Kabanata 9

100 5 0
                                    

Kabanata 9
Masakit


Nakatingin pa din ako sa mga mata niya. Nakanganga ako, Still love me? Gusto kong sabihin na mahal ko rin siya pero hindi pwede. Hindi pwedeng bumigay ang puso ko.


"Ziah..tell me do you still love me?" Yes, Gusto kong isigaw pero hindi...pwede...

Puno ng takot ang mga mata niya. Namumula ang kaniyang ilong, nakahawak siya sa magkabilang bewang ko kaya agad kong inalis yon kaya napanganga siya.

"Liel," May riin ang pagbanggit ko ng pangalan niya. Kita ko ang pag iiba ng awra niya.

"I know, I know, hindi tayo pwede? Damn it, nagsasawa na ako sa mga salitang yan, Keziah!" Sigaw niya.

"Kalimutan mo na ako..." Mababa ang boses ko. Sana ay hindi ko nalang siya naging step-brother.. sana, pwede nalang kami...

Kumunot ang noo niya, "I tried! I tried to forget you but I failed!"

"Bigay mo na sa iba ang atensyon mo sakin... magmahal ka ng iba... ikama mo kung maaari!"

Kinagat ko ang ibabang labi ko at napayuko, pero alam kong nagulat siya sa sinabi ko.

"Ikama? Do you think I can do that? I feel like, I'm cheating on you!"

"Please... kalimutan mo na ako... iba na lang ang mahalin mo... hindi pagche-cheat yun, Liel dahil wala tayong relasyon... ever since walang wala..."

Lumapit siya sakin, kaya napaangat ang tingin ko at nakatingin lang siya ng diretso sa mga mata ko. Kita kong naluluha na ang mga mata niya, pinigilan ko ang sarili kong yakapin ko siya.

"Ziah..." His voice broke. "Ganon na ba ako kahirap mahalin?"

No! Hindi ka mahirap mahalin, Liel...

"Tell me, anong kulang? Anong ayaw mo sa ugali ko? Masama ba ako? May ayaw ka ba sakin?"

"Stop Liel...stop..." Basag na rin ang boses ko.

"Nakausap ko si Daddy about this, he didn't signed the annulment papers, he love my mother so much... " Napayuko siya.

"W-why... pero gustong pakasalanan ng daddy ko ang mommy mo...."

He fakely smiled, "Yeah, my mother, too."

"Hindi pwedeng magkaroon ng relasyon ang magkapatid..." Natawa siyang bahagya.

"We're not blood related, baby..." Bulong niya sa tenga ko.

"I know!" Sigaw ko, "Hindi talaga pwede, Liel... Marami tayong masasaktan na tao kapag pinagpatuloy natin ito..."

"Hanggang ngayon ibang tao pa rin ang iniisip mo... kahit kailan hindi mo inisip ang nararamdaman nating dalawa..."

"Hindi kita mahal... hindi na kita mahal, liel..." Nakita kong nagulat siya sa sinabi ko pero mas pinili niyang tumawa.

Tawa lang siya ng tawa hanggang sa tumulo na ang mga luha niya. Tumigil siya at pinunasan ang mga luha niya.

"Lagi mo nalang akong sinasaktan, Keziah..."
 

"Hindi na kita mahal, kaya tumigil kana at maghanap ka na ng ibang mamahalin mo! Dahil kung ako? Wala kang mapapala sakin!" Sobrang lakas na talaga ng sigaw ko sakanya.

Desperada na akong mawala ang pagmamahal niya sakin kahit na ako ang masaktan wag lang siya.

I saw anger on his eyes, "Maghanap ng iba? Magmahal ng iba? Fine!" Then he left me.

Leander: Lewis Castiel [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon