Kabanata 11

88 8 0
                                    

Kabanata 11
Cousins




Isang linggo na ang nakakalipas. Mula nung makita ko ang halikan nila, lagi na nga silang magkasama ngayon. Tama nga ako at si Evelia na ang kaniyang bago...


Habang nag aayos ako ng gamit dahil sa business trip na pinakalat ko. Nung una ay against si Liel pero wala siyang nagawa dahil ginusto din ng mga empleyada at sempre ako ang nasunod. Hindi na lang daw siya sasama at naglagay din siya ng bonus sa mga hindi sasama kaya 50% of us would come and 50% of us wouldn't.


Nagkatanggap ako ng message galing kay Kier na sasama daw siya sa business trip at may kasama siya. Kaya tumango na lamang ako.


Sumama si Naellah, na sekretarya namin kaya ang pumalit muna ay si Evelia lalo na't one week ang desisyon kong business trip sa palawan.


Ang pamilyang amias na hindi daw ang mga tunay na magulang ni Ian pero ito ang mga sinama niya. Hindi na ako nagtanong baka private ng masyado. But I'm still curious about it.


At last yung dalawang kaibigan ko na sila Aerin at Fleur na may kasama daw na boylet nila kaya pumayag na ako.


Ngayong ready na ako sa pag alis at binaba ang maleta ko sa hagdan. Nakita ko si Liel na nasa sala habang nanunuod ng basketball. Hindi siya tumingin sakin kaya dire-diretso na ako.


Gusto ni Kier na sunduin ako pero umayaw na ako dahil private plane na ang gagamitin ko, kaya magkikita na lang kaming lahat sa lupain namin. Ang Allersja de Saalvee.


Nagkita kita na kami ngayon sa ADS, nakita ako nila Fleur at Aerin kaya niyakap nila at pinagbabati. Pumunta din sakin ang mga pamilya ni Ian at nagpasalamat sakin. Si Kier naman ay nasa tabi ko ngayon.


"Ang dami naman yata ng sumama ah?" Tanong niya sakin habang nakashades pa siya pareho sila ni Ian.


"Business trip 'to... malamang marami.." Inirapan ko na lamang siya.


"Sungit mo..." Napatingin ako sakanya.


"Nasan pala yung kasama mo?" I asked him.


"Nag restroom..." I just nodded.


Nagsipuntahan na kami sa sari-sarili naming kuwarto. Kapasok ng kuwarto ay agad akong nagpalit ng damit, maaga pa naman alas otso pa lang dahil alas cinco y' mediya kami umalis ng Manila.


I wear shorts and white t-shirt, sa loob ay naka swim suits ako. Dahil sinabi nila na magswimming daw kami sa dagat dahil sayang ang ganda ng panahon ngayon kaya pumayag na ako.


Kalabas ko ng pintuan ng kuwarto ko ay nakita ko na nakasandal si Ian sa pader ng kuwarto niya. Napatingin siya sakin at ngumiti.


"Bat nandiyan ka? Tara baba na..." Aya ko sakanya.


"I'm waiting for my family..." Napaawang ang bibig ko.


"Ow, okay..." Then I walked away.


***


"Swimming na tayo please!" Pagmamakaawa ni Aerin.


"Ae naman, mamayang konti na..." Tutol ni Fleur.


"Mas magandang mag swimming ngayon, mag sun block nalang kasi kayo..." Sambit ni Alexander.


"Oo nga, gusto ko na rin magbabad..." Nakangiting sambit ni Naellah.


"Mamaya na ako," Sabi naman ng kasama ni Kier.


"Mamaya na daw siya, kaya mamaya na din ako..." Nanliit ang mga mata ko kay Kier.


"Mag swimming ang gustong magswimming, ang mga nagsabing mamaya after 1 hour, magswi-swimming tayong lahat. Maliwanag?"


Nagreklamo ang iba pero wala silang nagawa dahil ako na ang nag utos. Lumipas nag isang oras ay nagswimming na sila at ako na lang ang hindi.


Tinitignan ko sila isa isa pero napansin ko ang tingin ni Kier kay Ian. Masyado niya itong tinitigan, hindi ko na lang pinansin at nilipat ang tingin ko sa dagat.


