, "Saan ka naman galing, Lewis?"


"Somewhere..." Malamig at matigas ang kaniyang boses. Kaya napalunok ako.


"Pumasok kayo, may sasabihin kami..." Hindi na sumagot si Liel at pumasok na lamang kaya sumunod kami.


Umupo kami sa sofa na magkakaharap. Nakakaramdam ako ng malamig, ang lamig lamig niya. Ganyan na siya simula dumating ako rito.


"Nais kong sabihin na kayo munang dalawa ang magpapatakbo ng kumpanya natin..." Doon nabaling ang atensyon ko.


"I manage our company without anyone's help..." Malamig ang baritong boses niya.


"Mas maganda anak kung magkasama kayo ng Kapatid mo... para na rin magkaroon siya ng experience.."


Naguguluhan ako, "Bakit po ba samin niyo pinapatakbo?"


Huminga muna ng malalim si Daddy bago magsalita, "Dahil aalis kami ng Mommy niyo sa Pilipinas, pupunta kaming Mexico para sa business natin doon..."


Napalunok ako ng ilan beses. Aalis sila? Ibig sabihin kaming dalawa ni Liel ang matitira dito? Ano nalang kahahatungan namin?


I think this is not a good idea but we're talking about business so hindi ko na mapipigilan sila Daddy.


"Okay." Yun lang ang sagot ni Liel, "May sasabihin pa ba? If none, then I need to change my clothes..."


"Yun lamang," Sambit ni Mommy Matilda.


Tumalikod na si Liel at paakyat na, "Ah, Lewis?" Tawag ni Daddy. Tumingin si Liel kay Daddy pero hindi siya nagsalita.


"Please take care of your sister.." Nakita kong malamig ang tingin ni Liel.


Hindi na siya sumagot at umakyat na lamang. Sa tingin ko hindi na dapat sinabi ni Daddy iyon pero wala silang idea sa nangyari samin ni Liel.


"Una na rin po ako sa taas..." Tumango lamang sila kaya umakyat na ako.


Kapasok ko ng kuwarto ko ay nagbuga ako ng malalim na hininga. Umiling ako at naglakad patungo sa may table ko at nakita ko ang bulaklak na nakaiwan doon.


Kumunot ang noo ko, sino naman ang magbibigay ng bulaklak? Hindi ko napansin kanina ito, dahil hindi naman ako tumayo at nakahiga lang ako. Kung tumayo man ako ay sa bintana lamang iyon.


Kinuha ko ang bulaklak at nakita ko na may card sa loob ng bulaklak kaya kinuha ko iyon at binasa.


'Please be mine...'


Kumabog ang dibdib ko, tumatalon ang puso ko sa sobrang bilis ng paghinga ko. Hindi ako pwedeng magkamali sa nagbigay nito.


Tumingin ako sa pintuan ng kuwarto ko, Si Liel kaya ang nagbigay?


Pumikit ako ng mariin, imposibleng siya ang magbibigay nito dahil kahit kailan ay hindi pa siya pumasok sa kuwarto ko.


Kung ganon, sino ang magbibigay nitong bulaklak?

Leander: Lewis Castiel [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon