Chapter 1: Normal Day
•
Yvaine's POV
"Kyaaaaaahhh!"
"Leche ka Jennie!" Sigaw ko sa kanya. Bigla na lang kasing sumisigaw eh!
"Oh?! Bakit ka naninigaw diyan?!" Takang tanong niya sa akin.
"Tch. Nagtanong ka pa talaga! Eh kasi naman po kung makatili ka akala mo ginahasa ka ng sampung loko-loko! Di mo ba alam na nakakaistorbo ka sa pagkakatulog ko?! Di mo ba alam na dis oras na ng gabi ngayon?! Buwisit ka!" Sigaw ko sa kanya habang binabato ko siya ng kahit anong mahawakan ko.
'Kainis kasi eh.'
"FYI lang ah? Hindi ako ginahasa ng sampung loko loko. At tyaka alam kong nakakaistorbo ako sa tulog mo, hindi ako tanga para hindi ko malaman yun. Alam ko din na dis oras ng gabi ngayon, actually mali ka kasi madaling araw na nga, it's exactly 1:58 am in the morning. At tumitili ako dahil sa kilig. Do I need to explain more?" Nakataas ang kilay na sabi niya sa akin.
Minsan ang sarap mampukpok ng kaibigan eh. Natutulog ka ng mahimbing tapos gagambalain niya lang?! Nasaan ang hustisya doon?! Pwede bang bumalik na lang ako sa bahay ko? Doon na lang ako kaysa naman sa tuwing madaling araw may titili ng napakatinis para maistorbo ang tulog mo. Psh, very nice.
"Fuck you 1 billion times, Jennie! I promise you, isang tili at sigaw mo pa bukas ng madaling araw, mamamatay ka na!" Sabi ko habang nakataas ang middle finger ko at tyaka tumayo at lumabas ng kwarto.
"Thank you." Tinawanan niya lang ako at lalong lang niya akong inasar dahil nakabuntot siya sa akin hanggang ngayon.
Minsan naiisip ko, dadalhin ko na ang babaeng toh sa Mental Hospital o kaya naman ako na lang ang papasok doon kaysa lagi akong stressed sa kanya.
"Gaga ka talaga! Eh bakit ka naman kinikilig?!" Nakapameywang na sabi ko sa kanya at tumigil sa paglalakad at tinignan siya ng masama.
"Eh kese nemen eh, ehe." Anak ka ng pucha! Naging retarded na ang isang toh, jusme! Sampalin ko kaya ng isa toh para matigilan?
"Hoy, gusto mo bang sampalin kita para matauhan ka diyan sa kahibangan mo? Tinatanong ko lang kung bakit ka kinikilig, hindi ko sinabing maging retarded ka diyan at mag mukhang uod na kulang na lang ay gumapang diyan sa sahig."
Mabilis na sabi ko sa kanya at inambahan na sasampalin siya. Harsh na kung harsh, inistorbo niya ang tulog ko eh. She will regret it. Tsk.
"Di ako retarded! Ang harsh mo naman sa akin, grabe ka sakin kung makasabi sa akin ng retarded at uod! Kinikilig lang talaga ako. Yiiiieeeeee!"
Nagumpisa na naman siyang maging uod este kiligin daw, pupusta ako ng 2 bilyon kapag napatunayan kong may ka-chat na naman ang isang ito sa messenger na gamit ang isa niyang account sa facebook kung saan puro portrayers ng Wattpad ang mga friends niya. Pupusta din ako na poser ang isang yun at ginamit ang mukha ng iba para masabing gwapo ang may ari ng account na yun, ito namang si loka loka, naniwala.
"Sino na naman yang bago mong ka-chat?"
"Eh? Ano yan Yvaine? Naging manghuhula ka na?"
YOU ARE READING
Seven Sins | On-going
Teen FictionHeaven and Hell. Saan ka nabibilang? One person, seven sins. How do you love someone that is slowly dying because of his sins? > > >