Nag alis na ako ng t-shirt and shorts kaya naka swim suits nalang ako ngayon. Naglakad ako sa lupa na mapino hanggang sa makarating ako sa tubig.


"Aviana!" "Ma'am Allersja! Dito po kayo!" Narinig kong sabi nila. Tumango lang ako at pumunta sa lugar nila.


"Marunong kayong lumangoy, Ma'am Avi?"


"Sempre naman!" Natatawang sambit ko.


"Hindi marunong lumangoy yan, hanggang pangpang lang kaya niya!" Saad ni Aerin at tinawanan naman ni Fleur.


"Mga bully!" At hinampas ko sila ng tubig. Kaya gumanti sila at marami na rin ang nakisali.


Umahon muna ako sa tubig dahil napagod ako at naramdaman ko ang hapdi sa katawan ko. Wala akong sagabal sa katawan ko kaya sinuot ko ulit ang shorts at t-shirt ko.


Napatingin ako sa may side na nag uusap sina Kier at ang babaeng kasama niya. At sa kabilang banda na ang mga pamilya ni Ian ay nag uusap usap din habang nasa tubig. Umahon sa dagat si Ian. Tumingin ako sa may langit.


"Hays... sana naman maging masaya ako dito..." Bulong ko.


"Bakit naman hindi magiging masaya? Ang saya kaya!" Nagulat ako nang nasa tabi ko na si Ian.


"Nanggugulat ka!" Sabay hampas ko sakanya.


"Magugulatin ka lang talaga..." Ngumuso ako at inirapan siya.


"Bakit pala wala ang step-brother mo?" Tanong niya habang nakatingin sakin.


"Ayaw niyang sumama eh, ode wag, mas gusto niyang nasa company siya. See? Nagbigay pa ng bonus sa mga empleyado na hindi sasama..."


"Siguro ay kasama niya yung girlfriend niya...." Napatingin ako kay Ian, at sinamaan ko siya ng tingin.


"Wag ka na ngang madaldal dyan!" Tumayo ako at iniwan siya doon.


Nakakainis siya! Kailangan pa bang ipamukha sakin na may girlfriend na siya? Alam ko naman yun eh, pero kasi masakit.


"Hey Ma'am Allersja!" Habol niya sakin pero diko siya nilingon.


"I'm just kidding! Sorry na ma'am..." Mahinahon ang boses niya na parang si Liel kapag maamo.


Nahawakan niya ang braso ko at hiniharap sakanya, "Ma'am Allersja, I'm sorry...."


Ngumiti ako sakanya. "It's ok, Ian... totoo naman ang sinabi mo eh. Tara kumain na tayong lahat sa cottage..."


Tumango siya at tinawag na lahat ng mga kasama namin. Papunta na kaming cottage lahat. Yung iba samin ay nagtatawanan. Habang yung iba ay naglalampungan.


Nakaupo na kaming lahat sa upuan. Hinihintay na lang namin ang order namin na puro laman dagat.


"Late na ba kami?" Napatingin kaming lahat sa nagsalita at nakita ko si Liel na kasama si Evelia.


Nakadikit si Evelia nang sobra kay Liel pero si Liel ay may hawak hawak na susi ng kuwarto niya siguro... o nila...


Napatingin si Kier kay Liel at nanlaki ang mga mata nito, napatayo pa siya sa gulat. Patay na.


"Cash?" Tawag nito, napatingin si Liel kay Kier na halatang nagulat din.


"Flynn? Bro! Kailan ka pa bumalik?" Nakipag fist bum si Kier kay Liel.


Sa kabilang dako ay nakita ko ang paglunok at pag iwas ng tingin ni Ian.


"Last last week pa.... buti kasama ka dito?" Nagtataka pa rin si Kier.


"Dapat ako ang magtanong diba? Anong ginagawa mo dito?" Umupo na sila at katabi ni Liel si Lia at umupo na ulit si Kier sa tabi ng kasama niya.


Tumingin sakin si Kier, "Madame invited me..." May sinasabi ang tingin ni Kier sakin.


"Hindi mo sinasabi, Madame na magkakilala pala kayo ng pinsan ko. Ang six years kitang kasama sa Canada!"


At doon nakuha ang atensyon ng lahat even Liel look at me with his wary eyes.

Leander: Lewis Castiel [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon